012 Katharina Pauwi na kami sa rest house nang may madaanan kaming mag asawang nag tatalo sa gilid ng daan. Hindi ko na sana iyon papansinin nang makita kong dumapo ang kamao ng lalaki sa mukha ng asawa nito. Agad na naalarma ako ng sunod sunod nitong bigyan ng malalakas na suntok ang babae. Agad na kinalas ko ang nakasuot sa aking seatbelt. "Anong ginagawa mo?" Ani Callum nang mapansing parang gusto kong bumaba ng sasakyan. Hindi siya nag kakamali dahil gustong gusto ko talagang bumba ng sasakyan sa mga oras na iyon. Bigla na lang kasing nag flash sa utak ko yung mga panahong sinasaktan din kaming dalawa ni nanay ng sarili kong ama. "Ihinto mo bababa ako." "Are you crazy?" "Ihinto mo sabi." Parang hindi ko na maramdaman ang takot kay Callum dahil unti unti na akong kinakain ng gali

