Queen Denise Morgan’s POV
Mabilis natapos ang meeting. Dala ng pakiramdam na hindi mapakali at kaba, nagtungo agad ako sa M.U.
Nang makarating ako, mabilis akong dinala ng mga paa ko sa rooftop. Pagtapak na pagtapak ko pa lang doon ay ramdam ko na ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
Ramdam kong hindi lang ako ang tao rito, kaya inalerto ko agad ang sarili ko. Inilibot ko ang tingin ko at tila nanlamig nang mapadako ang tingin ko sa sulok ng rooftop.
Kuyom ang mga palad at nagmamadaling lumapit ako kay Blade.
Nakaupo ito at yakap ang mga tuhod, umiiyak nang mahina, at kitang-kita ko ang pagdaloy ng dugo nito.
Nanlamig ang mga kamay ko nang hawakan ko siya.
“W-Wifeyyy…” iyak nito habang pilit na tumatayo bago yumakap sa akin.
Natigilan ako, ngunit agad din akong bumalik sa reyalidad nang mas lumakas ang iyak nito.
“Shh… stop crying. No one can hurt you now. I’m here already,” pagpapatahan ko rito.
Unti-unti namang humina ang pag-iyak nito. Akala ko ay tumigil na ito sa pag-iyak nang bigla kong maramdaman ang pagbigat ng katawan nito.
“s**t,” mahinang bulong ko nang matumba na ito.
Mabuti na lang at naabutan ko agad at nasalo. Sa posisyon namin ngayon, mas nakita ko ang sugat nito sa noo. Patuloy pa rin itong dumudugo. Kitang-kita ko rin ang mga pasa nito.
I dialed Butler Mae’s number. Mabuti na lang at agad nitong sinagot.
“Come here at the rooftop. ASAP,” sabi ko bago ibinaba ang tawag.
Agad kong kinuha ang puti kong panyo at pinunasan ang sugat nito na patuloy lang sa pagdugo.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang maraming yabag na umaakyat sa rooftop. Saktong pagtingin ko sa pinto ay nakita ko sina Butler Mae. Kasama nito sina Ace, James, Jake, at Tristan.
Biglang nataranta ang mukha nina James nang makita nilang si Blade ang hawak ko at puro dugo ang uniporme nito, pati ang damit ko. Halatang bagong gising pa ang mga ito.
“Bring him to my car. Faster,” malamig kong sabi sa kanila.
Pagkatapos ay tumingin ako kay Ace.
“I’ll talk to the four of you later,” malamig kong sabi.
Kitang-kita ko kung paano sila napalunok at tumango na lang.
Binuhat nila si Blade. Nang makababa kami ng rooftop ay maraming estudyante ang nagsitinginan.
But damn. I don’t give a f**k.
“Nerd ’yon, ’di ba?”
“Anong nangyari?”
“Duh, binully na naman siya nila Sarah kanina.”
“Bakit ba hindi na lang umalis si nerd sa M.U.?”
“Ang ganda nung babaeng kasama, pre.”
Sila na naman pala ang may pakana.
Napupuno na ako sa kanila.
Mabilis kaming nakarating sa parking lot. Ipinuwesto nila si Blade sa loob ng sasakyan kaya agad akong pumasok sa driver’s seat.
Agad akong nagmaneho, habang sina James ay nakasunod lang sa akin. Dinala ko agad si Blade sa Morgan Hospital. Dito nakadestino si Dr. Ramirez.
Nang malapit na ako ay nakita ko ang mga higaan na de-gulong na nakaabang sa labas, habang nasa tabi si Dr. Ramirez. Mukhang natawagan na agad siya ni Butler Mae kaya handa na siya sa pagdating namin.
Pagbaba ko ng sasakyan ay binuksan nila ang pinto kung saan inilagay si Blade. Maingat siyang inihiga ng mga nurse.
Agad siyang inasikaso ni Dr. Ramirez, habang ako naman ay nagtungo sa opisina nito upang doon na lang maghintay.
Maya-maya pa ay pumasok na si Dr. Ramirez. Yumuko ito sa akin.
“Kamusta na si Blade?” tanong ko rito.
Tumingin ito sa akin at ngumiti.
“Maayos na ang lagay niya. Mabuti na lang at naagapan, dahil kung hindi ay maaaring magkaroon ng komplikasyon ang sugat niya sa noo,” seryoso nitong sabi.
Napahinga ako nang malalim at tumayo na.
“Bakit hindi mo siya turuang lumaban, Queen?” bigla nitong tanong nang akmang lalabas na ako.
“Hindi ko alam kung willing ba siyang matuto. Puwede na ba siyang puntahan?” sagot ko rito.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito.
“Puwede na, Queen.”
Pagkarinig ko noon ay lumabas na ako ng opisina niya.
Pumasok ako sa private room ni Blade. Nakita kong payapa itong natutulog.
Nakakaawa ang itsura nito. Ang dami nitong pasa at may bandage pa sa ulo. Gayon pa man, payapa itong natutulog na tila walang pinoproblema.
I dialed Ace’s number at agad naman nitong sinagot.
“Queen,” bungad nito.
Tumingin ako kay Blade.
“Call Mrs. Ford. Sabihin mo ang kondisyon ni Blade,” sabi ko.
“Then ready yourselves to face me later,” malamig kong dagdag bago ko pinatay ang tawag.
Naupo ako sa upuang nasa tabi ng kama ni Blade. Ilang sandali pa ay may kumatok.
Tumayo ako at binuksan ang pinto.
Bumungad doon ang ina ni Blade, kasama ang isang binatang kahawig nito.
“Iha, anong nangyari?” nag-aalalang tanong nito bago ako bineso at lumapit kay Blade.
“Anong nangyari sa anak ko, iha? Bakit ang dami niyang pasa at mayroon pang sugat sa ulo?” nag-aalalang tanong nito sa akin.
Tiningnan ko naman si Blade.
“Nabully sa school, Tita. Mabuti na lang at naagapan ang sugat nito. Kung hindi ay baka magkaroon ng problema,” mahabang paliwanag ko rito.
Napabuntong-hininga naman ito.
“Sino siya, Mom?”
Napatingin naman ako sa binatang nasa tabi ng mommy ni Blade.
“Oo nga pala, this is Kevin, kapatid ni Blade,” nakangiting pakilala ni Tita sa akin.
“Kevin, this is Queen Denise Morgan, your brother’s wife,” dagdag pa nito.
Inilahad ko ang kamay ko at agad naman niya itong tinanggap, habang ang mukha niya ay may bakas ng hindi makapaniwalang ekspresyon.
“Hindi ako makapaniwala. Ang akala ko ay isang matandang dalaga si Queen Morgan. Iyon pala ay isang napakagandang dalaga. Napakaswerte naman ni Kuya,” hindi makapaniwalang sabi nito habang titig na titig sa mukha ko.
Nag-iwas ako ng tingin.
Magkapatid nga sila.
Inakala rin ni Blade na isa akong matandang dalaga. Mabuti na lang at hindi niya inakalang isa akong bampira.
“Tita—”
“Mommy na ang itawag mo sa akin, iha. Tutal ay kasal na kayo ng anak ko,” putol nito sa sasabihin ko.
Nakahalata akong may init na umakyat sa mukha ko.
“M-Mommy, maiwan ko muna kayo. Mayroon lang akong aasikasuhin,” paalam ko rito.
Ngumiti ito sa akin.
“Sige, kami na muna ang bahalang magbantay kay Blade. Alam ko namang abala kang tao,” nakangiting sabi nito.
Tumalikod na ako at lumabas ng kwartong iyon. Naglakad ako sa mahabang pasilyo ng ospital.
Aasikasuhin ko muna ang mga gumawa sa kanya nito, sabi ko sa sarili ko.
Limuel’s POV
Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako.
Nakita ko kung gaano kadilim ang mukha ng babae habang nakasunod kina James na buhat-buhat ang walang malay na si Blade.
“Babe, sasabay ka ba sa akin?” tanong ni Sarah.
Umiling ako rito.
“Mauna ka na,” mahinang sabi ko.
“Sige, bahala ka,” sabi nito bago umalis.
Ilang sandali pa akong nakaupo sa isang bench bago ako tumayo at naghanda nang umalis.
Naglakad ako patungo sa parking lot. Nang makarating ako sa sasakyan ko ay nakita ko ang sasakyan kung saan isinakay nila James si Blade kanina.
Para akong nabuhayan ng loob.
Pagkakataon ko na para makilala ang misteryosang babaeng ilang araw nang bumabagabag sa isip ko.
Napangisi ako nang may lumabas sa sasakyan. Sumandal ito sa tapat ng hood ng kotse nito.
“This is my warning. Tigilan n’yo si Blade, or else you’ll face death,” sabi nito bago ako tinalikuran.
Tumindig ang balahibo ko nang sabihin niya iyon.
Kasabay niyon ay may galit na umusbong sa akin para kay Blade.
Bakit niya kailangang protektahan ang nerd na iyon?
Kaano-ano niya ba ang pangit na iyon?
Humanda ka, Blade.
Ngayon ay lalo kitang hindi titigilan.
Nakangisi akong sumakay sa sasakyan ko at sinundan ng tingin ang sasakyan ng babaeng nakapukaw ng atensyon ko.
Queen Denise Morgan’s POV
Ipinagpatuloy ko ang panonood sa monitor ng school na naka-connect ngayon sa laptop ko. Kitang-kita ko mula roon ang lahat ng nangyari.
Sumosobra na talaga sila.
Tsk.
“Nagwawala si Blade. Gusto ka niyang makita.”
Biglang pumasok si Dr. Ramirez. Kasalukuyan akong naririto ngayon sa opisina niya.
Mabilis kong isinara ang laptop at iniwan iyon sa mesa ni Dr. Ramirez. Lumabas ako agad ng opisina at naglakad patungo sa silid ni Blade.
Saktong pagbukas ko ng pinto ay tuturukan na sana si Blade ng pampakalma.
“Wifey!” malakas nitong tawag at akmang tatayo nang pigilan ito ni Kevin.
Lumapit na lang ako rito at sinenyasan ang nurse na umalis na. Mabuti naman at sinunod ako nito.
“Anong problema?” tanong ko kay Blade.
Imbes na sumagot ay niyakap ako nito.
“Siya kasi, Ate. Okay naman ’yan no’ng magising. Nakapag-request pa nga kay Mommy ng Jollibee. Pero maya-maya, nang mapansin nitong wala ka, bigla na lang iyang nagwala,” iritang sabi ni Kevin.
Tumango-tango naman ako rito.
Unti-unti kong inihiwalay si Blade sa akin. Napapout ito at anumang oras ay babagsak ang nangingilid nitong luha.
“Nanaginip ako. Iniwan mo daw ako,” nakangusong sabi nito.
Napailing na lang ako at inilabas mula sa hawak kong supot ng 7/11 ang paborito nitong Mogu Mogu.
Nagliwanag naman ang mukha nito at agad na kinuha ang Mogu Mogu sa kamay ko. Binuksan niya ito at nang akmang iinumin na ay pinigilan siya ni Kevin.
“Bawal ka n’yan, sabi ng doctor,” masungit na sabi nito sa kuya niya.
Kita ko naman na nakangusong tumingin sa akin si Blade. Nag-puppy eyes pa ito kaya napaiwas na lang ako ng tingin.
“Go on. Hindi masamang gawin ang bawal kung talagang gusto mo,” nasabi ko na lang.
“Bleh,” sabi niya kay Kevin at dinilaan pa ito bago uminom ng Mogu Mogu.
Wala namang nagawa si Kevin at napakamot na lang sa batok.
“Oh, iha, nandiyan ka na pala. Tamang-tama, apat na order ang kinuha ko. Tara, kumain muna tayo dahil gabi na,” nakangiting sabi ng mommy ni Blade na kadarating lang.
“Anak, sinong gumawa sa ’yo n’yan?” tanong nito sa kalagitnaan ng pagkain.
Natigilan naman si Blade at bahagyang natahimik.
“W-Wala ’to, Mommy. Nagkatuwaan lang,” sabi nito saka nag-iwas ng tingin.
Tsk. Sinungaling.
“I will expel them tomorrow,” cold at diretsong sabi ko at ipinagpatuloy ang pagkain.
“H-Ha? A-Ano ka ba, Wifey? Hindi naman kailangang gawin ’yon. Hintayin na lang natin na magsawa sila,” sabi nito.
Umiling ako at tiningnan siya nang malamig.
Imbes na tumigil ay nagpacute pa ito sa akin kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.
How can I resist this childish nerd?
“Fine. Just make sure it won’t happen again,” pagsuko ko rito.
Tumango-tango ito sa akin na parang bata.
“Matulog ka na,” sabi ko rito nang makaalis na ang mommy at kapatid nito.
Pinatay ko ang malaking TV kung saan nanonood siya ng kung anong bear na may eyebags. Pinatay ko na rin ang ilaw at nagsindi ng dim light para hindi gaanong mairita ang mga mata niya—at pati na rin ang mga mata ko sa paggising.
“Hmmm… Wifey,” nag-aalangan nitong tawag.
“Hmm?” tanong ko habang nakahiga sa sarili kong kama na ipinahanda ko pa kanina para may tulugan ako rito sa ospital.
“Huwag mo ’kong iiwan ha?” mahinang sabi nito.
Tiningnan ko naman siya. Kahit dim ang ilaw ay kitang-kita ko ang mga matang nangungusap.
At heto na naman ang puso ko.
Naririnig ko na naman ang malakas na pagtibok nito.
“Wifey, huwag mo akong iiwan ha?” ulit nito.
Kitang-kita ko ang pagdaloy ng takot sa mga mata nito.
Inilapit ko ang kamay ko sa kamay niya at hinawakan iyon.
“Oo, hindi kita iiwan. Sige na, matulog ka na,” mahinang sabi ko rito.
Tumango naman ito at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
Binantayan ko lang siya hanggang sa makatulog. Nang akmang aalisin ko na ang pagkakahawak sa kamay nito ay bigla niya iyong hinigpitan, kaya wala na akong nagawa kundi ang matulog nang hawak-hawak ang kamay niya.
Someone
“Mukhang kampante ang Reyna ngayon,” sabi ng aking kanang kamay.
Tama siya.
Mukhang masyado nang kampante ang Reyna ngayon.
Napangisi naman ako nang maisip ko ang isang plano.
“Sugodin ang hideout nila sa Cavite. Magandang pagkakataon ito ngayong kampante ang Reyna,” nakangising utos ko sa aking kanang kamay.
Agad naman itong umalis sa harap ko upang ipagbigay-alam sa iba ang aking utos.
Napangisi ako habang iniisip kung paano unti-unting babagsak ang Reyna sa mga kamay ko.