CRYSTAL'S POV Naalimpungatan akong tila may marahang humahaplos sa aking mukha. Pagmulat ko ng mata, napabalikwas ako ng bangon nang mapagsino ang pangahas na gumagawa nun. Tinabig ko ang kamay niya at tinignan siya nang matalim. "Ano'ng ginagawa mo sa kuwarto, ko?! Nambubuso ka, ano? Manìac!" Walang pakundangang pinagbabato ko siya ng unan. Ngunit hindi man lang siya natinag. Kampante pa ring nakaupo sa gilid ng aking kama. At nakangising nakatitig sa akin. "Thank you for giving me a good idea, sweetheart. I enjoy doing what you've just said. Very nice view, sweetheart. I'm loving it." Malagkit ang tinging ipinukol niya sa akin. Sinuri ko ang sarili ko at napagtanto kong nakalilis na pala ang short dress ko at kita na ang aking singit. At ang makasalanang mata ng damuh

