KABANATA 15

2034 Words
Limuel Nakatulala lang ako hanggang sa makalapit si Sarah sa akin. “Saved by the b***h,” nakangising sabi ni Sarah nang makalapit siya sa akin. “Uwi na tayo. Masyado nang gabi at may pasok pa bukas,” simpleng sabi ko rito. Akmang aangal pa sana ito nang mabilis akong naglakad paalis. Naramdaman ko naman na sumunod na ito sa akin. “Sayang ang outfit ko,” rinig kong bulong nito na hindi ko na lang binigyang-pansin dahil nagmamadali akong lumabas. Saktong paglabas ko ay nakita ko ang isang sasakyan na kaaalis lang. Malamang ay sakay noon ang babaeng kanina ay kasama ni Blade. Pumasok na ako sa aking sasakyan at hinintay si Sarah na sumakay rin. Nakasimangot naman itong pumasok at ikinabit ang seatbelt. Walang imik ko itong inihatid sa bahay nila. Mukhang masama ang mood nito dahil basta na lang itong bumaba at pumasok sa gate ng bahay nila. Nagmaneho na lang ako. Hindi ko na pinansin ang pag-iinarte nito. Sanay na ako sa ugali niya. Mabilis akong nakauwi ng bahay at dumiretso sa aking silid. Pabagsak kong inihiga ang sarili ko sa malambot kong kama. Hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ang mukha ng babaeng kasama ni Blade. Ang mahaba nitong buhok, ang kutis nitong nangingibabaw sa puti, at ang malamig na pares ng mga mata nito ang pumukaw sa atensyon ko. Kung kasama niya si Blade kanina, iisa lang ang ibig sabihin noon. Kilala niya ito. Napangiti ako nang maisip na hindi malabong magkita pa kami. Maliit ang mundo, kaya malamang ay magkikita pa kami ng babaeng may malamig na mga mata. Blade Ford-Morgan Maaga akong nagising dahil Lunes ngayon at may pasok. Kahit na gustong-gusto pang pumikit ng mga mata ko, bumangon na ako. Mabilis kong ginawa ang morning rituals ko. Pagkatapos ay nagtungo ako sa harap ng salamin. Nag-pogi sign ako rito bago ko isinuot ang aking eyeglasses. Akmang lalabas na ako ng aking silid nang mag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko agad ito sa bulsa ko at sinagot ang tawag. “Hello, panda is talking,” sabi ko sa tumawag. “KUYA—” Nailayo ko agad ang cellphone sa tenga ko dahil sa lakas ng sigaw nito. “Huwag kang sumigaw, nakakabingi,” nakangusong sabi ko bago muling unti-unting inilapit ang cellphone sa tenga ko. “Hello?” sabi ko dahil wala nang nagsasalita. “So as I was saying, bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na diyan ka na tutuloy? Sobrang nag-alala ako nang ilang araw kang hindi umuwi! Mabuti na lang at sinabi sa akin ni Mommy!” galit na sabi nito habang pilit pinipigilan ang pagsigaw. Napakamot naman ako sa batok ko dahil nakalimutan kong magparamdam dito at magpaalam man lang. Masyado rin kasing biglaan ang paglipat ko rito noong nakaraang araw na dapat ay ngayon pa lang. “Hehehe, nakalimutan kong sabihin, kapatid. Sige na, mahina ang signal dito. Bye!” sabi ko at agad na ibinaba ang tawag bago lumabas ng aking silid. Malamang ay tampong-tampo na iyon sa akin, pero naisip ko namang dadalhan ko siya ng panda stuff para hindi na siya magtampo. Naglalakad pa lang ako pababa ng hagdan ay nakasalubong ko na si Manang. Yumuko ito sa akin. “Si Wifey, Manang?” tanong ko rito. May iniabot naman itong sulat sa akin bago yumuko at umalis sa harap ko. Nang tuluyan na itong mawala sa paningin ko ay ipinagpatuloy ko na ang pagbaba ng hagdan bago ko binuksan ang sulat. Eat breakfast. Take care. — Queen Napangiti naman ako nang makitang galing iyon kay Wifey, kaya agad akong nagtungo sa dining area. May nakahain nang pagkain doon kaya umupo na lang ako sa isang upuan at kumain. Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at lumabas ng mansyon. Sumalubong naman sa akin ang isang man in black. Kinuha nito ang bag ko at pinagbuksan ako ng pinto ng backseat ng sasakyan. Medyo nawe-weirdohan naman ako, pero pumasok na lang ako at naupo. Inilagay niya sa tabi ko ang bag ko. Pagkatapos ay pumasok na siya sa driver’s seat at nagmaneho. “Saan tayo pupunta, Manong?” mahina ngunit kunot-noong tanong ko rito. “Sa school po, Sir Blade,” sabi nito. Napangango na lang ako. Kung ganoon ay driver pala ito. Wala man lang pasabi kaya akala ko kung saan na kami pupunta. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan hanggang sa makarating sa M.U. Bago bumaba ay nagpasalamat ako kay Manong driver. Tiningnan ko ang malaking gate ng paaralan habang mahigpit na hawak ang strap ng backpack ko. This is it. Saglit lang naman ang maghapon. Pagkumbinsi ko sa sarili ko bago nakangiting naglakad papasok. Hangga’t maaari ay ayaw kong mabaling ang atensyon ng mga estudyante sa akin dahil nabubully ako kapag ganoon, kaya dere-derecho lang akong naglakad habang nakayuko at itinatago ang presensya ko. Ngunit sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay naramdaman ko ang pag-akbay ng isang braso sa akin. Napatigil ako at kinabahan. Agad na nawala ang kaba ko nang makitang si Jake iyon, habang sa tabi nito ay naglalakad ang dalawa pa—si Tristan at si James. Teka? Si Jake? Napatigil naman ako kaya napatigil din ang nakaakbay sa akin. Unti-unti ko itong tiningnan at nanlaki ang mga mata ko nang makitang sila nga iyon. “Anong ginagawa n’yo dito?” gulat na tanong ko sa mga ito. Bago pa sila sumagot ay hinigpitan ni Jake ang akbay nito sa akin bago muling naglakad, kaya nadala na rin niya ako. “Dito na rin kami mag-aaral, dude. Ayaw mo ba no’n? Magkakasama-sama tayo,” nakangiting sabi ni Jake na animo’y ang tagal na naming magkakilala, samantalang kahapon ko lang naman sila nakita. “’Yong reaksyon mo kanina, parang nakakita ka ng multo,” natatawang sabi ni Tristan. Napakamot naman ako sa batok habang naglalakad kami. “Nagulat kasi ako na makita kayo rito. Ano nga palang schedule n’yo?” tanong ko sa mga ito. “Same sched with you,” simpleng sagot ni James na agad namang nagdagdag ng saya sa akin. Kung ganoon, may makakasabay na ako sa lunch at makakaiwas na rin ako kay Limuel. “Mabuti naman kung ganoon!” masayang sabi ko at inakbayan na rin si Jake. ‘Sis, ang guwapo nung mga kasama ni nerd oh.’ ‘Sila yata ’yong mga transfer.’ ‘Oh my God, bakla, paki-check ng panty ko, baka nahulog.’ ‘Bruha kang bakla ka, baka kamo brief, bruha!’ Rinig kong bulong nila. “Iba na talaga pag ako ang kasama n’yo. Ang guwapo ko talaga,” mahanging sabi ni Jake. Nanatiling walang imik sina James at Tristan, ibig sabihin, hindi nila tinanggihan pero hindi rin naman nila sinang-ayunan ang sinabi nito. Agad kaming nakarating sa first subject ko. Pasalamat ako dahil hindi ko kaklase sa oras na ’to si Sarah. Pero nakita ko naman si Limuel. Nakatulala ito kaya naman nagtaka ako at biglang napaisip. Siguro’y iniisip nito ang kalahi niyang si Kokey. Bigla akong natawa dahil sa pumasok sa isip ko. “Dude, ano pang ginagawa mo diyan? Tara na. Nauna nang maupo sina James at Tristan,” sabi ni Jake bago ako hinila palapit sa likod ng classroom kung saan naroon sila James at Tristan. Nakita ko naman si Agatha na kapapasok lang at akmang lalapit sa akin, ngunit nang makita ang mga lalaking kasama ko ay mukhang nagdalawang-isip ito. Pero pumunta pa rin siya sa tabi ko at naupo. “Blade, sino sila? Mabuti naman at ayos ka na,” mahinang bulong nito. “Oo, ayos na ako. Sila? Hahaha, mga kaibigan ni Wi—” Naputol ang sasabihin ko nang pumasok na ang guro. “Looks like we have transfers. Would you mind introducing yourselves in front of your classmates?” nakangiting sabi ng guro. Tumayo naman isa-isa sina Jake. “James Villafuerte, 19.” “Hello, Tristan Co, 18 years old. Please be nice with me,” malaking ngiting pakilala nito sa unahan. “Hi, girls.” Wink. “Jake at your service, 19, single and ready to mingle,” ngiting-babaero na sabi naman nito. Napatawa na lang ako nang magtilian ang mga kaklase ko. ‘Kyaaah! Ang guwapo n’yo!’ ‘Akin ka na lang, kuyaaaa!’ ‘Pogi, 150!’ Napatawa naman ako sa huli kong narinig. Maging ang bakla ay naakit sa mga ito. “Please, quiet. You may now take your seats,” sabi ng guro. Naupo na nga ang mga ito. “Ang guwapo ko kasi,” sabi ni Jake at kinindatan ang mga babaeng nakatingin dito. Impit namang napatili ang mga ito sa takot na baka mahuli ng guro. Nagsimula naman na ang discussion. Dahil medyo nakakaramdam ako ng antok ay ibinaling ko na lang ang tingin ko sa rooftop. Bumagsak ang balikat ko nang makitang wala si Wifey doon. Pinili ko na lang na yumuko sa desk ko, at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa klase. Queen Denise Morgan Maaga akong nagising at agad na nagpunta sa school, kasabay ko sina James. Pagdating namin sa school ay dumiretso agad ako sa opisina kasama ang mga ito. “Maupo kayo,” malamig na utos ko. Kanya-kanya naman silang upo at halatang antok na antok pa. Matapos kong sabihin ang gagawin nilang pagbabantay kay Blade ay agad naman silang nagsang-ayon, dahil mabait naman si Blade at madaling pakisamahan. Kaya ngayon ay kampante akong nagmamaneho paalis ng M.U. at patungo sa Twin Building. Hindi naman puwedeng sa M.U. lang ako mag-focus dahil nariyan pa ang Twin Building at Thanatos Palace. Mabuti na lang nga at kayang-kaya nina Butler Mae at Ace ang mga transaksyon sa Thanatos Palace. Medyo nabawasan ang mga gawain ko. “Good morning, Queen!” malambot na bati ni Christine sa akin. Hindi ko siya pinansin at naupo agad sa office chair ko. Binuksan ko ang isa sa mga nakaayos na documents sa mesa ko. “Queen, kamusta na pala si Papa Blade? In fairness ha, kahit may pagkanerd, kita pa rin naman ang pagiging macho niya. Malaki ba, Queen?” maarteng tanong nito habang nakaupo sa upuan sa tapat ng table ko. Napakunot ang noo ko habang nakatingin pa rin sa mga dokumento. “Tigilan mo ako, Christine,” bored na sabi ko rito bago deretsong itinapon sa basurahan ang isang dokumentong naglalaman ng proposal. “Yuck, Queen! Buti naman at tama ang tawag mo sa akin ngayon. It’s Christine, not Christian!” malakas na sabi nito at umakto pang parang diring-diri. Hindi na ako nagsalita pa at nagpatuloy na lang sa pagbabasa ng mga papel sa harapan ko. Masyado itong natambak dahil sa ilang araw na wala ako. Hindi naman puwedeng pirma lagi ni Christine ang kailangan. Madalas, kapag mahalaga ang papel at malaking deal ang pinag-uusapan, ako na ang tumitingin dahil sa lawak ng kumpanyang hawak ko. Ilang araw lang akong nawala ay marami nang natambak na deals na hindi ko pa nababasa. “Stop muna ’yan, madam. We still have a meeting,” maarteng sabi nito bago tumayo at kinuha ang leather bag niya. Well, Christine is gay, pero hindi naman ito tulad ng ibang bakla na pati sa trabahong pormal ay naka-awra. Don’t get me wrong. Namamangha lang ako rito dahil nagagawa niyang ibagay ang sarili niya sa mga sitwasyon at pagkakataon. Mabilis naman natapos ang meeting at hindi ko namalayang lunch na. Hinihintay ko ngayon si Christine dahil siya ang kukuha ng lunch namin. Wala akong balak lisanin ang opisina ko hangga’t hindi nauubos ang mga papeles na nasa ibabaw ng desk ko. Naisip ko naman na tawagan si James habang hinihintay si Christine. Agad naman niya iyong sinagot. “Queen,” bungad nito. “Nasaan kayo?” tanong ko rito. “Cafeteria, Queen. Kumakain kami ngayon,” sagot nito. “Wifey? Ikaw ba ’yan? Teka, si Wifey ata ’yan! Kumain ka na haaaa!” malakas na sigaw ni Blade sa kabilang linya. “Got to go. Kayo na ang bahala sa nerd na ’yan,” sabi ko bago ibinaba ang tawag. Saktong pagkababa ng tawag ay dumating si Christine kasama ang isang empleyado na may dalang maraming pagkain. Inayos nila iyon sa mesa at umalis na rin ang empleyado, maliban kay Christine. Sabay kaming kumain nito, tulad ng nakagawian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD