044 CALLUM "Anong meron at abot langit yang ngiti mo?" Salubong sa akin ni Pauline pag dating ko sa opisina. Umiling lang ako bilang sagot pero hindi ko pa din maalis ang ngiti sa mga labi ko. Ewan ko ba. Nababaliw na yata ako. "Ganyan ba ang ngiti ng may nag aalagang asawa?" Panunukso pa ni Pauline. "Anong sinasabi mo dyan?" Sabi ko sabay iling. Magkasosyo na kami ni Pauline sa negosyo at matag na din pala kaming hiwalay. Mula nang dumating sa buhay ko si Katherine ay tinapos ko na din ang ano mang namamagitan sa amin ni Pauline at ito na kami ngayon. Isang matalik na mag kaibigan at mag kasosyo sa negosyo. Kahit kailan ay hindi na namin napag usapan ang relasyon namin nuon, ibinaon na namin iyon sa limot. Para sa aming dalawa ay isang pag kakamali lamang na pinakasalan namin ang is

