043 K A T H "Duon na talaga kayo titira ni Nicholas? Eh paano yung asawa?" Tanong ni Meg nang ikwento ko sa kanya ang pag tira ko sa bahay ni Callum. Ayoko din naman talagang duon tumira dahil ayoko namang may iba pang maisip samin ang ibang tao kaya lang si Nicholas kasi eh. Kilala ko yung batang yun hindi yun makakatulog sa gabi ng hindi ako nakikita. Sabi ko nga aalis na lang ako pag nakatulog na siya at babalik ako bago siya magising pero hindi naman pumayag si Callum. Mas mahirap daw yung ganun tyka mapilit talaga si Nicholas. "Hindi ko nga alam Meg eh. Hindi na kasi sila tumitira sa iisang bahay." "Kaya ikaw ang magpapabahay?" "Hindi naman ganun yun Meg. Titira lang ako dun para sa anak namin. Yun lang yun." "Yun lang ba talaga girl? Baka malaman laman ko buntis ka nanaman ulit

