013 Gaya ng sinabi ni Callum itinabi ko ang mga pagkaing niluto ko kanina. Bago mag nine init ko na ang mga ito para muling ihanda ngunit mag aalas dyis na ay wala pa din siya. Nahihiya naman akong itext siya kasi baka mainis lang yun sa akin. Nang hihinayang na napatingin ako sa mga pagkain sa lamesa. Mukhang masasayang lang silang lahat. Hays. Nawalan na din ako ng ganang kumain kakaintay sa kanya. Gusto ko kasi talagang mag sabay kami kumain. Di kaya masayang kumain mag isa. Nasan na kaya yun? Baka busy makipag usap sa mga kliyente niya. Panigurado pagod yun pag uwi niya. Iniligpit ko na ulit yung mga pagkaing inihanda ko pag sapit ng alas dyis ng gabi. Baka kumain na yun. Matutulog na nga lang ako. Ano pa nga bang aasahan ko sa taong yun. Siguradong sinadya niya lang pag hintayin ak

