Hindi makapaniwala si Mika nang tawagan siya ni Jimmy at sabihing patay na si Faye, ang bestfriend niya. Lalabas daw sana sila, kaso napansin daw nitong basag ang salamin sa gilid ng pintuan kaya pumasok na ito habang tinatawag si Faye. At natagpuan ang katawan ng dalaga sa sarili nitong bintana. Salamin niyon ang nakapatay rito. Tinawagan na rin nito ang pulis ng Tagaytay para mag-imbestigasyon. Iyak nang iyak si Mika habang tinatawagan si Patrick at ipaalam dito ang nangyari. Nang gabi ring iyon, pumunta sila sa lugar ni Faye. Wala na ang katawan ni Faye pagkarating nila at dinala na sa punerarya. Pero si Jimmy ay naroon pa rin at kinakausap pa ng mga imbestigador. Nasa lugar din ang SOCO. Bawal pumasok sa lugar, pero nang makita siya ni Jimmy, pinapasok sila ng sabihing kakilala nila

