010 Naalimpungatan si Katharina nang maramdamang parang nakalutang na siya. Ngunit pag dilat niya ay bumungad sa kanya ang mukha ni Callum na seryosong seryoso. Buhat buhat siya ng binata sa dalawang braso papasok sa isang bahay. Nanlaki ang mga mata ni Katharina nang mapagtanto ang sitwasyon. Buhat buhat siya ng lalaking ayaw na ayaw sa kanya. Hindi niya mabatid kung bakit siya buhat buhat ng binata kahit na pwede naman siya nitong gisingin na lamang. Di pa din napapansin ng binata ang gising na palang dalaga na ngayon ay di malaman ang gagawin habang nasa bisig ng lalaki. Tuloy tuloy lang si Callum sa pag lalakad. Dumoble ang bilis ng t***k ng dibdib ni Katharina. Ito nanaman yung kaninang pakiramdam na naramdaman niya nuong nasa kotse sila ni Callum. Hindi niya lubos na maunawaan an

