ALAM kong kabastusan ang ginawa kong pag-alis nang basta-basta sa kwarto ni Ren kanina pero hindi ko iyon pinagsisisihan. Naiirita na kasi ako sa mga nangyayari. Pagkatapos, dadagdag pa ‘yong babaeng iyon sa kinaiinisan ko! Ano ba ang akala niya? Na gusto ko ring makasama siya? Na gusto ko ring makilala siya? Hell no! Napipilitan lang naman ako dahil sa sitwasyon namin at dahil na rin sa baby niya. Sino bang matinong tao ang gugustuhing matali sa isang taong hindi naman niya kilala? At worst ay buntis pa! Hindi naman ako nakasisigurong ako nga ang ama ng dinadala niya, a! Bakit ko aakuin? Tapos kung makaasta pa ‘yong babaeng iyon ay parang siya ang biktima—na siya ang agrabyado! Ha! Biktima rin ako pero ni minsan hindi naman nila hiningi ‘yong opinyon ko! Parang ako talaga ang may pagk

