KABANATA 16

1686 Words
Third Person Habang sa kabilang banda naman ay nasa cafeteria sina James, kasama ang misyon nilang bantayan si Blade Ford-Morgan. Payapa silang kumakain matapos ibaba ni Queen ang tawag. “Dapat sana itinanong mo kung nasaan si Wifey,” nakapout na sabi ni Blade sa mga ito. Magsasalita na sana si James nang biglang dumating sina Limuel at Sarah. “Hoy, nerd. Akala mo ba nakalimutan ko ang ginawa mo kagabi? Humanap ka pa talaga ng kakampi. Akala mo ba matatakasan mo kami?” malakas na sabi ni Sarah kay Blade. Napatigil naman si Blade sa pagkain at tiningnan si Sarah. Nakaramdam siya ng takot sa ideyang baka madamay pa ang mga kasama niya ngayon sa gagawin sa kanya nina Limuel at Sarah. “Hindi ako naghahanap ng kakampi. Mga kaibigan ko sila!” malakas na sabi ni Blade sa dalawa. Nagulat naman si Limuel sa ipinakita nitong tapang. Napangisi ito bago nagsalita. “Ngayon ay may lakas ka na ng loob para sigawan kami. Ipinagmamalaki mo ’yang mga kasama mo?” nakangising sabi ni Limuel. Samantalang si Sarah naman ay naglakad palapit kay Jake. “You know what, babe? Sa amin na lang kayo sumama. Hindi n’yo alam na ang kasama n’yo ngayon ay isang loser na mangagamit,” malanding sabi ni Sarah kay Jake. Nakatitig lang si Limuel habang iniikot ang mga mata sa mesa nila Blade. Tila may hinahanap ito. Hindi nito halos pinapansin ang paglalandi ni Sarah. Tinanggal ni Jake ang kamay ni Sarah na malandi nitong ipinapadulas sa balikat niya. “Don’t babe me. You’re not my chick type,” masungit na sabi ni Jake rito. Mukhang napahiya naman si Sarah dahil marami na ring nanonood. Magsasalita na sana ito nang sumingit si Limuel. “Mukhang hindi n’yo kasama ’yong babae’t lalaking kasama n’yo kagabi,” nakangising sabi nito, ngunit ang totoo ay gusto lamang nitong malaman kung nasa school ba ang babaeng kasama ni Blade kagabi. “Masyado silang abalang tao, kaya huwag ka nang umasang makikita mo siya rito,” malamig at diretsong sabi ni James, na tila nahalata na ang pakay nito sa kanilang Reyna. Si Blade naman ay nanatiling nakayuko at nakikiramdam sa nangyayaring sagutan nina Limuel at ng bago niyang mga kaibigan. Tumahimik na ang dalawa nang sabihin iyon ni James. “Tara na, babe. May araw din sa atin ang nerd na ’yan,” aya ni Sarah kay Limuel, dala ng pamamahiya sa kanya ni Jake. Blade Ford-Morgan Nanatiling nakayuko si Blade hanggang sa makaalis sina Sarah sa harap nila. Ayaw na niyang magsalita dahil baka lalo lamang uminit ang dugo ng mga ito sa kanya at kung ano pa ang gawin. Natapos silang kumain at kasalukuyan nang naglalakad patungo sa susunod nilang klase nang biglang sumulpot si Agatha. “Pasabay na ako. Hindi kita nakita kanina sa garden. Siguro’y sa cafeteria ka nag-lunch,” nakangiting sabi nito habang sumasabay sa kanila sa paglalakad. Tahimik lang naman sina Tristan at James, habang si Jake ay pakaway-kaway lang sa mga babaeng nahuhuling nakatingin sa kanya. Agad silang nakarating sa susunod nilang klase. Kanya-kanya na silang pasok dahil malapit nang dumating ang guro. Tulad ng nakagawian, umupo si Blade sa pinakadulo, katabi ng bintana kung saan kitang-kita ang rooftop ng pinakamataas na building sa M.U. Iyon ang rooftop na madalas tambayan ni Wifey. Habang nagkaklase ay nakatingin lang siya roon hanggang sa narinig niyang may kumatok. Pumasok si Mr. Van, ang namamahala sa paaralang iyon ayon sa ibang estudyante. “May I be excused? Mr. Jake, Mr. James, and Mr. Tristan,” paalam nito. Tumango naman ang kanilang guro. “Sige, okay lang ako. Baka importante,” mahinang sabi ni Blade dahil tiningnan siya ng tatlo na parang nag-aalala. Nginitian siya ni Tristan at iniabot sa kanya ang isang lollipop bago umalis ng silid. Muling nagpatuloy ang discussion nang makaalis ang mga ito, habang si Blade naman ay ipinagpatuloy ang pagtingin sa rooftop at nagbabakasakaling makita roon si Wifey. “Napansin ko lang, masyado kang madalas tumingin sa rooftop na ’yon,” bulong ni Agatha habang nginunguso ang tinitingnan niya. Nginitian niya ito nang malaki bago nagsandal ng baba sa kamay at muling tumingin sa rooftop. “Nagbabakasakali lang ako na baka makita ko ulit ’yong magandang ibon,” nakangiting sabi niya, kahit hindi man siya nakikita nito. “Hahahaha, gano’n ba? Sige, kapag nakita mo ulit, sabihin mo agad sa akin ha? Gusto ko rin makita ’yong ibon,” masayang bulong nito. Tumango-tango na lang si Blade. Maya-maya pa ay natapos na ang klase. Hindi na nakabalik sina James, habang si Wifey naman ay hindi pa rin nagpapakita buong maghapon. Malungkot siyang naglakad palabas ng school. Ang alam niya ay susunduin siya ngayon ng driver ni Wifey. Nakarating na siya sa parking lot at wala pa rin ang sundo niya nang may biglang tumigil na sasakyan sa harap niya at unti-unting bumukas ang bintana sa backseat. “Blade, gusto mo sumabay sa akin? Baka mamaya dumating na riyan sina Limuel at pagtripan ka na naman!” malakas na sabi ni Agatha mula sa loob ng sasakyan. Nginitian niya ito nang malaki at umiling. “Ayos lang ako. Darating na rin ang sundo ko maya-maya lang,” nakangiting sabi niya rito upang hindi na ito mag-alala. “Ah sige… hehe, ingat, Blade,” tila may panghihinayang na sabi nito. Kahit medyo nagtaka si Blade sa tono nito, nginitian na lang niya ito. Tuluyan nang nakaalis si Agatha. Agad niyang kinuha ang cellphone upang i-text si Manong driver at sabihing magta-taxi na lang siya. Matapos mag-text ay lalabas na sana siya ng parking lot ng M.U. upang humanap ng taxi, ngunit nakita niya sina Sarah at Limuel kasama ang mga alipores nito. Nakaramdam siya ng kaba. Unti-unti siyang napaatras. Nang makitang tumakbo palapit sa kanya ang mga ito, napatakbo na rin siya. Sa kalagitnaan ng pagtakbo niya ay napansin niya ang isang sasakyan na biglang nag-drift. Naharangan ng sasakyan ang mga humahabol sa kanya. Queen Denise Morgan Pagkatapos ng trabaho niya sa Twin Building ay dumiretso agad si Queen Denise Morgan sa M.U. dahil sinabi sa kanya ng driver na hindi nagpasundo si Blade. Wala itong kasabay dahil ipinatawag niya sina James kanina upang magpunta sa Underworld. Pagpasok niya sa parking lot ay nakita niya ang mga estudyanteng tila may hinahabol. Agad niyang nakilala si Blade na hinahabol ng mga ito habang may dalang baseball bat ang ilan. Dahil malawak ang parking lot ay mabilis siyang nag-drift. Saktong tumigil ang sasakyan niya sa tabi ni Blade at humarang sa mga humahabol dito. “Hop in,” malamig niyang sabi. Dali-dali naman itong sumakay. Agad niyang pinindot ang roof activate ng sasakyan. Wrong timing na naka-roofless ito kanina. Ngayon, habang papaalis sila sa parking lot ay unti-unting nagsasara ang bubong ng kotse. Kitang-kita niya sa side mirror ang iritadong ekspresyon ng babae, habang sa tabi nito ay ang lalaking tila nakatitig sa kanya. “Hoooo, mabuti na lang at dumating ka, Wifey!” masayang sabi ni Blade at huminga nang malalim na tila pagod na pagod. “Saan ka ba galing, Wifey? Nag-lunch ka ba?” sunod-sunod nitong tanong. Kinabig muna ni Queen ang manibela bago sumagot. “Twin Building. Work,” maikling sabi niya. “Gano’n ba? Ay, alam mo ba na sa M.U. na nag-aaral sina James? May bago na akong kaibigan bukod kay Agatha,” masayang kuwento nito. “I know. Kanina ko lang din nalaman. Who’s Agatha?” sabi niya habang patuloy sa pagmamaneho. “Ah! Siya ’yong una kong friend sa M.U., Wifey. Alam mo ba, feeling ko lagi ’yon may sakit kasi kapag kausap ko, napapansin kong lagi itong namumula!” hyper na kuwento ni Blade. Napakunot naman ang noo ni Queen. Namumula? Mabilis niyang kinuha ang cellphone habang nagmamaneho gamit ang isang kamay. Mabilis siyang nag-compose ng mensahe para kay Butler Mae. Send me the information of Blade’s friend, Agatha. Pagkatapos ay isinend niya iyon at muling nag-focus sa pagmamaneho. Bigla naman siyang napaisip. Ano bang pakialam niya kung may kaibigan itong babae? Ang balak naman niya ay oras na makuha niya ang mana ay maghihiwalay rin sila. Ngunit bakit parang apektado siya sa nalamang may kaibigan itong babae? Dahil sa naisip na iyon ay mabilis niyang muling kinuha ang cellphone at akmang magme-message sana kay Butler Mae na huwag na lang, nang biglang may natanggap siyang email. Queen, ito na lahat ng impormasyon. Wala na siyang nagawa. Nakalimutan niyang mabilis nga pala kumilos si Butler Mae sa lahat ng bagay. Napansin niya namang hindi na nagsasalita si Blade. Nawala ang kadaldalan nito kaya saglit niya itong tiningnan. Nakasandal ang ulo nito sa bintana habang nakapikit ang mga mata. Malamang ay napagod ito sa maghapon. Habang patuloy sa pagmamaneho ay may nadaanan silang convenience store. Pumasok siya roon at kumuha ng Mogu Mogu at iba’t ibang klase ng tsokolate bago muling bumalik sa sasakyan at nagmaneho. Ilang minuto pa ng pagmamaneho ay nakarating sila sa isang burol—ang burol na binili niya noon nang hindi niya sinasadyang mapadpad doon at makita kung gaano kaganda ang tanawin mula rito. Tuwing stress siya ay nagpupunta siya roon. Kaya ngayon, doon niya dinala si Blade. Kitang-kita mula roon ang naglalakihang mga bahay. Mataas ang lugar kaya napakaganda ng view. Ilang oras siyang nakaupo sa hood ng kotse niya nang bigla niyang maramdamang gumalaw ito. Tiningnan niya si Blade na gising na pala. Lumabas ito ng sasakyan at tumabi sa kanya. “Ang ganda…” pigil-hiningang sabi nito habang nakatingin sa araw na unti-unti nang lumulubog. Tumingin din si Queen sa araw. Totoo naman ang sinasabi nito. Napakagandang tanawin ng mga ganitong sandali. “Napakaganda talaga…” Kunot-noo siyang napatingin kay Blade dahil sa pagtataka. Lumulubog na ang araw, ngunit ibinubulong-bulong pa rin nito ang mga salitang iyon. Pagtingin niya rito ay nakita niyang sa kanya pala ito nakatingin habang nakangiti. “Ang ganda mo talaga, Wifey,” nakangiti ngunit dama niya ang paghanga sa tono nito. Parang binuhusan naman siya ng malamig na tubig nang maramdaman niya ang malakas na t***k ng puso niya. Fuck. Hindi puwede ’to, nasabi na lang niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD