Kinabukasan, dahil day-off ni Faye, tanghali na siyang nagising. Hindi na lang niya inisip ang tungkol sa invitation. Wala siyang binanggitan sa mga kaibigan. Baka isipin nilang nababaliw na siya. Lalo pa at mag-isa lang siya sa bahay. At isa pa, hindi siya naniniwala roon. May nananakot lang sa kaniya. Magdodoble ingat na lang siya. Enjoy life kasi ang motto niya. Bawal ang stress at wrinkles, nakakapangit. Kasalukuyan siyang nagtatampisaw sa swimming pool nang tumunog ang ringging tone ng cellphone niya. Hindi na sana niya papansinin dahil tumigil din naman at magpapatuloy na lang sana sa paglalangoy ng tumunog muli iyon. Umahon siya at habang nagsusuot ng bathrobe ay tsinek ang caller. Excited na sinagot ito. "Yes, hello?" Maarteng sagot niya. Hindi niya maiwasang kiligin sa tuwing

