Chapter 10

2107 Words
Clarabelle's point of view Pagkagising ko ay nasa tabi ko parin si Arnel pero gising na siya. "Arnel." Mahinang sambit ko. "Senyorita." Sagot niya na bumangon na. "Maliligo na ako doon ka na muna sa dati mong kwarto maligo, kung ayaw mo naman ay sabay nalang tayo sa banyo ko." nakangiting sambit ko at halos matawa ako ng mabilis siyang bumangon at lumabas sa aking kwarto. Nakalimutan na niyang magdala ng kayang pamalit. Napangiti nalang akong bumangon na rin at pumasok na sa aking banyo. Mabilis lang kong naligo dahil kailangan kong pumili ng aking damit na babagay ng husto sa akin, first day of school kaya dapat ako ang pinaka maganda sa lahat. Isang blouse at jeans na palda ang aking napili, hanggang tuhod lang ito kaya accepted naman sa school. Isang private na catholic school ako mag-aaral kaya strikto sila sa pananamit. Hindi ko na ipinusod ang aking buhok dahil kahit kulot ito ay bagay naman daw sa akin. Habang nagsusuklay ako ay napatingin ako sa pintuan na nagbukas. Si Arnel na bagong paligo at suot ang kanyang damit na pantulog. "Nakalimutan kong magdala ng pamalit ko senyorita." Mahinang sabi niya at kumuha na siya ng kanyang pamalit. Pumasok siya sa aking banyo at ilang saglit at lumabas na rin. Naka t-shirt siya ng spiderman at nakapantalon. Yumuko ako para hindi maiwasan ang matawa dahil kung batang isip ako ay matured naman ako sa pananamit. "Senyorita ako na po ang magbuhat sa bag ninyo." Sabi niya na kinuha ang aking bag sa aking paanan. Talagang pinangangatawanan niya na maging alalay ko. Hinayaan ko lang siya, magaan naman ang aking bag dahil isang notebook lang ang laman, ang maliit na pitaka ko at isang ballpen. Ang celphone ko ay nasa bulsa ko naman. "Bakit ang laki ng bag mo?" tanong ko sa kanya dahil pwede nang ipasok ang aking bag sa laki nito. "Nagpalagay kasi si Inay ng pamalit ninyo baka daw pagpawisan kayo at dala ko din po ang sinisinghot ninyo kung aatakihin kayo ng iyong asthma." Napangiwi ako sa sinabi niya na sinisinghot, parang drug addict naman ako. Inhaler nalang sana mas magandang pakinggan. "Inhaler naman Arnel, ano ako drug adik!" Inis na sambit ko at nauna nang lumabas sa aking kwarto. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya napalingon ako pero yumuko ito. Pumunta kami sa kusina at nag hihintay na si Daddy sa amin. Mabilis akong yumakap sa gwapo kong ama. "Good morning Baby." Bati niya at hinalikan ako sa aking ulo. Humalik naman ako sa kanyang pisngi at umupo na ako sa tabi niya. Napatingin ako kay Arnel na nakatayo parin. "Arnel, sit down son." Sambit ni Daddy at napatingin ako sa kanya. "Son? Dad, ako lang ang anak mo." Sabi ko na naka nguso. "Baby, lahat ng mga bata dito ay tinuturing ko na anak." Sagot ni Daddy at mas napasimangot ako. "Daddy ako lang ang anak mo ." Naiiyak nang sambit ko kaya pina-upo niya ako sa kanyang hita at inalo. "Ofcourse, ikaw lang naman ang tinatawag ko na baby. Smile na diyan at papangit ka. Hindi na kita anak kung pangit ang mukha mo."Sabi ni Daddy na may halong pagbibiro kaya umayos na ang aking mukha. Kumain na kami at napatingin ako kay Arnel na nilagyan niya ng kape ang kanyang kanin na sinangag. Kinuha ko ang aking kutsara at wala nang pasabi na kumutsara ako. Isinubo ko ito at ninamnam ang lasa ng kape. "Hmm, masarap. Pahingi ng kape mo Arnel." Sabi ko na hindi ko na hinintay ang kanyang sagot. Kape na muna ang inilagay ko at nilagyan ko din ng sinangag. Pati si Daddy ay tinikman na rin at nagustuhan naman niya. "It's my first time, masarap pala." Sabi din ni Daddy na pati siya ay nag sabaw narin ng kape ni Arnel. Naubos namin ang sinangag pati ang kape ni Arnel. Pagkatapos naming kumain ay nagpa-alam na ako kay Yaya, noong elementarya ako ay siya lagi ang aking kasama. Ngayon ay ang kanyang anak naman. Sumakay na kami sa sasakyan ni Daddy at siya na mismo ang nag maneho. "Ready?" Tanong pa ni Daddy na nakangiting tumingin sa akin. Nasa tabi niya ako habang si Arnel at ang bodyguard niya ay nasa likuran. Ilang saglit ay tumunog ang aking telepono, may nagpadala sa akin ng mensahe at agad na binasa ko ito. Kenny: Babe, nasa gate na ako. Waiting for you. Napangiti ako dahil si Kenny pala. Me: Malapit na kami. Sagot ko at ilang minuto lang ay huminto na ang sasakyan. "Baby, see you in the afternoon ako na ang susundo sainyo ni Arnel." Sabi niya pagkatapos akong yumakap at nagpa-alam sa kanya. Nauna na akong lumabas at sumunod si Arnel. "Arnel, sa tabi lang kita lagi ah. Baka mawala ka." Sabi ko habang naglalakad kami. "Opo, senyorita." Sagot niya at nakita ko na si Kenny na kumaway sa akin. "Babe, I miss you!" Bulaslas niya na niyakap ako ng mahigpit. "Sino yang katabi mo?" Bulong pa nito. "Oh, this is Arnel anak ni Yaya Solly." Sagot ko at nagpakilala si Kenny kay Arnel. Parang nagulat pa si Arnel ng niyakap siya ni Kenny. Lumakad na kami at nakaakbay sa akin si Kenny habang si Arnel ay nasa tabi ko at nakahawak sa kanyang kamay. I feel so much bless dahil may dalawang gwapo sa tabi ko. Tiyak na maiinggit na naman ang Salazar na iyon. Sa elementarya ay siya ang aking nakalaban sa Valedictorian, ako ang nangunguna kaya mas lalo siyang nainggit sa akin. Kahit pa noong girls scout kami ay ako ang nanalo na Little miss Girls Scout. Siya ang laging pangalawa sa akin kaya laging umuusok ang ilong nun sa akin. She is my friend but I feel her kaplastikan. I know she is talking bad things about me behind my back. Sa lahat ng kaibigan ko ay kay Kenny lang ako nagtitiwala. "Arnel sa harap tayo umupo." Pag-upo namin ay dumating na rin si Mara kasama ang mga kaibigan din namin. "Clarabelle! I miss you, kumusta ang bakasyon?" Masayang tanong niya at napatayo ako dahil yayakapin niya ako. " Okay lang." Maiksing sagot ko. Nagbatian kaming magkakaibigan at nag kwentuhan. Sa bahay lang naman ako habang ang mga kaibigan ko ay nagbakasyon kung saan-saan. Pinagmalaki ni Mara na nagbakasyon sila sa Amerika. Ilang saglit ay kailangan na namin lumabas para sa flag ceremony at may konting program. Hawak ko pa din ang kamay ni Arnel at nasa tabi ko naman si Kenny. "Sino siya?" Tanong ni Mara at napansin ko ang pangingislap ng kanyang mga mata. "Siya si Arnel, new member of the group." Sabat ni Kenny. Si Mara Salazar na ang nagpakilala kay Arnel at nainis ako dahil alam kong crush niya agad si Arnel. Noon ay si Kenny ang gusto niya pero direk to the point si Kenny na sinupalpal siya na hindi siya nito type. Naglinya na kami at nag-umpisa ang lahat sa short prayers then pagkanta ng national anthem. Pagkatapos ay nagpakilala ang lahat ng mga guro, madre at padre. Ang huli ay ang aming principal. Natapos ang short program ay bumalik na kami sa aming room. Isa-isa kaming nagpakilala at nang si Arnel na ang magpakilala ay napansin ko na iba ang ngiti ng mga babae sa kanya kaya napasimangot ako. Badoy man ang damit niya pero gwapo talaga si Arnel. Arnel's point of view Nagulat ako sa pagyakap ni Kenny sa akin, kung mahigpit ang yakap niya kay Senyorita kanina ay parang mas mahigpit pa sa akin. Kung hindi lang siya lalaki na manamit ay mapagkakamalan ko siyang bakla. Lalaking-lalaki naman ang kilos niya pati ang pag-akbay niya kay Senyorita. Kahit pala wala ako ay may Kenny naman siya. Marami akong nakilala na kaibigan at mga bagong ka klase. Medyo nahihiya lang ako sa damit ko. Hindi ko naman alam na ganito sila ka pormal. Ang damit kong printed na spiderman ang pinaka magandang damit ko na. Sana nag t-shirt nalang din ako ng puti para hindi masyadong agaw pansin. Nahihiya ako nang nagpakilala na ako at tinanong pa kung saan school ako galing. Maraming hindi na kaka-alam sa paaralan napinang galingan ko dahil malayo at liblib na lugar. Kahit na paano ay ramdam ko hindi ako ikinahihiya ni Senyotira dahil halos ayaw niyang bitawan ang aking kamay. Natapos ang aming kalahating araw at sa kanteen na kami kumain kasama ang mga kaibigan ni Senyorita. "Clarabelle bakit senyorita ang tawag ni Arnel saiyo?" Tanong ng ni Mara. "Sa bahay kasi nila ako nakatira at amo siya ng Nanay ko." Sabat ko. "Ohh!" Sabay-sabay na sambit ng kanyang mga kaibigan maliban kay Kenny na asikasong-sikaso kay Senyorita. Halos subuan na niya ito at hinahayaan lang siya ni Senyorita. Magkakaibigan na pala sila mula noong nag-aral sila kaya close na silang dalawa. "So he is like your alalay?" Tanong ni Mara. "No, he is my brother not alalay." Sagot ni Clarabelle na ikinasaya ng puso ko. Masungit at maldita man siya pero hindi siya mapang mata. Pagkatapos naming kumain ay binuhat ko na ang maliit na bag ni Senyorita. Nag banyo lang siya saglit at hindi siya nagpasama sa akin dahil bawal naman akong pumasok sa pambabae na banyo. "Arnel, kailan ka pa sa Hacienda ng mga De leon?" Tanong ng isa nilang kaibigan. "Ilang linggo palang." Maiksing sagot ko na nahihiya dahil ang dami nilang tanong sa akin. " You can tell to your Mom na pwede siyang magtrabaho sa bahay. May sarili kayong bahay sa tabi ng bahay namin at magaan lang ang trabaho. I will tell to my father na taasan ang sweldo ng Nanay mo." Mahinang sambit ni Mara. Hindi ako umimik dahil hindi ko alam kung paano ko siya hihindihan. Magaan ang trabaho ng Nanay ko sa Hacienda, may marami nga siyang pahinga kaysa trabaho dahil ako na ang naging kasa-kasama ni Senyorita. Tumutulong nalang siyang ipinagluto ang mag-ama. "Pwede bang pakibuhat din mamaya ang aking bag?" Mahinang bulong nito. Napahinga nalang ako ng malalim. Ang gaan naman ng bag niya pero bakit sa akin niya ipinabubuhat. Pagdating ni Senyorita ay nagsitayuan na kami at bitbit ko ang bag ni Mara. Si Mara naman at ang dalawa pa nilang kaibigan ay nag cr din. "Hihintayin nalang namin kayo sa tambayan." Sabi ni Kenny kaya nauna na kaming lumabas sa kanteen. "Nabusog ka ba?" Tanong ni Senyorita at napatango ako. Sa dami ng binili niyang pagkain sa aming dalawa ay busog na busog talaga ako. Ayaw kong may masayang kaya inubos ko lahat. "Ano yan?" Tanong niya at natigalan kaming dalawa sa paglalakad. "Binabuhat ni Mara." Sagot ko dahil nakatingin siya sa bag ni Mara na bitbit ko. "Itapon mo." Galit na sambit niya. "Senyorita bakit ko itatapon, okay lang naman. Magaan lang naman po siya." "Itapon mo oh sasabay ka sa akin na maligo." Galit na sambit niya at wala siyang pakialam kung marnig ni Kenny na nakangiti. Mabilis ko naman na itinapon at nagulat ang dalawa pa nilang kaibigan. "Oh my God bakit mo itinapon ang bag ni Mara?" tanong ng isang kaibigan nila na mas naunang natapos na nagbanyo. "Ako ang nagpatapon, wala siyang karapatan na ipabuhat ang kanyang bag kay Arnel." Masungit na sagot ni Senyorita at agad na tinawagan ng kaibigan nila si Mara. Ilang saglit lang ay paparating na si Mara at sa aksyon nito ay alam kong galit siya dahil dinampot niya ang kanyang bag na natapon pa ang laman nito. "Clarabelle, what is the meaning of this bakit mo ipinatapon ang bag ko!" Galit sambit niya na namumula pa ang mukha sa galit. "Wala ka bang mga kamay, bakit hindi mo buhatin ang bag mo. Arnel is not your slave!" Galit din na sagot ni Senyorita. "So, he is your slave?" "No, he is not. He is a friend and a brother to me." "Eh bakit siya ang nagbubuhat ng bag mo?" Sabat ng isang kaibigan nila na tumawag kay Mara. "Ako ang nagsabi kay Senyorita na buhatin ang bag niya." Mabilis na sabat ko. "Sa ginawa mo ay pinuputol mo na ang pagkakaibigan natin. Girls, sino ang gustong sumama sa akin." Sabi ni Mara at tatlo ang tumabi sa kanya. Si Kenny at si Dahlia naman ang tumabi kay Senyorita. Umalis na sila sa tambayan nila at agad na ibinigay ko ang inhaler ni Senyorita dahil parang nahihirpan itong huminga. "Are you okay Babe?" tanong ni Kenny na hinaplos ang likuran ni Senyorita. "Ikaw talaga sana hindi mo na pinatulan pa,alam mo naman na malaki ang inggit nun saiyo." Sabat ni Dahlia na pinaypayan si Senyorita. "Arnel, kapag nasa school tayo please don't call me senyorita." Sabi niya kaya mabilis akong tumango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD