Chapter 4

1317 Words
Clarabelle's point of view Lahat ng practice ay ginawa ko, para mapapayag ko siya na maging alalay ko si Arnel. Napangiti ako ng makita ko na nang paparating na ang chopper. Kahit malayo pa ay kumaway na ako at patalon-talon. Miss ko na ang Daddy ko sa ilang araw niyang wala sa racho. "Senyorita, dito lang kayo lalapag na ang chopper." Sabi ni Uncle Dan na hinawi pa ako. Tumabi naman ako sa kanya at sobrang lakas ng hangin kasabay ng paglapag ng chopper. Ilang saglit ay nag bukas na ang pinto kaya patakbo na akong sumalubong kay Daddy. "Sweetheart, stay malakas na sigaw niya pero hindi ako nakinig. Mas binilisan ko ang aking pagtakbo kaya nataranta na siyang sinalubong ako. "Daddyyyyy!" Malakas na sigaw ko sabay tumalon ang nagpabuhat sa gwapo kong Daddy. "Sweetheart, I miss you." Sabay hinalikan ang aking buong mukha. I am so lucky na kahit ako ang dahilan kung bakit namatay ang Mommy ko sa panganganak sa akin ay hindi niya ako kailanman sinisi. "I miss you Daddy." Sagot ko na yumakap sa kanya mg mahigpit, lumakad na siya na buhat ako na parang unggoy na nakalambitin sa Daddy ko. Nang nakalayo na kami ay umalis na din ang Chopper. "Kumain ka na ba?" Malambing na tanong ng Daddy ko. "Hindi pa Daddy, hinintay kita." "Great, gutom na din ako. Dinala ko pa talaga ang gutom ko dito para makasama ang nag-iisa kong prinsessa. Humalik ako sa pisngi ng Daddy ko at hindi na ako bumitaw sa kanya hanggang sa makarating na kami sa bahay. "Hay naku Senyorita malaki kana." Salubong ni Yaya habang si Arnel ay nakatingin sa amin. "Siya ba ang anak mo Solly?" "Opo Gob, anak mag Mano ka kay Gob." Utos ni Yaya at nakayukong lumapit siya kay Daddy kasunod ng pagmano nito. "God bless you, kain na tayo gutom na ako." Sabi ni Daddy at napatingin ako sa kanyang sekretarya na anak ng Driver namin. Mabuti at nakuha siya sa tingin, akong may ibang kasalo kami si Daddy ngayon. Gusto kong ako lang. "Nasaan na si Jinky?" Tanong ni Daddy. "Baka po umuwi na siya sa kanilang bahay." Agad na sabat ni Yaya. Kaya napangiti ako ng palihim. What I know is dati siyang skolar ni Daddy at nang nakapagtapos ay kinuha siya na maging sekretarya ng aking ama. She is only 23, maganda siya at alam ko na may gusto siya sa Daddy ko dahil iba ang tingin niya sa Daddy ko kung hindi nakatingin ang Daddy ko sa kanya. Mabait man si Uncle Dan na ama niya pero ayokong may kakaagaw ako sa aking ama. Tama na ang mamamayan ng aming lalawigan na kahati ko sa oras ni Daddy. My Dad is Only 38 at sigurado na magkaka-anak pa sila. No way, ako lang ang prinsessa ng Daddy ko. Magana akong kumain dahil paminsan-minsan ay sinusubuan pa ako ni Daddy. Marami siyang ikinuwento sa akin tungkol sa mga nagawa niya sa Manila. "Daddy hindi ka ba napapagod?" Tanong ko dahil balak na naman niyang tumakbo next election. Sabagay 2 years pa naman ulit bago mag-election. "No, princess. Kailangan ako ng mga tao sa ating lalawigan. Hindi ako papayag na ang mamahal sa lalawigan natin ay ang mga pamilyang Salazar. " "Paano na yan Daddy last term mo na sa susunod na election?" Malungkot ang Daddy ko na napatingin sa akin. "I will go down but I make sure na susuporta ako sa mapagkakatiwalaan. I will make sure na mananalo ang susuportahan ko. Ang Lolo mo ang dating gobernador sa atin at ako ang pumalit. I hope princess that at the right age and time ay ikaw din ang papalit sa akin." Napangiwi ako sa sinabi ni Daddy, parang ayoko ata. Ginulo niya ang aking buhok at natawa siya sa aking reaction. "Hindi ba Daddy ang suspect sa pagpatay sa Lolo ay mga Salazar?" "Yes at wala tayong matibay na ebidensiya anak." Sagot ni Daddy at umigting ang kanyang mga panga kaya yumakap ako sa kanyang braso. Namatay noon si Lolo kasunod ang pagkamatay ng Mommy ko na nagsilang sa akin. Ang akala daw ng mga Salazar ay hindi lalaban si Daddy at nagulat nalang sila ng nag file ng Daddy. Dahil maganda ang record ni Lolo ay nanalo ang aking Daddy sa pagka mayor hanggang sa naging Gobernador na ito at natalo niya ang mga Salazar. "Daddy may sasabihin ako saiyo." Sabi ko ng tapos na kaming kumain at nagpabuhat ako ulit sa kanya papunta sa veranda. "Ano yun Princess?" Tanong niya na hinaplos ang aking buhok. "Daddy pwedeng sa school ko mag-Aral si Arnel? " "Yes, sure anak. What else? Alam ko na may kasunod pa yan." Sabi ni Daddy na nakangiti. "Daddy, pwedeng maging Yayo ko siya sa School? Like alalay." Napatingin si Daddy sa akin at inaarok ako. "Alalay? That's not a good term if you need help, Princess. Let's say bodyguard. "Ang bata pa ni Arnel na maging bodyguard ko Dad." Pagmamaktol ko. "Yes. but you can't call him alalay anak. Parang tinapakan mo na ang tao." "Sige na po bodyguard nalang ang tawag ko pero dapat lahat ng gusto ko ay susundin niya." "Ano ba ang mga gusto mo na susundin niya?" "Mga basic lang naman Dad like samahan akong kumain, samahan sa lahat ng pupuntahan ko." "That's a good Idea Anak." Sagot ni Daddy at napayakap na ako. "Thank you Dad! yehey may kasama na akong matulog." Bulaslas ko at napanga-nga si Daddy. "Matulog?" "Yes Dad, hindi ba sinabi ko na kahit saan ako magpunta at pumayag kayo. Thank you Daddy I love you so much! your the best Daddy ever!" "Pero anak, bakit kahit pagtulog?" "Para may bantay ako Dad, hindi ba good idea yun." "Pakitawag si Arnel." Seryosong utos ni Daddy sa kanyang tauhan. Sigurado ako na kakausapin na niya si Arnel , sobrang saya ko dahil may laruan na ako sa aking kwarto. "Sige Dad, I will just ask sina mamang na ayusin ang kama ko dahil dalawa na kami ni Arnel na matutulog." "Anak, but..." Sabi ni Daddy pero hindi ko na siya pinakinggan pa at patakbo na akong pumasok sa loob ng bahay. "Manang, mag dala ka ng apat na kasambahay may aayusin lang tayo sa kwarto ko." Masayang utos ko at ilang saglit ay dumating na sila. Nauna na akong umakyat at sumunod sila sa akin. "Anong aayusin natin sa kwarto mo Senyorita?" Sinabi ko sa kanila ang kanilang gagawin, nag padagdag ako ng unan at pina-alis ang aking ilang na gamit para may space ang gamit ni Arnel. I am so excited dahil may human alarm clock na ako at may gagawa sa aking mga homework. May kasam na rin akong manuod ng movies pag sabado sa kwarto ko. Sa sobrang saya ko ay napalundag ako sa aking kama at alam kong nagtataka sina Manang. "Manang, yung mga gamit ni Arnel paki lagay na dito sa kwarto ko." "Ano?" "Manang ayaw kong ulitin ang sinabi ko." Inis na sambit ko. Agad silang umalis at ilang saglit ay dala na nila ang mga gamit ni Arnel. Pinanuod ko sila na inaayos ang mga gamit ni Arnel at napansin ko ang isang notebook kaya kinuha ko ito. "Diary." Bulaslas ko at agad kong binuksan at binasa. Mga Daily activities niya ng buhay pa ang kanyang Lola. I think he love his Lola so much at napangiti ako dahil may nabasa akong pahina na nagseselos pala siya sa akin dahil ako daw ang inaalagaan ng ni Yaya. Natawa tuloy ako "poor Arnel" Bulaslas ko at ibinalik ang note book niya kasama ang kanyang mga damit. Nang naayos na nila lahat ay dumating si Daddy at nagbigay ng mga rules. Napanguso ako dahil bawal kaming magsabay na maligo ni Arnel at mag lagay ng cctv si Daddy sa kwarto para daw sa aking kapakanan. Pumayag na lang ako pero pwede naman patayin yung Cctv hindi ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD