“I...I myself am not so sure anymore,” nasabi ni Raissa. She just did her best to create a system and even if she has an idea on how it should work, she couldn’t really say exactly how fast her creation would evolve. Sa nakikita niya, mas mabilis iyon kesa sa inasahan niya. “But whatever it is, I am happy about it.”
“Dapat lang.” Titig na titig pa rin si Vix sa lalaki. “Kung hindi mo nga sinabi sa ‘kin na hindi siya tutoong tao eh hindi ko mahahalata. Ni konting stiffness sa kilos at pananalita eh wala akong makita. Excellent programming and engineering work, my friend.”
“Thanks. Even I am amazed,” pag-amin ni Raissa.
“Now for the logistics. Saan siya titira? Paano mo siya ipapakilala? Paano mo masisiguro na hindi niya maibubunyag ng hindi sinasadya sa iba ang tungkol sa sarili niya?” As always ay si Vix ang mas detalyadong mag-isip kesa sa kanya.
“Kung puwede ay dito muna siya. He needs to stay in a controlled environment for the meantime. But eventually, and I hope sa mas maigsing panahon kesa sa ine-expect ko, eh susubukan ko na siyang pakawalan sa tutoong mundo. That would be the true test if I am successful with my project or not. I promise, we won’t do any hanky panky here. Kung ano man ang matututunan niya rito, siguro ay makukuha niya sa pagbabasa at panonood ng kung ano-anong materials sa internet. Iyong nadatnan mo kanina ay test run lang.”
“No problem. At ngayon pa lang ay excited na akong makita ang magiging resulta nitong project mo. I can feel it in my bones, friend. This will be it. Sa wakas ay mare-recognize ka na rin bilang isang henyo at...”
“No,” pigil niya sa sinasabi ng kaibigan. “I said lets not hope too much.” Pero kahit ayaw aminin ni Raissa ay ramdam niya ang excitement sa kahihinatnan ng project niya. Dahil sa test run na ginawa niya kay Alston kanina ay may nakita siyang dapat ayusin sa sistema nito. Gagawin niya iyon agad mamaya.
One glaring thing she discovered is the fact that while pressed against him in the heat of the moment, she couldn’t feel his erection. Major drawback iyon na kailangan niyang i-correct para magampanan ng lalaki ang objective nito – ang maging isang perfect f**k buddy. Aayusin niya iyon mamaya.
TAO si Raissa, hindi robot. Kaya kahit na gustong-gusto na sana niyang maayos iyong problema sa sistema ni Alston ay hindi kinaya ng katawan niya. Nagpuyat na rin kasi siya kagabi kaya nang magpasya siyang humiga sandali sa couch para ipahinga ang mga mata niyang nananakit na rin sa kakatitig sa computer screen ay hindi na niya namalayan na napahimbing ang tulog niya.
Activated ang security system ng opisina nila. Nitong nagdaang ilang buwan ay ilang beses na napasok iyon. Ni hindi nga nila matukoy eksakto ni Vix kung ano ang kinuha sa kanila. OC nga lang si Vix at kabisado nito ang pagkakaayos ng lahat ng nasa opisina at nasisiguro raw nito na may gumalaw sa mga iyon. There are just small details. But her friend swears someone had moved their things around. Si Raissa naman ay may sariling work area kaya walang dahilan para mangelam siya sa space ng kaibigan niya.
Walang valuables na nawala. Pero mas nakaka-pag-alala para sa kanila ang ideyang mga sensitive information ang ninanakaw sa kanila, mga research and development materials na puwede nitong pakinabangan, para sa sarili nito o para ibenta sa ibang kumpanya. May passwords ang lahat ng computers nila pero hindi pa rin sapat iyon para makasiguro na hindi magagawang i-access iyon.
Kung iyon man ang ginawa ng nanloob ay mahusay ito. Nalusutan nito ang tracker program na in-install ni Raissa sa computer system nila. Nagawa rin nitong i-override ang security system nila. May idinagdag na features doon si Raissa. There had been no further break-ins since then. Either that or the intruder had improved his technique. Hindi na kasi nahahalata ni Vix na may naaalis sa puwesto sa mga gamit sa opisina.
Nakampante na sila ng kaibigan niya. Pero maya maya ay binulabog ang pagkakahimbing ni Raissa ng matinis na tunog. Nag-iingay ang alarm nila.