KABANATA 62: NGITI

1218 Words

Nawiwirduhan man sa ikinikilos ni Joaquin ay nagkibit-balikat na lamang si Rosana. Dahil nasa banyo pa naman si Joaquin ay nagpasya siyang magtungo muna sa lababo upang makapag-hugas ng kamay. Ng akma niya na sanang bubuksan ang gripo ay napahinto siya ng masulyapan ang singsing na gawa sa nylon na noo'y nakasauot pa rin sa daliri niya. Andres.. Bulong ng puso niya.. Ang singsing na tanda ng pangako nito sa kanya na balang araw ay ihaharap siya sa altar. Pangakong tila magiging napaka-imposible na sa mga susunod pang araw... Malungkot niyang tinanggal iyon sa kanyang daliri at pansamantalang ipinatong sa tuyong parte ng lababo. Baka itabi niya na lang muna iyon sa bagay na palagi niyang dala-dala gaya ng wallet niya. Ayaw niyang maiwala ito ng hindi sinasadya dahil hindi lang iyon basta

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD