Callao Cave

1835 Words
"I'm done getting mad. I just gotta learn to expect the lowest from people. Even the ones I expected the highest from."  CRYSTAL'S POV  Sa isang linggong pag-stay ko sa resthouse, walang magandang nangyari. Nagmukmok lang ako sa kuwarto ko, umiyak, natulog, kumain ng kunti, nagmukmok ulit, natulog ulit, kumain ulit ng kaunti, nagmukmok ng paulit-ulit, umiyak ng paulit-ulit, paulit-ulit na kumain ng kakaunti at natulog ng paulit-ulit. Iyan at iyan lang ang pinagkaabalahan ko. Kakaibang klase ng pag-unwind. I'm just joking!  So, heto kami ngayon sa may fishpond. 'Kami', kasi ang dami namin. Siguro mga 60 katao. Ang okasyon? Wala namang importante. Naisipan lang nilang magsalu-salo kami. Pang-welcome daw nila sa akin dahil matagal akong hindi nagawi dito.   Sa totoo lang, sobrang na-touch ako. Hindi ko inaasahan na ganun sila ka-thoughtful.   "Manang, tara na doon sa may lilim. Mainit dito". Yaya ni Analyn sa akin. Kasama niya si Lydia. Anak sila ng mga katiwala namin sa sagingan, palayan at maisan.  Napalapit agad ang loob ko sa kanilang dalawa kasi mababait sila at napakamasayahin. Morena ang makinis nilang kutis. 17 years old si Analyn. 19 naman si Lydia. Ako 23 kaya hindi nagkakalayo ang mga edad namin.   "Hindi ba tayo lulusong sa tubig? Gusto kong makahuli ng dalag o kaya tilapia." Sabi ko.   "Huwag na, Manang. Maputik kaya. Tutulong na lang tayo sa pag-aayos ng mesa. Isa pa marami na silang nahuli." Singit naman ni Lydia.   Sabay-sabay kaming naglakad patungo sa malilim na parte. Bale pinagdugtung-dugtong ang mga monoblocks tables so long table na siya. Then nilagyan namin ng plastic table clothes. Inayos naming tatlo ang mga plastic plates, spoons, forks at table napkins. Lahat disposable para di na kailangan pang maghugas ng marami pagkatapos.   "Nana Beth, nakalimutan po nating dalhin dito ang mga malalaking plato at bowl na lalagyan ng kanin at ulam. Kunin ko po muna sa main house." Paalam ko kay Nana Beth.   "Huwag na anak, hindi na kailangan ang mga yun." Maang akong napatitig sa kanya. Mukhang nabasa niya ang iniisip ko kaya nginitian niya ako saka itinuro ang long table.   "Yan ang lalagyan natin ng kanin at inihaw na isda." Sabi niya   "Alin po ba diyan? Wala naman pong ibang plato maliban sa mga disposable plates? Tanging dahon lang ng saging ang nasa ibabaw." Tumawa siya saka ipinatong ang mga kamay sa balikat ko.Yung gesture na parang nagpapaliwanag sa isang paslit. Dalaga na kaya ako. Dalagang-dalaga sa edad at vital statistics.  "Ilalatag lang diyan ang kanin, Iha. Pati na rin ang mga naihaw na tilapia, dalag, karpa, at gurgurami. Yung pinakbet, dinengdeng, pinapaitan, tinola, arroz caldo, lauya , igado adobo at iba pang ulam ay hayaan lang sa kaserola. Ilalapag sa mesa na ganun. Sasandukin na lang ng sino mang gustong kumuha."  Habang sinasabi niya yun ay isa-isang inilatag sa dahon ng saging ang mga pagkain at ulam. Napakarami ring prutas.  "Wow! May inasal na native na manok! Pati pala okra at sili nileletson din?" Manghang-manghang sabi ko. Kasi nakatusok din ang mga iyon sa bamboo stick saka inihaw. Hindi ba letson naman ang tawag dun? Iyong sili na na-lechon hindi iyon yong maliliit na maanghang. Mahahaba mga yun.  "Oo Crystal. Masarap ang okra't sili na inihaw lalo na pag isinawsaw sa bagoong na may kamatis o toyo na may kalamansi." Sabi ni Tata Nicanor na halatang pinipigil ang tawa.  Pagkatapos maisaayos ang napakaraming pagkain sa mahabang mesa, sabay-sabay kaming dumulog sa hapag. Nagdasal muna kami na pinangunahan ni Nana Beth.  Dadamputin ko na sana ang plastic na kutsara't tinidor nang mapansin kong nagkamay silang kumain kaya ganun din ang ginawa ko.  Napatingin sila sa akin. Nahihiya akong ngumiti at ipinagpatuloy ko ang pagkain gamit ang kamay Agkammet ang tawag sa Ilocano.   "Masarap palang magkamay na kumain." Komento ko.   "Wen basang. Naimas ti mangan no agkammet ka." (Oo iha. Masarap talagang kumain gamit ang kamay) Sagot ni Mang Kardo na katabi ni Mang Nicanor.  Grabe lang ang busog ko. Ang sasarap ng pagkaing probinsya. Nakakatuwa din pala kapag madami kayong magkakasabay kumain.  Pagkatapos kong tumulong sa pagliligpit, namataan ko sina Analyn at Lydia na masayang nakikipagkwuentuhan sa isang umpok ng kabataang kaedad nila.   "Hindi ka pa nakakapunta doon? Sobrang ganda kaya ng Callao Cave! Para namang hindi ka taga- Cagayan." Narinig kong sabi ng isang binata.  "Eh wala pa kasing chance. Busy ako sa school at gawaing bahay." Katwiran ni Lydia.  Tumikhim ako nang makalapit ako sa kanila. Ngumiti sila at inalok nila akong umupo at makisali sa kwentuhan nila.   "Gusto kong pumunta sa Callao Cave." Sabi ko na ikinalingon nilang lahat sakin.   "Sige Manang! Punta tayo!" Magkasabay na sagot nina Lydia at Analyn. Halata ang excitement sa tono ng boses nila.   Kasalukuyan kong inilalagay ang mga dadalhin kong gamit sa backpack ko habang pinapanood lang ako nina Nana Beth, Analyn at Lydia sa ginagawa ko.  "Nana, hindi na po kailangan. Kaya na po naming tatlo ang pumunta sa Tuguegarao City." Giiit ko.  "Crystal, mas maigi na may kasama kayong lalaki. Tamang-tama! Dumating ang pamangkin ko kahapon. Naka-stay siya sa isang hotel sa bayan kasama ang kaibigan niya."   "Eh maaabala pa po namin sila ng kasama niya."   "Huwag kang mag-alala, iha. Natawagan ko na siya kagabi pa. Tamang-tama, doon din ang punta nila. Magkita-kita na lang kayo sa bayan."   "Ok lang yun, Manang Crystal. Mas madami tayo, mas masaya." Sang-ayon ni Lydia kay Nana Beth.  TUGUEGARAO CITY Our initial plan is to visit Callao Cave upon arrival. Unfortunately, it's raining hard when we arrived so we had to cancel it and just have it first thing in the morning. Kaya nag-stay muna kami sa isang 4-star hotel dito.  The following day, maaga kaming pumunta sa isang local restaurant. Kasalukuyan naming hinihintay ang mga order namin. Mga specialties ng Tuguegarao.   "So Miss, what's your name again?" Tanong ng lalaking nakaupo sa harap ko. Matangkad ito at mestisong chinito. In fairness ang gwapo niya.  "Crystal." Maikli kong sagot.  "I'm Danilo Reberros. Pamangkin ako ni Tita Beth. Pinsan siya ng Mama ko. Just call me 'Dan' para mas cute pakinggan. Ito namang kasama ko, si Architect Henry Acosta. Pareho kaming nagtatrabaho sa ODB Architectural Firm."   "Nice to meet you both." Sabi ko at ngumiti ng tipid. ODB Architectural Firm? Yun yong isa sa pinakasikat na Architectural firm sa Southeast Asia.   "Itong mga kasama ko, hindi mo itatanong ang mga pangalan?" Nakatikwas ang kilay kong sabi.   "Kilala ko na sina Analyn at Lydia." Sabi ni Danilo saka kinindatan ang dalawa na humahagikgik.  "What?" Naiiritang asik ko kay Dan o Danilo whatever ....nang mahuli kong mataman niya akong tinititigan.  "Nothing. I just thought I've seen you somewere. Hindi ko lang matandaan kung saan."   "Woooooh style mo Manong Dan. Lumang banat na yan." Pang-aasar ni Analyn.   "So galing pa kayo ng Manila?" Tanong ko sa kanila.   "Nope. From Singapore bumiyahe kami straight here matapos ang dinaluhan naming convention. Dito namin imi-meet yung isang bigtime client na kaibigan namin." Yong kasama ni Dan ang sumagot. Henry yata ang pangalan.   It's still raining here in Tuguegarao. It took us an hour to decide wether we will push thru with the plan or wait until the rain stop. After few moments of thinking, debating and wishing that the rain would stop, we decided to go. Bahala na!  We went to the city's central terminal, asked around where we can take a tricycle going to Callao Cave in Peniablanca. They directed us to a tricycle. May isang pasahero na sa loob tapos lima kami. We were 4 inside and 2 at the back of the driver. The travel from Tuguegarao to Peniablanca took almost 2 hours. Oh yes! We were suffed inside the tricycle like sardines for 2 hours. So funny! Buti na lang umuulan kaya hindi mainit sa loob.  The tricycle driver brought us to the place where the boats going to Callao Cave are docked.  Since it's been raining for few days, the Pinagcanauan river water had swollen and the current is really strong. Nakakatakot but the boatman assured us that it's still passable.   "Wow! Ang ganda talaga dito. Kailangang mag-picture ako ng mag-picture para marami akong i-upload sa f*******:, wechat, line at tagged." Nakangising sabi ni Arlyn.   "Hmmm ako, feeling ko napakagandang Diosa ako ng Pinagcanauan river ngayon kasi may kasama akong 2 hunk." Mahinang sabi ni Lydia na Mukhang nagde-daydreaming. Sa amin lang ni Analyn ipinarinig saka ito kilig na kilig na humahagikgik.   "Ikaw Manang, ano ka, engkantada o sirena?" Nakangising tanong ni Lydia sa akin.   "Ako?" Kunwari nag-isip ako ng malalim.  "Ako ang nawawalang Crystal ni Adonis. Susuyorin niya ang buong Cagayan Valley mahanap niya lang ako. Kung hindi, mababaliw siya!"   Humalakhak kaming tatlo. Nagtatakang lumingon sa amin ang dalawang lalaki pero nagkatinginan lang kami nina Lydia at Analyn.   Hindi namin namalayan, we're already on the other side of the river.   At the reception, we paid for the entrance or environmental fee then they directed us to the stairs that leads us to the cave. We need to take about 200 steps to the cave's entrance.  Panay ang kantiyaw ng mga kasamahan namin kasi kuntodo alalay si Danilo sa akin. Para naman akong lampa nito. If I know gusto lang nitong madikit sa akin.  I unexpectedly feel an abrupt change of temperature when we get inside.  Ang lamig sa loob! I also feel certain stillness and tranquility as the chapel on the first chamber greets us. Awesome!  Madilim sa loob pero boyscout ang mga guides na kasama namin dahil may dala silang flashlights. Since it's been raining for a few days already, the trail is slippery and muddy.   "Be careful." Maagap na nahawakan ni Danilo ang baywang ko nang madulas ako. Muntik na akong ma-slide. Buti na lang nakaalalay siya sa akin.   "Thanks Dan." Nahihiyang sabi ko.   "You're welcome. Here, humawak ka sa akin."   Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Mahirap na baka mabalian pa ako ng buto kapag nadulas ulit ako. Kumapit ako sa braso niya.   As we were exploring the cave, magkahawak-kamay kami ni Dan. Inulan kami ng tukso mula sa mga kasamahan namin.  The cave is composed of 7 chambers and many different formations such as the praying angel, skeleton, elephant's head, rocket, flower, icecream scoops, lion's head and many more.  Ang ginawa namin? Picture dito, picture doon ... Solo picture ... Threesome ...foursome ... group picture. Todo pose talaga!  "Ahmm Crystal, can I have your contact number then?" Si Dan yan.   "In one condition." Sagot ko.  "Spill it."  "Gusto kong i-try niyong kumain ni Henry sa restaurant namin. Sa Dolce V."   "I've been there! The foods are really palatable. Na-love at first taste ako sa mga pagkain doon."   "I'm glad to hear that." Nginitian ko siya matapos ibigay ang number ko.   Makalipas ang isa't kalahating oras, natapos namin ang pag-tour sa cave. We washed our feet and rested for a while at the reception area. My trip to Callao Cave was really amazing, awesome and unforgettable! And speaking of moving on, well, I can still feel the pang of pain but I'm getting there. Because getting mad and grieving is really tiring! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD