Arnel's point of view
Kinabahan ako sa nangyari sa kanya kahit inis na inis ako sa ginawa niya sa aking kwarto. Dapat pala lagi akong mag locked para hindi siya basta-basta makapasok sa kwarto ko.
Tumulong na rin akong umalalay sa kanya dahil sa akin siya naka yakap. Dinala namin siya sa kanyang kwarto. Maganda na ang kwarto ko pero double ganda ang kwarto niya. Talagang pambabae na pink na pink.
Kahit sa banyo ay mahigpit siyang nakayakap sa akin kaya hindi ako maka-alis.
"Inay paano ito ayaw niya akong bitawan?" Tanong ko kay Inay na inaayos ang kanyang damit pamalit.
"Bata pa naman kayo anak, ipikit mo nalang ang mga mata mo." Sagot ni Inay kaya ipinikit ko nalang ang aking mga mata.
"Inay, dose na ako hindi pwede na nandito ako." Sabi ko pa na nakapikit.
"Alam ko anak, pero ayaw kang bitawan ni Senyorita. Naku anak, hindi pa umiiyak yang alaga ko na yan. Baka iiyak, mahal na mahal siya ni Gob."
"Bati ba naman kayo kasali sa nang spoiled sa kanya." Inis nang Sabi ko ng maramdaman kong kinagat niya ang aking balikat.
"Hindi naman sa ganun anak, hindi naman masama hindi ba? wala pa naman malisya saiyo." Sagot niya na dalawa na kaming pinapaliguan.
"Ayan, pati ikaw sa wakas napapaliguan na din kita. Alam mo bang gustong-gusto din kitang alagaan anak pero kailangan kong kumita ng pera." Sabi niya habang sinasabon ang aking ulo at nakayakap na rin ako sa spoiled nilang inaalagaan.
"Sabunan mo na rin ang buhok ni Senyorita para mabilis tayong matapos." Napailing nalang akong sinbunan ang buhok niya.
"Senyorita, sabunan mo ang katawan mo." Sabi ko at umiling siya kaya si Inay ang gumawa. Nang banlawan na ay ako na ang gumawa dahil mababasa si Inay.
Ngayon palang ako nakakita ng 12 years old na pinapaliguan.
Pagkatapos naming maligo ay humiram na muna ako ng towel nila. Mabilis akong lumabas ng binihisan siya ni Inay sa banyo. Napatingin lang ako sa kwarto niya at umalis na rin ako para maka pagbihis na rin.
Kinagabihan ay ni locked ko na talaga ang kwarto ko at maagang natulog. Sanay na kasi akong alas otso palang ay patay na lahat ng ilaw sa amin.
Nagising nalang akong may nakadantay na paa sa aking tiyan. Nagulat ako dahil ang Senyorita na mahimbing na natutulog. Napatingin ako sa orasan alas dose palang ng umaga.
Paano kaya siya nakapasok? Tanong ko sa aking sarili na dahan-dahan na inalis ang kayang maputing paa sa aking tiyan.
Kahit na medyo madilim ay litaw na litaw ang maputi niyang balat. Kinuha ko ang aking unan at humiga nalang sa sahig hindi bale dahil may carpet naman.
Nakatulog na ako ng may naramdaman akong tumabi sa akin.
"Arnel, doon tayo sa kama. Ang tigas ng sahig." Dinig ko na boses ni Senyorita.
Nagtulog-tulugan nalang ako para bumalik siya sa kama pero naramdaman ko nalang na humiga siya sa aking likuran dahil naka dapa ako.
"This is better." Bulong niya sa aking tenga. Hindi naman siya mabigat pero naiilang ako.
Hindi na tuloy ako nakatulog habang siya ay mahimbing na natutulog sa aking likuran. Nang makita kong nagliwanag na ay dahan-dahan kong ibinaliktad ang aking katawan at nang nasa sahig na siya ay binuhat ko na lang na ibalik sa aking kama.
Kinumutan ko na siya at nagbanyo ako saglit. Pagkatapos ay nagbihis na ako at lumabas sa aking kwarto. Hindi pala kwarto ni Senyorita.
Pumunta ako sa kusina at nag hahanda na ng agahan sina Inay.
"Ang gwapo talaga ng anak mo Solly parang hindi mo siya anak." Sabi ng isang kasama ni Inay.
"Anak ko yan, eto oh na cesarean pa nga ako." Sagot ni Inay na ipinakita pa talaga ang sugat sa tiyan.
Napangiti naman ako dahil proud na proud siyang anak niya ako.
"Malay mo naipagpalit siya sa hospital." Sabat ng isa.
"Ay hindi dahil ako lang ang nanganak sa araw na iyon." Mabilis ulit na sagot ni Inay.
Lumapit ako sa kanya. "Nay nasa kwarto ko si Senyorita natutulog." Bulong ko.
"Naku ang bata na iyon, ganyan din siya sa akin noon anak. Magsasawa din yan."
"Sasabihin ba natin sa Ama niya?"
"Ay naku, kung ano ang gusto ni Senyorita ay binibigay ni Gob kaya hayaan mo na Arnel baka nag hahanap yan ng kapatid. Itong si Gob eh handa naman ako na bigyan siya ng anak." Sabi ng isang kasambahay kasabay ng pagtawa nito.
"Kung ano-ano ang sinasabi mo, mamaya marinig ka ni Gob." Sabat ng isa.
"Sayang ang gwapo ni Gob." Pilit parin niya habang so Inay ay naiiling lang.
"Wala naman si Gob kaya libreng mangarap muna." Sagot niya ulit.
Hindi ko pa alam ang kanilang mga pangalan, kaya tinanong ko kay Inay. Gigi pala ang pangalan ng may gusto kay Gob at Pipita naman ang isa. Ang mga ibang kasambahay nila ay nag lililinis na. Si inay pala mismo ang nagluluto ng pagkain ni Senyorita at ang dalawa ay sa lahat.
Pinag gatas na muna ako ni Inay habang nagluluto sila. Nakinig nalang ako sa kanilang chismisan. Bukas pala ang dating ni Gob kaya nililinis ng mabuti ang kanyang kwarto.
Nakakain na ako at tirik na ang araw pero hindi pa lumabas si Senyorita sa aking kwarto na pag-aari niya.
Wala naman akong gagawin kaya sinilip ko siya at pagbukas ng pinto ay naka-upo siya at masama ang tingin sa akin.
"Bakit mo ako iniwan?" Naiiyak na sambit niya kaya nataranta akong lumapit dahil hindi daw siya pwedeng umiyak.
"Senyorita, sana po kasi akong magising ng maaga."
"Eh di sana ginising mo ako."
"Hindi ko naman po alam." Sagot ko na napayuko.
"Buhatin mo ako, gusto kong mag cr."
" Baka po mabitawan ko kayo dahil magkasingtangkad lang tayo."
"Then huwag mo akong bitawan, bilis na iihi na ako." Sabi niya kaya mabilis akong lumapit at binuhat siya.
Parang gusto ko na atang umuwi, ayoko ng ganito nasanay akong walang ganito ka kulit at demanding na amo. Mabigat pa man din siya kaya hirap na hirap ako na maglakad habang buhat siya.
Pagdating sa banyo ay dahan-dahan ko siyang binitawan at napansin ko na naka ngiti siya kaya nainis ako.
"Lalabas na po ako." Paalam ko at hindi ko na hinintay ang sagot niya.
Lumabas na ako sa kwarto at pinuntahan ko si Inay sa kusina na naka-upo nag hihintay sa kanyang alaga.
"Gising na ba siya anak?"
"Opo Nay, Inay gusto ko na pong umuwi."
"Anak, alam mo naman na hindi pwede. Ayokong mag-isa ka sa bahay."
"May mga kapitbahay naman tayo Nay, marunong naman po ako sa gawaing bahay. Ayoko po dito Nay dahil pakiramdam ko ay ginagawa akong tau-tauhan ng amo mo." Inis nang sambit ko at yumuko si Inay.
"Anak, ito ang trabaho ko ang maging tau-tauhan ng ibang tao para magkaroon ng pera." Sagot niya alam kong umiiyak na siya.
"Sorry po Inay." Sabi ko na niyakap siya. Ramdam ko na may nakatingin sa amin at paglingon ko ay walang iba kundi ang Senyorita nila na kangiti.
Hindi ko napigilan ang aking sarili na tinignan siya ng masama pero mas lumawak ang kanyang pag ngiti.
"Yaya, gutom na ako." Sambit niya na sobrang malambing pero maldita naman.
Agad siyang inasikaso ni Inay at sa inis ko ay iniwan ko nalang sila. Kung kailangan na tutulong ako sa hacienda ay gagawin ko para makaiwas lang sa Senyorita nila.