Clarabelle's point of view Nang gagalaiti ako sa galit ng makita kong kinukuhanan ni Mara si Arnel na kasama siya at si Arnel naman ay hindi din umilag. Hindi pa niya kasi amininin mahilig din siya sa malaki ang dibdib. Sa inis ko ay kay Jerome ako nag pahatid at niyaya ko na rin siya na sumabay kumain. "Anak, si Arnel? Tanong ni Daddy. "Masakit daw ang ulo Dad." Sagot ko nalang na pinakilala si Jerome. Kilala din pala ni Daddy ang mga magulang ni Jerome kaya masaya ang aming kwentuhan hanggang sa niyaya ko silang lahay na mag piknik kami sa batis bukas. Gabi na ng nagpa-alam si Jerome at pumasok na rin ako sa aking kwarto. Nadatnan ko si Arnel na nalilibang sa panunuod kaya sa inis ko sa kanya dahil nagpahawak siya sa braso ay pina tulog ko siya sa dati niyang kwarto. Tahimik lang

