Clarence POV Isang oras nang nakatitig ako kay Leony, ang daming nasayang na taon dahil lang sa walang kwentang pangyayari sa camping noon. Sana lang ay mas maagang sinabi ko na mahal ko siya para nagkaroon siya ng tiwala sa akin. Isa pa kasalanan ko din kung bakit kami nakunan ng video. Sana hindi na kontento na ako sa dalawa. Hinalikan ko ng paulit-ulit ang kanyang labi at umalis na ako sa kama. Mabilis akong naligo at bago ako umalis ay hinalikan ko ulit siya. Pagdating ko sa kusina ay nag-uumpukan sina Ate. "Anong mayroon mga chismosa!" Pagbati ko sa kanila at sabay-sabay pa talaga silang napalingon sa akin. "Senyorito, yung asawa ni Mayor pumunta siya dito. Alam mo narinig kong ginahasa daw si Jemma." Bulong ni Ate. "Si Jemma? magagahasa? baka siya ang gumahasa kay Mayor." Sabi k

