Leony's point of view Habang naliligo ako ay iniisip ko ang sinabi ni Clarence na next week na daw kami ikakasal? Paano ako maniniwala sa kanya eh hindi pa nga niya ako naipapakilala aa kanyang pamilya? Tinapos ko na ang aking pagligo at paglabas ko ay saktong papasok naman siya sa kwarto. "Ang bango ng misis ko ah, pa kiss nga." Sabi niya na pabiro kaya inirapan ko siya. "Maligo ka na nga ang baho mo!" Asar na sagot ko. "PA kiss lang naman eh, aamoyin mo ba ako?" "Syempre maamoy kita." Sagot ko na umupo na muna sa sofa at sinuklay ang aking buhok. Lumapit parin siya sa akin at hinalikan ang labi ko na walang paalam at pagkatapos ay patakbo siyang pumunta sa banyo. Habang nasa sofa ako ay tumunog ang aking telepono si Lolo ang tumawag kaya agad kong sinagot. Napatingin ako sa ak

