027 KATHARINA "Kath, I'm so sorry." Nakatungong sabi ni Callum nang maiwan kaming dalawa sa kwarto. Nag iwas ako ng tingin. Ayokong makita niyang sobra akong naaapektuhan. Ayokong isipin niya pa ako. Si Pauline, siya ang kasintahan niya. Siya ang babaeng pakakasalan niya at siya ang tunay na nag mamay-ari sa kanya kaya hindi na dapat akong pumapel pa sa buhay nila. Kahit mahal ko siya wala akong karapatang angkinin siya lalo nat may nag mamay-ari na sa kanya. Natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko. Marahan niya iyong hinaplos. "Kath patawarin mo ko. I didn't mean to hurt you." Aniya habang may mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata. Hinaplos ko ang kanyang mukha at mapait na ngumiti. "A-ayos lang ako." Ngumiti ako pero sadyang traydor ang mga mata ko nang muling mag sipag una

