Solly's point of view Habang nakatitig ako kay Kuya ay parang bumabalik ang nakaraan. Crush na crush ko siya noon lalo na at sobrang maalaga siya sa akin noon. "Gob, tama na yan." Sabi ko dahil sobrang linis na ng kusina."Saway ko sa kanya. May taga linis naman pero gusto niyang siya ang maglinis. "O sige Mahal, tayo na." Sagot niya na humalik sa aking labi. Hindi ko maiwasan ang mapakamot sa aking mukha dahil na nunusok ang kanyang bigote. Sa mga nakaraan na araw ay abala si Senyorita kaya hindi na niya naaahitan ang kanyang ama. Hiniling ni Kuya na ako na muna ang aahit kaya pumayag naman ako. Pinatay na niya ang mga ilaw sa kusina at lumakad na kami papunta sa kanyang kwarto. Apat na araw na din akong natutulog sa kanyang kwarto, hanggang yakap at halik lang ang aming nagawa. Mala

