Dissuor

1292 Words
"It's like once you've been hurt, you're so scared to get attached again. Like you have this fear that every person you start to like is going to break your heart, AGAIN. " CRYSTAL'S POV  I was woken up by the snooze of the alarm clock on my bedside table. I closed my eyes then blink for several times. It's only quarter to six in the morning.  I hurriedly jump out of my bed and run towards my bathroom. After brushing my teeth and washing my face, I picked up a long sleeve shirt and faded blue jeans from my closet. I wear my rubber shoes then grab my camera, flashlight, cellphone, swiss knife, scarf and towel then fix them inside my backpack. I'm already to go!!!  Madilim-dilim pa sa labas pero hindi iyon hadlang para hindi matuloy ang lakad ko ngayon. Tatlong araw na lang babalik na ako sa Manila. At hindi ako makakapayag na hindi ko mapuntahan ang pinakapaborito kong spot sa lugar na ito. Nagsimula akong maglakad patungo sa kasukalan ng gubat.  Nature tripping lang ang peg. Buti nakapantalon ako at long sleeves ngayon dahil kung hindi ay kanina pa pinagpipiyestahang papakin ng lamok ang flawless at mala-porselana kong kutis.  Ang sarap pagmasdan ang mga nagbeberdehang halaman at mga puno.  Nakakawala ng stress. Nature lover din talaga ako.   Kinuha ko ang camera ko sa backpack at kinuhanan ko ng larawan ang mga nakakamanghang nadaraanan ko.  Patingin-tingin ako sa paligid. Naku! Naliligaw na yata ako. Hindi ko na yata matandaan ang daan patungo sa lugar na yon. Ang tagal na rin kasi noong last na magpunta ako doon. Marami din kasing paliko-likong daan at masyado akong nadala sa kagandahan ng paligid kaya medyo napapalayo na yata ako. I'm not sure. Nakarinig ako ng kaluskos sa bandang likuran ko.  Tumigil ako at hindi gumalaw sa kinatatayuan. Nawala saglit ang kaluskos.   Pagkaraan ng ilang minuto meron na naman at parang lumalapit. Nagsimula na akong kabahan. Nakakaramdam na ako ng takot. Paano na kung ahas? O kaya'y kapre? Duende? Tikbalang? White lady? Paring pugot ang ulo? Tianak? Kung hindi baka bandido? Naku po! Pero teka. May dala pala akong swiss knife. Kinapa ko iyon sa bulsa ng backpack ko saka inilabas.  Pinakalma ko ang aking sarili. Kung mabangis na hayop man yan o kung ano man, hindi ako makakapayag na lapain ako ng buhay na hindi ko nabibigyan ng madugong sagupaan.   "Sino yan?" Pilit kong pinatigas ang boses ko.   "Tao ka ba?" Walang sumagot.   "Hayop ka ba?" Dinedma ako.   "Bagay?" Wala pa ring sagot.  Naks, pa-VIP lang! Pero teka para naman akong naglalaro ng pinoy henyo mag-isa. Aba'y pasensya na, mahirap kaya ang malagay sa sitwasyon ko. Ewan ko lang baka maihi o matatae ang sino man sa takot.  Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kutsilyo. Dahan-dahan at buong ingat ang ginawa kong pagpihit parahap para makita kung sino man ang lapastangang tao, bagay o hayop na yan.  Pagkaharap ko sa direksyong pinanggalingan ng kaluskos...... BULFROG LANG PALA!!!!  "Buwisit kang bullfrog ka! Papatayin mo ako sa nerbyus!" Inis kong turan sabay duro duro sa palaka. Pero nakonsensya naman ako nang maisip kong minura ko ang hayop na palaka. Kahit pa pala hayop o insekto man ay may damdamin din. Haist lagot ako nito sa mga ahensyang bumebeybi sa mga halaman, hayop at iba pang nilikha.  Huminga ako ng malalim. Nang makalma ko na ang sarili ko, ipinagpatuloy ko ang paglalakad. Medyo madilim at malamig sa parteng ito. Napayakap ako sa aking sarili.   Hinawi ko ang mga nadaraanan kong halaman. Nakakatuwa ang mga kabuteng de kolor, mga baging na payat at mataba.  Mga puno na sinlalaki ng bahay,  at mga tuyong dahon na nilalakaran ko. Sobrang lamig ng hangin dahil wala akong makikitang langit. Pagtingala ko puro dahon ng sari-saring kahoy ang makikita ko. Napakapayapa ng lugar. Nakakaantig damdamin din ang huni ng mga ibon.  Matapos ang ilang minuto pang paglalakad, palinga-linga ako sa paligid. Sa wakas namataan ko na ang puno ng dalipaweng (dita).  Ito ang ginawa kong palatandaan. Naglakad ako pakaliwa. Laking tuwa ko nang marinig ko ang pamilyar na tunog na yun. Ang dissuor (waterfalls).  Lakad-takbo ang ginawa ko papunta sa direksyon ng lagaslas ng tubig.  At first, there were series of waterfalls along the way and at the end of it. Napanganga ako ng makita ang talon na pakiwari ko ay aabot sa 30-35 feet ang taas.  The sound of the falling water was like a music, passing through my ears. Parang panaginip lang eh but it's real. The water is cold and crystal clear. Hindi ito kasintaas ng Ma. CHRISTINA falls but the elegance of the falls brings satisfaction to those who want to see it up close. Sulit talaga ang pagod ko sa paglalakad papunta sa lugar na ito. May mga malalaki at malalapad na bato sa paligid. Hmmmm puedeng higaan.  Naupo muna ako at walang sawang pinagmasdan ang patuloy na pag-agos ng tubig.   "Just like life. It must go on." Bulong ko sa sarili ko.   Huminga ako ng malalim. Inihalintulad ko ang buhay ko dito. Like the water, there's always an uneven flow to it. Habang tinitigan ko ang talon, naisip ko sa bawat sandali ng aking buhay ay parang waterfalls lamang. To the unaware observer, it may seem reckless, it may seem savage but behind the veil is the secret hidden serenity, the letting go and the trusting of the waterfalls, so much so, that I become part of the waterfalls, that I am no longer in the water but I am the water. No longer at its mercy, but there is no longer to be merciful towards since I am inseparable from the water. Ang tubig na 'yan ay parang buhay ko. It should be loved for its rapids as well as for its peace. The mind can turn serenity into hell simply without a lack of awareness.  I took my camera from my backpack and take pictures of the waterfalls and the beautiful nature surrounding me. And of course the highlight of my adventure... to take the opportunity to feel the coldness of the water. Liguan na!!!   Nagpalinga linga ako sa paligid to make sure na walang ibang tao dito maliban sa akin. Nang masigurado kong wala, isa-isa kong tinanggal ang mga damit ko. Una ang long sleeve shirt, isinunod ko ang pantalon kong maong, lastly ay ang rubber shoes ko. Tinanggal ko din ang suot kong relo. Tanging ang ternong pulang bikini ang natira kong saplot.  Napasigaw ako nang maramdaman ko ang tubig. Ang lamig! Sobrang ginaw sa una pero nang maglaon, na-enjoy ko nang magtampisaw at maligo sa tubig. It feels heaven! Ang sarap sa pakiramdam. Makapitlag-puso! Hindi ko alam kung gaano ako katagal nagbabad sa tubig. Natigil lang ako nang maramdaman kong tila may pares ng matang matiim na nakamatyag sa akin.  Luminga-linga ako sa paligid. Pero wala naman akong nakitang kakatwa. Napa-paranoid na yata ako. Ipinagpatuloy ko ang paliligo.  Pagkaraan ng ilang sandali, nakarinig ako ng kaluskos. Napatayo ako mula sa pagkakalublob ko sa tubig.  "Don't tell me na hanggang dito eh nasundan mo ako, bullfrog ka." Sabi ko na may halong pagkairita. Nawalan na ako ng ganang maligo.   Umahon ako at parang super model na naglakad patungo sa malapad na batong pinag-iwanan ko ng damit at backpack. Akma kong pupulotin ang mga saplot ko nang mapatda ako sa kinatatayuan ko.  Nanuyo ang aking lalamunan. Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Sunud-sunod ang aking paglunok. Feeling ko pinangangapusan ako ng hangin dahil sa matinding takot at kaba.   Dahan-dahan kong inangat ang aking mukha. Pigil ko ang paghinga. Namutla ako nang bumulagta sa aking harapan ang isang "bulto" na isang dipa na lang ang layo mula sa akin.   (Note: naka prívate ang love scene. See Storage Room.  Naka-separate na book. )
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD