C07: She's Going (Ren)

654 Words

KANINA pa ako paikot-ikot dito sa kama ko. Kung ano-ano na ang pinaggagagawa ko para lang makatulog ako. Nandyan ‘yong tumagilid ako, ipatong ‘yong paa ko sa unan, humiga ng pahalang sa kama habang nakalaylay ‘yong ulo ko sa dulo ng kama, iangat ‘yong paa sa headboard, at kung ano-ano pa. Pero walang epekto lahat iyon. Hindi pa rin ako makatulog. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko ay nakikita ko ang mukha ni Tan-Tan na nakasimangot at iyong eksena niya na nag-walkout. Nagalit talaga siya sa nangyari kanina. Hindi ko rin siya masisisi kasi kaming dalawa ang naaksidente at nawalan ng alaala pero mukhang hindi hinihingi ang opinyon niya. Talagang wala siyang choice kung hindi sundin ang sinasabi ng mga magulang niya dahil nga iniisip nilang siya ang nakabuntis sa akin na malaki naman tala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD