Arnel's point of view Ginising ko na si Senyorita dahil ang ma late na kami. Napahinga nalang ako ng malalim dahil bumangon siya at hindi man lang lumingon sa akin. Hinintay ko siya hanggang sa natapos siyang naligo at natigilan ako dahil dry na ang buhok niya. Sanay na ako na ako ang nagpapatuyo ng kanyang buhok. Sigurado ako ng hindi niya Binasa ang kanyang buhok. Sabagay naligo naman siya kagabi. Natigilan ako dahil basta nalang siya lumabas at hindi niya ako hinintay. Bumati siya sa aming mga magulang at pakiramdam ko ay hindi niya ako nakikita. Kumain na kami at hindi man lang siya lumingon sa akin. Kumain nalang din ako na walang imik habang ang mga magulang namin ay nag lalandian. Tumayo na siya kaya tumayo na rin ako kahit hindi ko pa naubos ang aking kape. Ang bilis niyang

