CHAPTER 5

996 Words
PARANG hindi pa talaga makapaniwala si Vix, naglakad ito papunta roon. Sumunod na rin siya rito. Nadatnan nila roon si Hank na nagsasalin ng kape sa tatlong mugs. “How do you like your coffee?” tanong nito nang hindi humaharap sa kanila. “Black,” sagot ni Raissa. “With cream and sugar,” sabi naman ni Vix na titig na titig sa lalaki. “Nasa cupboard,” ani Raissa. Nasa harap lang ng lalaki ang cupboard. Binuksan nito iyon, inabot ang creamer at sugar at matapos timplahan ang kape ay bumaling na ito sa kanila. “Black.” Sa kanya nito ibinigay iyon. “With cream and sugar.” Kay Vix naman iyon. Nalaman nito kung sino sa kanila ang nagsalita dahil sa boses nila. Hank is the culmination of hours and hours of research and development. Hindi na mabilang ni Raissa kung gaano katagal na panahon na ang iginugol niya sa pag-aaral kung paano ii-incorporate sa gagawin niyang system ang Artificial Intelligence sa paraang magagawang mag-function ng pagkakabitan niya niyon sa tutoong mundo at hindi sa controlled environment lang na nasa isang laboratoryo. She wants a full-functioning individual who could be mistaken for a real person. Isang indibidwal na hindi lang gagana ng ayon sa naka-program sa sistema nito kung hindi iyong may kakayahan na matuto base sa karanasan nito. That is the essence of deep Artificial Intelligence. Kasama sa programming ni Hank kung paano maging perfect f**k buddy. That was what she thought of that brought a naughty smile to her face the night she was able to put the final and important touches to her project. Iyon ang pangunahin sa mga unti-unting matututunan ng lalaki sa pamamagitan ng magiging mga karanasan at sariling pag-aaral nito. Iyong nadatnan ni Vix na kissing scene nila ay ang test run ng kanyang creation at para na rin masimulan na nito ang pagkatuto. Kaya nga na-amaze nang husto si Raissa nang madiskubre niya na nag-iinit siya. Nangyari iyon kahit alam niya na hindi tutoong tao ang kahalikan niya. Ibig sabihin lang ay pang-tutoong tao ang pakiramdam ng halik nito, ng ginagawa nito, ng lahat-lahat dito. It exceeded her expectations. And she could only imagine what he could do after he has had time to learn. If all goes well... Pinigilan ni Raissa ang pag-angat ng pag-asa niya. Ni ayaw niyang isipin na puwedeng maki-level siya sa daddy at kapatid niya sa pagkilalang nakuha ng mga ito sa larangan ng siyensia. She would never be good enough so she shouldn’t get her hopes up. Sa ngayon ay ie-enjoy lang muna niya ang na-achieve niya. “What do you think?” baling niya sa kaibigan. “His name doesn’t suit him. Dapat may dating. Hank is a name for a nice guy and I don’t think you’d want him to be too nice,” komento ni Vix. “Alston.” Sabay silang napatingin ng kaibigan sa lalaki nang magsalita ito. “I like the sound of that name,” katwiran nito. Hindi sila agad naka-react ni Vix. Pero maya maya ay tumili ang kaibigan niya. “I can’t believe it, girl. Robot na may opinyon? That’s way off the scale. Oh boy, oh boy, you’re gonna be famous.” “Ssssh...’wag kang maingay baka mausog,” biro niya. “Huwag na muna tayong mag-expect ng kung ano-ano. Lets just see how things would go.” “If you say so. Pero kung ako ang tatanungin...” Itinaas ni Vix ang dalawang kamay na parehong naka-okay sign. “Can you turn him off?” tanong nito. “May switch ba siya or something?” “Oo naman pero hindi siya parang laruan na pinapatay-sindi ng ganoon-ganoon lang. I have incorporated in his system a code that I can use to shut him down.” “Kelan mo siya ia-unveil sa scientific community?” Nagkibit-balikat si Raissa. Ni hindi nga niya iniisip ang tungkol doon dahil ayaw nga niyang umasa. Ayaw rin muna niyang mag-plano. That’s her. She lives from moment to moment. At iyon ang isa sa pinipintasan sa kanya ng kapatid at daddy niya. Ang mga ito kasi ay naka-plano na yata lahat ng gagawin mula ngayon hanggang 2055. “Your coffee is getting cold.” Nagkatinginan sila ni Vix nang magsalita na naman ang lalaki. “Really amazing,” komento ng kaibigan niya. “And I kinda agree. Bagay sa kanya ang pangalang napili niya. Alston. Nice. Saan mo nakuha ang ideyang iyon?” tanong nito sa lalaki. “Just a random thing,” sagot nito. “Uh, p-puwede ko ba siyang hawakan?” tanong ni Vix. “Why don’t you ask him?” sagot ni Raissa. Gusto rin kasi niyang makita ang response ng lalaki. “May I?” baling dito ni Vix. Sandaling hindi nag-react si...okay si Alston. “Why not?” sagot nito pagkatapos. Lumapit dito ang kaibigan niya, umikot-ikot muna sa lalaki habang tinititigan ang kabuuan nito. Pagkatapos ay saka lang nito hinawakan ang braso ni Alston. Hinagod iyon. Her hand went up his biceps. Pinisil-pisil iyon. “Ibang klase. Pati iyong material na ginamit mo sa kanya, kakaiba. What did you use?” “Oh, this and that. Bibigyan kita ng kopya ng specs niya but for now eh kilatisin mo na lang muna siya nang hindi iniisip ang tungkol sa kung saan siya gawa o kung paano siya ginawa. In fact, don’t even think he’s something other than human.” Vix stood up close to Alston. Inilapit nito ang mukha sa lalaki, na tumingin lang dito. Sinimulang hagurin ng dalaga ang pisngi nito. She twirled a few strands of his hair on her finger and then gently circled his earlobe with it. “That...tickles.” Napakislot ang lalaki. Namilog ulit ang mga mata ng kaibigan niya. “What have you done?” baling nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD