KABANATA 14

1990 Words
Blade Ford-Morgan Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata nang maramdaman kong may pumasok sa silid ko. Lumapit siya sa akin at marahang hinawakan ang buhok ko. “Wifey,” nakangiting sabi ko rito. Mabilis niyang inalis ang kamay niya sa buhok ko. “Pasensya na, nagising kita. Aalis na ako,” ramdam kong ilang niyang sabi. “Teka lang, Wifey,” sabi ko rito at hinawakan ang kamay niya. “Why?” mahinang tanong niya sa akin. “Sino ’yong mga lalaki kanina at…” sabi ko bago tumingin sa suot niya. “At saan ka pupunta?” tanong ko rito. “They are… my friends, I guess. At papunta kami ngayon sa bar,” simpleng sabi niya. Nanlaki naman ang mga mata ko. “May bukas na bar ng umaga?” gulat na tanong ko rito. Kita ko kung paano kumunot ang noo niya at tumingin sa side table ko, kaya tumingin din ako roon. Nakita ko ang digital clock at nakalagay doon na 8:30 PM na. Agad akong tumayo mula sa higaan ko habang si Wifey naman ay nakatingin lang sa akin. “Sama ako,” sabi ko rito. Aangal pa lang sana siya nang umalis ako sa harap niya at naglakad papasok sa closet ko. “Hintayin mo ’ko, Wifey!” masayang sabi ko rito. Sa paraan na ’yon, hindi na siya makakatanggi sa akin. Napakatalino ko talaga. Ace Tahimik lang kaming naghihintay kay Queen. Malapit nang mag-9 PM at wala pa rin siya. Maya-maya pa ay narinig na namin ang yabag na pababa, kaya tumingin kami sa hagdan. Pababa roon si Queen, at sa gilid nito ay ang asawa niyang nerd. “Let’s go,” malamig na sabi ni Queen. Tumango ako at tumayo. Maging sina Tristan ay nagsitayuan na rin. Hindi na kailangang bigyan ng signal ang mga ito. Nang makasakay na kami sa mga sasakyan, nagkanya-kanya na ng alis ang mga ito. “Dito na sa akin si Blade,” sabi ni Queen sa akin dahil napansin niyang tinatanong ko siya ng tingin. Tumango ako rito at sumakay na sa sarili kong sasakyan. Bago ko paandarin, sinilip ko pa siya sa salamin. Knock. Knock. Napatingin naman ako sa gilid ko. Naroon si Butler Mae, kinakatok ang bintana ng aking sasakyan. Sumenyas ito na mauna na ako, kaya mabilis ko itong pinaandar palabas ng mansyon. Habang nagmamaneho ay panay ang tingin ko sa salamin, at nang makitang nasa likod ko na ang sasakyan ni Queen, habang nasa likod naman niyon ang big bike ni Butler Mae, napahinga na lang ako nang malalim bago binilisan ang pagpapatakbo. Mabilis kaming nakarating sa bar. Naabutan ko naman sina Tristan na tahimik na naghihintay sa parking lot nito. Agad akong bumaba ng sasakyan at lumapit sa kanila. “Paano ’yon? Kasama natin si Blade. May transaksyon tayo ngayon, ’di ba?” alalang tanong ni James. Tumango ako rito at seryoso lang na tumingin sa sasakyang papalapit sa amin—ang sasakyan ni Queen. “Hayaan nating si Queen ang magdesisyon,” sabi ko. Hindi na nagsalita pa ang mga ito nang makitang bumaba na si Queen sa sasakyan kasama si Blade. “Marami bang pagkain sa loob, Wifey?” rinig kong tanong ni Blade rito. Umiling naman si Queen bago lumingon sa amin. Napatayo kami nang diretso. “Tristan, maiwan kayong dalawa ni Blade sa labas,” malamig nitong utos. Tumango-tango lang si Tristan dahil hindi siya makapagsalita dahil sa laki ng lollipop na nasa bibig niya. “Tara na,” sabi ni Queen at pumasok na sa bar kasama si Blade at si Butler Mae, kaya sumunod na lang kami rito. Nang makapasok na kami ay dumiretso kami sa isang VIP room. Kita pa rin naman ang kwartong ito mula sa labas, at kita rin ng mga taong nasa loob ang mga tao sa labas. Ang kaibahan lang, hindi nakakapasok ang ingay na nanggagaling sa labas. “Dito muna kayo,” sabi ni Queen kay Tristan. Nakangiting nag-thumbs up si Tristan rito habang hindi pa rin inaalis ang lollipop sa bibig. “Teka, kailangan n’yo pa ba ako sa loob? Puwede bang dito na lang din ako para mabantayan ko sila? Medyo alanganin ako sa isip-bata na ’to,” tukoy ni Jake kay Tristan. Tiningnan ko naman siya. Mukhang seryoso nga ito sa sinabi niya at hindi lang dahil tinatamad ito. “Okay, let’s go,” malamig na sabi ni Queen. Paalis na sana kami nang biglang nagsalita si Blade. “Saan kayo, Wifey? Puwede bang sumama ako?” tanong nito. Akmang sasagutin ko na sana ito nang pigilan ako ni Butler Mae. “Bawal ka doon. Next time, ikaw ang ihaharap ko sa gano’n. Sa ngayon ay maupo ka na lang diyan at hintayin kami,” malamig na sagot nito. Ngumiti naman nang malaki si Blade at umayos na ng upo. “Tara na,” sabi ni James habang inaakbayan ako at hinila palabas ng VIP room. Nagtungo kami agad sa VVIP room kung saan gaganapin ang transaksyon. Sarah It’s Sunday night and I’m bored. Nakaisip naman ako ng magandang gawin, kaya tinawagan ko agad si Limuel. “Hello,” sagot nito sa kabilang linya. Mukhang kagigising lang nito. Wtf. Gabi na tapos kakagising lang niya? Malamang ay nag-bar ito at nagpakawasted kagabi. Tsk. “Bar tayo. Sobrang bored na ’ko dito sa bahay, babe,” sabi ko rito. Ilang segundo pa bago ito sumagot. “Sunduin kita diyan ngayon. Magbihis ka na,” sabi nito bago ibinaba ang tawag. Napangiti naman ako nang malaki at pumasok na sa bathroom upang maligo. Matapos maligo ay mabilis akong nagbihis at nag-ayos dahil malamang na anumang oras ay darating si Limuel. Ilang minuto pa ang lumipas ay may bumusina na nga. Nakangiting lumabas ako agad at sinalubong siya ng yakap. “Let’s go, babe,” masayang sabi ko rito. Nginitian lang ako nito at pinagbuksan ng pinto. Sumakay muna ako bago ito sumakay at nagmaneho. “Makati’s Bar tayo, babe. Mas classy doon kaysa sa ibang bar,” masayang sabi ko rito. Tumango naman ito at seryosong nagmaneho. Agad kaming nakarating sa bar, pumasok kami rito at dumiretso sa bar counter. “One s*x on the Beach and one tequila for this beautiful lady beside me,” sabi ni Limuel sa bartender. Mabilis na naghalo-halo ito. Libang na libang ako sa panonood ng ginagawa niya nang mapabaling ako kay Limuel na mukhang may tinitingnan. “Ano ’yon, babe?” tanong ko rito. Tumingin ito sa akin bago muling tumingin sa gawi kung saan siya nakatingin kanina. Tumingin din naman ako roon upang malaman kung ano ang tinitingnan niya. “What the hell? Anong ginagawa ng nerd na ’yon dito?” tanong ko kay Limuel. Nagkibit-balikat ito at kinuha ang alak na nakalagay na sa tapat niya. Kinuha ko rin naman ang akin at inikot ang bar stool kaya nakaharap na kaming dalawa sa gawi ni Blade. “Marami palang kaibigan ang nerd na ’yan?” nakangising sabi ni Limuel. Tiningnan ko naman ang tinutukoy nito. Totoo nga. May kasama itong dalawang lalaki, at ang kalalabas lang na dalawa pang babae at dalawang lalaki. Ang itsura ng mga ito ay talagang may ibubuga, habang si nerd… Ayun. Mukhang ibinuga. “Want a show?” nakangising sabi ko kay Lim. Ngumisi rin ito sa akin. “Bring it on,” nakangising sagot nito. Tumayo naman ako at maarteng naglakad patungo sa puwesto ng mga ito. Hindi ko pinansin kahit nasa loob sila ng VIP room. Nasa tapat lang namin kanina ang pinto ng mga ito kaya madali ko iyong narating. Naupo ako sa mismong mesa nila habang hawak-hawak ang alak sa kanang kamay ko. Dumekwatro ako bago nagsalita. “Look who’s here, the four-eyed fool,” nakangising sabi ko habang nakatingin kay Blade. Si Blade naman ay nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin, habang ang isa na may subong lollipop ay tiningnan lang ako saglit bago muling ibinalik ang atensyon sa lollipop. Ang isa naman ay abala sa cellphone nito na sa tingin ko ay naglalaro. “Hindi nababagay dito ang katulad mo, nerd,” nakangising sabi ko rito bago uminom ng alak. Tumingin ako kay Limuel na nasa labas at nakangising nakatingin sa akin. “Dapat sa ’yo—” Naputol ang sasabihin ko nang may nagsalita sa likod ko. Queen Denise Morgan Mabilis natapos ang aming transaksyon. Mabuti na lang at walang nangyaring kakaiba. Medyo nakaramdam lang ng galit ang mga iyon dahil hindi si Queen ang humarap sa kanila—na ako rin naman. Ibang maskara ang gamit ko ngayon, ang maskarang kilala bilang kanang kamay ni Queen. Kaya ganoon na lang ang pagkadismaya nila nang makitang wala ang Queen, kahit ako rin naman iyon. Tsk. Naglakad na kami palabas at dumaan muna sa bathroom. Inalis ko ang lahat at ibinigay kay Butler Mae. Nagawa naman niyang maitago ang lahat ng iyon kaya agad kaming lumabas. Habang unti-unti kaming papalapit sa mesa namin ay kitang-kita ko ang isang babaeng nakadekwatrong nakaupo sa ibabaw ng aming mesa. “Who’s that b***h?” ramdam ko ang irita ni James. Sabagay, mainit ang ulo nito sa malalandi, at base sa puwesto ng babae ay mukhang gano’n nga siya. Habang papalapit kami ay naririnig ko ang mga sinasabi nito. “Hindi nababagay dito ang katulad mo, nerd,” maarteng sabi nito. “Dapat sa ’yo—” Hindi ko na siya pinatapos at nagsalita na ako. “Get out of here,” malamig na sabi ko rito. Kita kong natigilan ito bago unti-unting lumingon sa akin. Nakilala ko kung sino ito. Isa ito sa mga nambubully kay Blade sa school. Malamang ay iyon ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang pangambang nakikita ko sa mukha nito ngayon. “Wifey, bakit ngayon ka lang?” nakangusong sabi ni Blade bago lumapit sa tabi ko at humawak sa braso ko. Tumayo naman ang babae at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. “Wifey? You’re dreaming, nerd. Anyway, see you tomorrow, nerd. Ciao!” sabi nito bago umalis sa harap namin. Nakita ko itong nagpunta sa tabi ng isang lalaki. Ang lalaking sumuntok kay Blade. Nakatitig ito sa akin at bahagyang nakaawang ang mga labi. Come on, drool more, jerk, nasabi ko na lang sa isip ko bago tiningnan si Blade at saka ibinaling ang tingin kina Ace. “Mauuna na kami. May pasok pa siya bukas. Umuwi na rin kayo maya-maya dahil may pasok na rin kayo simula bukas,” sabi ko sa mga ito. Tumayo sila at yumukod sa akin. “Yes, Queen. Take care,” sabi ni Ace. Tumango ako rito at tumalikod na. Mabilis kaming nakalabas ni Blade ng bar at sumakay sa sasakyan. “Okay ka lang ba? Hindi ka ba sinaktan ng babaeng ’yon?” tanong ko rito dahil napansin kong tahimik siya. Tumingin ito sa akin. “Hindi naman. Iniisip ko lang na huwag na kaya akong mag-school? Halos araw-araw akong nagkakasugat sa paaralan. Nahihirapan ako,” nakayukong sabi nito. Napahigpit naman ang kapit ko sa manibela. “Want me to kick them out?” sabi ko rito habang nagmamaneho pa rin. Bumuntong-hininga ito. “No. Hayaan na lang siguro. Masasanay din ako,” nakangiti ngunit malungkot na sabi nito. Napabuntong-hininga ako. Napakagulo nitong kausap. Hindi na lang ako nagsalita pa dahil baka kung ano lang ang masabi ko. Nakarating kami ng mansyon na parehong tahimik. Sabay kaming umakyat sa hagdan, at nang akmang didiretso na ako sa silid ko ay hinila nito ang kamay ko at naramdaman kong dumampi ang mainit nitong labi sa noo ko. “Goodnight, Wifey,” sabi nito bago pumasok sa silid niya at sinarhan iyon. Parang biglang may nagpa-party sa dibdib ko dahil sa lakas ng t***k niyon. Malamang ay nasobrahan lang ako sa lakas ng sound system sa bar na pinuntahan namin. Tama. Malamang ay nasobrahan ang tenga ko sa lakas ng tunog sa bar. Pagkakumbinsi ko sa sarili ko bago tuluyan nang naglakad patungo sa silid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD