009 Aburidong aburido si Callum dahil sa madaming papeles pa ang kanyang dapat basahin at pirmahan. Hindi naman niya pupwedeng pirmahan na lang ng pirmahan ang mga iyon ng hindi binabasa. Sigurista siya kaya lahat ng papel ay masinsinan niyang iniintindi at binabasa. Isa pang bumabahala sa kanya ay ang kanyang fiancee na si Pauline na ngayon ay bibiyahe na naman papuntang america para sa photoshoot nito sa chanel. Hindi siya makapaniwala na mas inuna nito ang career kesa sa kasal nila. Natigilan siya ng matanaw niya mula sa labas ng opisina niya si Katharina na nag lalampaso ng sahig. Gawa sa salamin ang opisina niya kaya nakikita niya kung ano ang nangyayari sa labas ngunit hindi naman nakikita ng nasa labas ang nangyayari sa loob. "Beth, coffee." Aniya sa sekretaryang nag eencode

