Queen Denise Morgan’s POV
Kasalukuyan kaming nasa mansyon kasama sina James.
“Sigurado ka? Ayaw mong maparusahan sila? Hindi ka sana magkakaganyan kung maagap silang nakapasok,” ulit kong tanong kay Blade.
Nasa sala kami at tinatanong ko si Blade kung anong gusto niyang parusa sa apat, ngunit paulit-ulit lang niyang sinasabi na hindi na kailangan.
“Hindi na kailangan ’yon, Wifey. Napuyat sila kagabi dahil ipinatawag mo sila nang dis-oras ng gabi,” mahinahon niyang sabi habang kumakain ng lollipop na ibinigay ni Tristan kanina.
Bilis masulsulan ng nerd na ’to.
Akmang magsasalita pa sana ako nang biglang humahangos na dumating si Butler Mae.
“Queen, ang hideout sa Cavite, sinusugod ng kalaban.”
Napatayo naman ako dahil sa sinabi nito. Hindi puwedeng mapasok ng kalaban ’yon dahil naroon ang mga anak ng mga tauhan ko. Kasalukuyang doon sinasanay ang mga anak nila.
“Pumunta ka na ro’n. Isama mo sina Ace. Susunod ako,” malamig kong sabi.
Tumango naman si Butler Mae, habang sina Ace ay nagmamadaling tumayo at lumabas kasabay niya.
Nagmamadali akong umakyat sa silid ko at hindi ko napansing nakasunod pala sa akin si Blade.
Akmang papasok na ako sa silid ko nang bigla niya akong hilahin.
“Sasama ako,” sabi niya.
Umiling ako.
“Hindi puwede. Masyadong delikado,” malamig kong sabi.
“No. Lalong sasama ako ngayong nalaman kong delikado. I’m not your King for nothing,” seryoso niyang sabi bago pumasok sa sarili niyang silid.
Bahagya akong natulala, pero mabilis ding nakabawi. Pumasok ako sa silid ko at nagbihis, hindi alintana ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
Saktong paglabas ko ay siya namang pagbukas ng pinto ng silid ni Blade.
Napatingin ako rito at bahagyang namangha.
Ang buhok nitong dating bagsak ay bahagyang nakataas, naka-leather jacket ito at naka-contact lens.
“Tulala ka na diyan, Wifey. Tara na. Malamang naghihintay na sa’tin sina Ace,” sabi nito bago ako hinila at nagmamadaling bumaba.
Nang makasakay kami sa sasakyan ay may pinindot akong button upang mag-auto-drive ang kotse ko. Pagkatapos ay pinindot ko ang isa pa.
Dahan-dahang may sumulpot na box sa pagitan namin. Binuksan ko iyon at lumabas mula roon ang mga maskara at apat na Uzi. Ibinigay ko kay Blade ang maskara niya kasama ang dalawang Uzi.
Agad kaming nakarating sa hideout.
Sa labas pa lang ay kitang-kita ko na ang mga duguan, at sigurado akong hindi ko tauhan ang mga ito.
Mabilis akong nag-drift at binuksan ang bintana. Pinagbabaril ko agad ang mga armadong lalaking nakita ko. Siguradong hindi ko tauhan ang mga ito.
Nang tumigil ang sasakyan ay mabilis akong bumaba. Ganoon din naman si Blade.
Hinila ko siya at sinigurado kong walang kalaban sa likod dahil naroon siya sa likuran ko.
Lakad, takbo, baril.
Iyon ang ginawa ko hanggang sa makapasok kami sa loob kung saan naroroon sina James.
Maraming kalaban ang mga ito. Kitang-kita kong nahihirapan sina Ace na protektahan ang mga bata, kaya naman tiningnan ko si Blade.
Hinila ko siya papasok sa isang pinto.
“Dito ka muna. Oras na may kalaban, barilin mo. Okay? Huwag na huwag kang aalis dito,” sabi ko rito.
Tumango-tango siya kaya agad akong lumabas at isinara ang pinto.
Tinulungan ko sina Ace.
Puro putukan ng baril ang naririnig ko.
BANG
Huling bala.
At huling tao na rin ’to.
Naglakad ako nang mabilis patungo sa lugar kung saan ko iniwan si Blade, ngunit pagdating ko ay maskara na lang niya ang tanging nakita ko.
Nakaramdam ako ng matinding kaba.
Kinuha ko ang maskara at mabilis na tumayo.
Nagmamadali akong lumabas, at paglabas ko ay nakita ko ang isang babae na hawak-hawak si Blade.
“Nandiyan na pala ang Reyna,” nakangising sabi ng babae.
Napatingin naman ako kay Blade. Namumutla ito.
“Let him go,” malamig kong utos.
“HAHAHA, ano ako, tanga? Paalisin n’yo ako at bubuhayin ko ang lalaking ’to,” malademonyo nitong sabi.
“Go on. Let him go, then escape,” malamig kong sabi.
Napalibutan na rin ito nina James habang nakatutok ang mga baril nila.
“Ibaba n’yo ang mga baril n’yo at hahayaan ko ang lalaking ’to,” nakangising sabi nito.
“N-No, okay lang ako. Barilin n’yo na siya,” ramdam ko ang takot sa boses ni Blade, kahit pilit niya iyong pinatitigas.
“Manahimik ka!” sigaw ng babae kay Blade.
Pinanduldol pa nito ang dulo ng baril sa ulo niya. Kita kong napapikit siya. Malamang ay tinamaan ang sugat niyang hindi pa man lang naghihilom.
Mabilis kong binitawan ang baril ko.
Tinanguan ko sina Ace kaya binitawan din nila ang mga baril nila.
Nakita ko namang itinutok niya sa akin ang baril.
Saktong pagtutok niya sa akin ng baril ay siya namang paghugot ko sa baril na nasa likod ko. Mabilis kong binaril ang kamay niyang may hawak na baril, saka ko binaril ang tuhod niya.
Nakaalis si Blade sa pagkakahawak nito at agad na tumakbo palapit sa akin.
Nilapitan ko naman ang babae na pilit inaabot ang nahulog niyang baril.
“Ayaw ko sa lahat ay ang ginagalaw o hinahawakan ang pag-aari ko,” sobrang lamig kong sabi habang nakatutok ang baril sa ulo nito.
Kinalabit ko ang gatilyo.
Pagkatapos ay binitawan ko na ang baril.
Hinila ko agad si Blade palayo sa lugar na iyon. Ayaw kong matitigan pa niya ang pagbaon ng bala sa bungo ng babaeng muntik nang pumatay sa kanya.
Nang papasakay na kami sa sasakyan ay napansin ko ang panginginig niya.
Tiningnan ko siya.
Bigla akong nanlamig nang ma-realize ang ginawa ko sa harap niya kanina.
Malikot ang mga mata niya at tila natatakot sa akin. Namumutla rin siya habang nanginginig.
“P-pinatay m-mo s-s-siya…” mahina at nagkakautal niyang sabi.
Napahinga ako nang malalim bago ko siya tiningnan sa mga mata.
“Blade, ganito ang patakaran sa mafia world. Kung hindi ko siya pinatay, puwedeng ako o ikaw ang patayin niya,” mahinahon kong paliwanag.
Tinitigan ko siya nang diretso.
“Kung hindi ko siya pinatay, malamang ikaw ang papatayin niya. At hindi naman ako makakapayag na mangyari ’yon.”
Blade Ford-Morgan’s POV
Nakita ko kung gaano nakakatakot si Wifey kanina nang barilin niya sa ulo ang babaeng muntik nang pumatay sa akin.
Ngunit ang Wifey ko na kaharap ko ngayon ay mahinahon na nagpapaliwanag.
Wala naman akong problema sa ginawa niya sa babae. Nagulat lang ako nang kaunti, pero alam ko namang kaakibat ng salitang mafia ang kamatayan.
Pero tulala pa rin ako sa kanya hanggang sa matapos siyang magsalita.
“Ayaw mo na ba sa akin dahil pumapatay ako ng tao?” simpleng tanong niya, pero kitang-kita ko ang bahagyang pagsilip ng lungkot sa mga mata niya.
“Ha? Hindi, Wifey. Ano ka ba?” sabi ko agad. “Iniisip ko lang na akala ko galit ka sa akin. Huwag mo naman akong titigan nang ganyan. Nakakatakot, pero mas nakakatampo.”
Kitang-kita ko ang bahagyang pag-awang ng mga labi niya, at maya-maya pa ay bigla niyang pinatampal ang noo niya.
Napakamot naman ako sa batok ko at nahihiyang napatawa.
“Dapat kasi Hubby ang itinawag mo sa’kin, Wifey,” nakanguso kong sabi.
“No,” simpleng sabi niya bago pumasok sa sasakyan.
“Hmp! Okay!” padabog kong sabi at pumasok na rin ako sa sasakyan.
“Nagugutom ka na ba?” tanong niya sa akin.
Imbes na sagutin ay tumingin lang ako sa bintana.
Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
“Hubby, nagugutom ka na ba?” muling tanong niya, dahilan para mapangisi ako.
“Oo, Wifey. Gusto kong kumain doon sa lugar na may magagandang ilaw. ’Yong sa burol, ba ’yon?” sabi ko.
Tumango lang siya sa akin.
Nag-drive-thru kami, tapos nagmaneho na siya patungo sa burol.
Agad kaming nakarating doon. Mabilis akong lumabas at inilatag sa damuhan ang leather jacket ko para may maupuan kami.
Inilagay ko roon ang mga pagkaing binili namin kanina.
Tahimik lang kaming kumain kaya naman mabilis din kaming natapos.
“Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, Wifey,” mahinang sabi ko saka tumingin sa kanya.
“Ano bang nararamdaman mo? Masakit pa ba ang sugat mo?” ramdam kong nag-aalala niyang tanong.
“Hindi ’yan, Wifey. ’Yong puso ko.” Hinawakan ko ang dibdib ko. “Madalas bumibilis ang t***k kapag kasama kita. May sakit ata ako sa puso.”
Tinitigan ko ang mukha niya.
Ayan na naman ang malakas na t***k ng puso ko.
“Tulad ngayon,” sabi ko. “Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Pakiramdam ko, mahal na kita, Wifey.”
Seryoso kong sinabi iyon.
Umiwas siya ng tingin at tumayo.
“Gabi na,” sabi niya bago pumasok sa sasakyan.
Napangiti naman ako. Napansin kong namumula ang mukha niya nang tumayo siya.
Ang Wifey ko—
kinikilig.
Malawak ang ngiting pumasok ako sa sasakyan.
“Saya mo diyan?” malamig niyang sabi.
“Hihihi, wala lang. I love you, Wifey,” masaya kong sabi.
“Tumigil ka!” malamig niyang sabi at nagmaneho na.
“I love you, Wifey!” ulit kong sabi at tumingin na lang sa bintana habang nakangiti.