Arnel's point of view
Lahat kami ay walang nagawa sa kagustuhan ni senyorita. Kami lang ang nag-iisip ng masama habang ang laman ng utak niya ay wala lang. Habang hinihilot ko ang kanyang tiyan ay nakatulog na siya. Mamaya ko na lang siguro siya gisingin para kumain.
Dahan-dahan akong lumabas sa kanyang kwarto. Inilabas ko na ang telepono na ibinigay ni Gob at agad ko siyang tinawagan. Mabuti at sinagot naman niya ito agad.
Gob: Arnel kumusta ang dalaga ko?
Agad na tanong niya, dalaga daw pero kung ituring ay baby damulag naman.
Me: Gob, tulog na po siya pero hindi pa kumain.
Gob: Hayaan mo nalang siyang matulog, magigising din pag gutom na. Please, samahan mo siya kung gusto niyang kumain pagkagising.
Me: Sige po Gob.
Nagpasalamat si Gob at pinatay ko na ang telepono. Pumunta ako sa dati kong kwarto at kinuha ko ang aking kumot at mga unan. Dinala ko ito sa kwarto ni Senyorita at sa sahig na ako nahiga. Maaga palang naman kaya kinalikot ko na muna ang aking telepono. Hanggang sa na low bat ito.
Bumangon ako at nilagay ang charger, pagtingin ko kay Senyorita ay gumalaw na ito at kinakapa ang kanyang kama.
"Arnel!" Tawag niya at mabilis akong lumapit.
"Senyorita." Sagot ko na inayos ang kanyang magulang buhok para makita ako. Bumagay talaga sa mukha niya ang medyo wavy niyang buhok.
"Gutom na ako." Mahinang sambit niya.
"Sige Senyorita, iinit ko lang ang pagkain mo." Sabi ko na mabilis umalis sa kanyang kwarto. Mabuti at dalawang oras lang siya natulog.
Pinainit ko ang kanyang pagkain at pagkatapos ay inilagay ko sa isang tray. Kumakain pala ng pagkain ng pang mahirap ang amo namin. Napangiti ako dahil itlog lang na maalat na may kamatis. Isang pork chop at nilagay gulay. Hindi kaya sasakit ulit ang kanyang tiyan sa itlog na maalat.
Mas masarap pa ang kinain namin na mga kasambahay kanina dahil lechon na manok. Kung hindi lang iniwalay ni Nanay ang pagkain niya ay baka akalain kong sa akin ipapakain.
Pagdating ko sa kanyang kwarto ay naka-upo na ito sa kanyang kama. Dahan-dahan kong nilapag ang tray at agad niyang kinuha ang red eggs para balatan. Pinanuod ko siya kung paano kumain. Kahit yung mantika ng itlog ng maalat ay hindi niya sinayang. Hindi niya kinain ang kanyang pork chop na iyon pa man din ang masarap.
"Senyorita bakit hindi mo kinain ang karne?"
"Matigas eh, kung gusto mo kainin mo na lang."
"Bukas ko nalang kakainin Senyorita, busog pa din ako." Sagot ko na dinala na ang tray sa kusina, ang tira niyang pagkain ay inilagay ko sa tupper. Kakainin ko nalang bukas para agahan ko.
Bumalik na ako sa kanyang kwarto at napakamot ako sa aking ulo dahil ang aking kumot at dalawang unan ay nasa higaan na niya.
"Dito ka matutulog sa kama ko." Sabi niya na seryoso. Wala na akong nagawa pa kundi humiga sa tabi niya.
Binuksan niya ang malaking TV at pumili ng pelikula. Mabuti at tagalog ang kanyang pinili dahil siguradong mahihirapan ako. Ang hindi lang maganda ay horror ang kanyang pinili. Matatakutin pa man din ako dahil sa amin naniniwala kami sa mga tikbalang ay mga kapre.
Nagtalukbong ako at narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
"Arnel natatakot ka ba?" Bulong niya na agad hinila ang kumot.
"Senyorita, natutulog na ako." Sabi ko pero nilakasan niya ang TV. Dinig na dinig ko ang nakakatakot na musika ng kanyang pinapanuod kahit naka pikit ako.
Tawang-tawa siya habang hinihila ang aking kumot. Habang naghihilaan kami ay nagbukas ang pintuan at si Gob ito naka nakangiting pinapanuod kami.
"Para na kayong magkapatid." Sabi niya at natigalan si Senyorita.
Mabilis siyang umalis sa kama at yumakap. Mabilis lang pala na maalis ang kanyang tampo. Pati si Gob ay nakihiga na rin at tatlo na kaming nanununod. Habang nanunuod kami ay hindi ako mapakali dahil natatakot ako. Habang silang mag-ama ay tutuk na tutok sa kanilang pinapanuod.
Nang hindi ko na makayanan ay tinakpan ko na ang aking tenga at ipinikit ang aking mga mata hanggang sa nakatulog na ako. Nagising nalang akong parang may mabigay na bagay sa aking mukha. Pagmulat ko ay ang maputing paa ni Senyorita. Dahan-dahan ko itong inalis, hindi ko na alam kung anong oras umalis si Gob kagabi.
Kinumutan ko siya at umalis na sa kanyang malaking kama. Kumuha ako ng aking damit at pinasok ko ang kanyang banyo. Sobrang ganda ng banyo niya, pambabae talaga. Kahit na paano ay dito ko nararanasan ang buhay ng mayaman, sa bahay tabo at aking gamit dito may shower na at pwede pang timplahin kung gusto mo ng maaligamgam.
Pagkatapos kong naligo ay lumabas na ako sa kanyang kwarto at pumunta sa kusina. Pagdating ko ay tumutulong na naghahanda si Inay.
"Oh anak, ang aga mo namang nagising. Halika ka dito, anong gusto mong inumin? Nagkakape ka na ba? may hot chocolate kung gusto mo."
"Kape nalang nay, pero mas maraming gatas." Sagot ko. Habang gumagawa si Inay ng aking kapae ay kinuha ko sa fridge ang tira ni Senyorita. Kumuha na din ako ng mainit na kanin at umupo na ako.
"Anak, hindi ba kinain ni Senyorita ang pork chop?" Tanong ni Inay at inilapag ang aking kape.
"Hindi po Inay, matigas daw po. Sayang naman po kung itapon ko kaya kakainin ko nalang." Sagot ko na ipinatong sa mainit na kainin at nilagyan ko na rin ng kape.
"Bakit mo nilagyan ng kape ang kanin mo?" Tanong ng isa nilang kasambahay.
"Nasanay na po kasi akong sinasabaw ang kanin ko sa kape." Sagot ko at nag-umpisa nang kumain.
"Ang gwapo ng anak mo Solly pero ang weird." Dinig ko na sambit niya.
"Ganyan talaga sa amin, kahit nga ako ginagawa ko din yan." Sagot naman ni Inay.
Habang kumakain ako ay maraming tinanong si Inay at kinumusta ang kanyang Senyorita. Pati si Inay ay tawang-tawa ng nasabi ko ang tungkol sa aming pinanuod. Pagkatapos kong kumain ay ibinigay sa akin ang pagkain ng kanilang mga aso. Pakakainin ko daw sila kaya lumabas na ako sa bahay at pumunta sa likuran ng bahay.
May dalawang aso na nakakulong. Naglagay ako ng kanilang pagkain at umalis na agad ako dahil baka hahanapin ako ni Senyorita. Ibinalik ko na sa lagayan ng pagkain ng aso ang malaking bag at nag hugas ng aking kamay. Mabilis akong lumakasd at halos patakbo na ako.
Nang makarating ako sa harapan ng kanyang kwarto ay agad ko itong binuksan. Nakahiga parin siya pero gising na.
"Saan ka nagpunta?" Nakasimangot na tanong niya.
"Kumain ng agahan at pinakain ko ang mga aso." Sagot ko naman pero nakasimangot parin siya.
"Sa susunod, gisingin mo ako para sabay tayong kumain ng agahan.
"Paano ang Daddy mo?"
"Late naman siyang nagigising pag sabado ay linggo." Sagot niya na bumangon na.
"Mula ngayon ay gusto kong gumising na nasa tabi parin kita, naiintindihan mo?" Masungit niyang tanong. Hindi ata maganda ang gising niya dahil salubong ang kanyang kilay at nagdadamog. Hindi ko na maintindihan ang senyorita ko na ito. Minsan, mabait, minsan masungit at minsan may topak.
Nang naligo na siya ay inayos ko na ang kanyang higaan. Pati ang mga damit niya ay isinalansan ko na din. Natapos na siyang naligo at nakatapis lang siya ng tuwalya. Mabilis akong tumalikod at nagkukunwaring may ginagawa.
"Halika samahan mo ako ulit na kumain ng agaha." Sabi niya sabay hinawakan ang aking braso at hinila na papalabas sa kanyang kwarto. Sa susunod, huwag mong ayusin ang kwarto ko may kasambahay kami na gagawa."
"Wala naman po akong gagawin na iba Senyorita." Mahinang sagot ko.
"Kung wala ka naman palang gagawin eh di sana, sinamahan mo akong naligo."
"Sige po hindi ko na lang pakikialam ang kwarto ninyo." Agad na sagot ko dahil hindi ko kakayanin na samahan siyang maligo. Pagdating namin sa kusina ay kumain ako ulit. Mabuti at tinapay lang ang kinain niya dahil hindi na kakayanin pa ng aking tiyan.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa palengke kasama sina Inay at iba pang kasambahay. May listahan na sila para sa mga bibilhin namin. Sumakay kami sa kanilang kotse at pagdating namin sa bayan ay halos nakatingin lahat kay Senyorita. Bata, binata o matanda ay makikita sa kanilang mga mata ang paghanga dito.
Kaya lang hindi palabati tulad ng kanyang ama.
"Senyorita, kahit hindi kayo ngumiti kawayan lang ninyo sila." Mahinang bulong ko habang naka hawak siya sa aking braso.
"Ayoko nga, wala naman akong balak na tumakbo sa politika pag laki ko." Sagot niya na sinimangutan ang lalaking bumati sa kanya.
"Anak po kayo ni Gob Senyorita."
"Eh di ikaw na ang kumaway kung gusto mo!" Malakas na pagkasambit niya kaya yumuko nalang ako.
Sa isang malaking store kami pumasok at agad kaming sinalubong ng may-ari ata. Magkakilala naman sila dahil Tita ang kanyang tawag.
"Tita si Kenny po?"
"Dumating na siya kahapon pa, ayon nakakulong lang sa kwarto niya." Sagot ng sumalubong sa akin.
"Sige Tita, magkikita nalang kami sa pasukan." Sagot niya at ibinigay ni Inay ang listahan ng aming bibilhin. Ako naman ay pumili ng sarili kong gamit. Habang namimili ako ay hindi mawala sa isip ko kung sino yung Kenny na iyon at bakit parang malapit ang loob niya dito.
Nahihiya naman akong magtanong dahil baka pagtaasan na naman niya ako ng boses. Halos dalawang oras kami sa loob at bumili na din ng extra si Inay na ipamimigay sa mga anak ng nagtratrabaho sa hacienda. Mamayang hapon daw nila ito ideliver sa hacienda dahil hindi magkakasya sa sasakyan lalo na at puno kami sa loob. Yung gamit lang namin na dalawa ang aming dinala pabalik sa kanilang bahay.