CRYSTAL'S POV "Hush, sweetheart. Stop crying now. Hindi ka na makahinga." 'Sweetheart?' Tinawag niya akong 'sweetheart?' Mali yata ang pagkarinig ko. Humiwalay ako sa kanya. "Pasensya na, nabasa ko ang suit mo." Garalgal ang boses ko habang nakatingin sa suot niya. "Never mind. Let's go. Ihahatid kita sa inyo." Inakbayan niya ako at iginiya palabas ng pinto. "No need. Dala ko ang sasakyan ko. Isa pa, marami kang trabaho." Maagap na tutol ko. Hindi kasi ako komportable na kasama siya. Kahit nag-transform pa siya from piranha to maamong tupa. "Huwag matigas ang ulo mo. Hindi ka na bata. One word is enough for a sensible woman." Iritadong sabi niya sa akin. Tinalikuran ko siya at nagpatiuna na akong naglakad. Asar siya. Napaka-tupakin! Pagbukas ng elevator, agad akong

