Chapter 20-22
Marrying an Arrogant Billionaire
-CNLove❤
Chapter 20
Mabilis na natapos ang 5 days vacation namin sa private island nila Marco.
Lulan kami ngayon ng private helicopter nila pabalik ng Maynila.
Halos mahigit isang oras ang nakalipas nang makarating kami sa aming destinasyon.
Hindi na ako nagpahatid kay Marco. Actually, medyo iniiwasan ko talaga sya pagtapos ng nangyari sa amin. Di ko pa rin kasi lubos maisip na isinuko ko na ang bataaan ng ganun lang, masyado akong nagpadala sa emosyon ko.
"Are you okay? Does it hurt down there?" Nag aalalang tanong ni Marco sa akin.
"Medyo lang. Wag ka ng mag alala." Cold na sagot ko sa kanya. Pero yung totoo parang napunit na yung ano ko.
"Galit ka ba sa akin? Sorry." Malungkot na sabi nya sa akin.
Ano ba kasi hindi pa nga nag-sink in sa akin yung mga nangyari, dinadagdagan na naman nya yung isipin ko. Di ako sanay na nagpapakumbaba sya.
"No."
"Tara. Ihahatid na kita." Akma nyang kukunin yung bag ko pero maagap kong napigilan
"Wag na. Kaya ko naman. Sige alis na ako."
Tinalikudan ko na sya at di na tinignan pa ang reaksyon nya, baka pag lumingon ako magbago na naman ang isip ko.
**************
Nakarating na ako kina Wendy at naabutan ko syang nag aayos ng mga gamit nya.
"Hi bakla! Namiss kita sobra." Sabay yakap ko sa kanya
"Oh kumusta naman ang private island trip? Madami bang gwapong papables na kasama ni papa Marco mo?" Kinikilig na tanong nya sa akin.
"Hay naku bes. Family reunion daw pero wala pa kaming sampu dun."
"Hahahahhaha seriously?!" Manghang tanong nya
"At bakit naman halos mulaga ka na sa sobrang bilib sa kanila bakla?"
"Syempre naman. Imagine family reunion pero sa private island pa ginanap? Ang sosyal kaya bakla. At infairness ah--- family reunion daw pero kasama ka. Welcome to the family ang peg."
"Andun din naman si Chanelle." Malungkot na sabi ko.
"Owwww I see. Welcome to the family din pala sya. Kumusta naman ang acting nyo ni Marco? Narealize na ba nung Chanelle na yun na si Marco pala talaga ang gusto nya? O baka naman narealize mo na hindi na pala acting ang ginagawa mo at naging totohanan na?"
Bigla akong napaiyak sa sinabi ni Bakla. Parang saktong sakto yung sinabi nya sa kalagayan ko.
"Hoy babaita bakit ka naman umiiyak dyan? Magsabi ka nga ng totoo? Naku Trixie ha...
Pinaalalahanan na kita dati na baka ma-fall ka sa kanya tapos ngayon iiyak iyak ka dyan. Ano bang nangyari dun?"
"May nangyari kasi bes."
Lumaki ang mata ni Wendy sa sinabi ko.
"Anong may nangyari ang sinasabi mo dyan ? Linawin mo yang sinasabi mo." Nagsisimula ng magalit si Wendy
"May nangyari sa amin ni Marco." Sa wakas nasabi ko na din pero tuloy tuloy ang pagdaloy ng mga luha ko.
"Anoooooooooo? Jusmiyo marimar santisimang garapon Trixie. Agad agad?
Eh ano namang sabi nung Marco na yun sayo?"
"Wala. Di pa kami nag usap. Basta umuwi na lang ako dito."
"Ano ka ba naman Trixie di ka ba nag iisip? Pano kung mabuntis ka? Ano nalang sasabihin ng parents mo sa akin? Ipinagkatiwala ka pa naman nila sa akin."
"Di naman ikaw ang magiging kung sakali."
"Pilosopo ka! Bakit ba hindi ka nag iingat bakla? Alam mo naman ang set-up nyo di ba? Pano kung magkabalikan na sila nung Chanelle pano ka ? Kaya mo bang maging single mother?
Pano kung kunin nya sayo ang baby at sila na lang ang magpalaki nung Chanelle? Nakakagigil ka."
Tuloy pa rin ako sa pag iyak habang pinapakinggan si Wendy. Tama naman sya eh, pano nga kung may mabuo nga. Pano ko ipaglalaban yung karapatan ko eh mayaman yun.
"Sssshhh.. tahan na. Nag aalala lang naman ako sayo eh. Saka ano pa bang magagawa natin naibigay mo na ang perlas ng silangan, alangan namang bawiin mo pa yun?
Paiyak - iyak ka pa dyan, as if namang ganyan ka din nung pinagsasaluhan nyo ang mainit na sandali baka nga tumirik pa ang mata mo sa sarap." May pairap irap pang sinabi ni Wendy
Bigla akong natawa sa sinabi ni Wendy. Nawala bigla yung bigat ng loob ko nung nakausap ko sya.
"Oh eh anong plano mo ngayon? Di pwedeng wala kang plano after nyang nangyari sa inyo. Mahirap maglaro ng apoy beshy, ikaw din ang mapapaso."
"Sa ngayon wala pa bakla. Pero hindi na muna ako papasok sa opisina nya. Gusto ko muna lumayo sa kanya. Naguguluhan na kasi ako."
"Naiintindihan ko besh, dumito ka nalang muna or sama ka sakin sa salon para malibang ka at makapag isip ng maayos."
"Salamat talaga besh. Sana wala munang makakaalam nito ah?"
"Safe ang secret mo sa akin. Madaldal lang ako pero di ako chismosa nuh."
***********
Nakahiga na ako sa kwarto at naisipan kong ilabas ang phone na bigay ni Marco,
320 missed calls at 70 messages galing sa kanya. Kung tutuusin dapat masaya ako na ganito ang atensyon na binibigay nya sa akin ngayon pero bigla akong nawalan ng gana.. sa lahat.
Nagsimula na akong magtype ng isesend ko sa kanya.
To: Marco
Hello Sir. Di po ako makakapasok bukas dahil masama ang pakiramdam ko. Thank you po.
***sent***
Maya maya pa ay may dumating na text galing sa kanya.
From: Marco
Are you mad? Let's talk please.
Di ko na nireply pa ang text nya at natulog na. Inoff ko na din ang phone para di nya makontak.
Hanggat maaari gusto muna lumayo sa kanya. Gusto kong mag isip ng maayos, kapag nasa paligid ko sya di ko yun magagawa ng tama.
Chapter 21
Maaga akong gumising para magready pauwi sa amin. Matagal ko ng hindi nakakasama ang pamilya ko. Nagpaalam naman ako kay Wendy at naiintindihan naman nya. Di ako nagpasabi na uuwi ako gusto kong sorpresahin ang pamilya ko.
Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si Nanay na nagluluto ng ginisang munggo.
"Nay, mano po."
"Dios kong bata ka! Bakit ngayon ka lang umuwi?"
"Pasensya na po nay. Naging busy lang po ako. Asan po si tatay?"
"Ayun nagsisibak ng kahoy sa likod. Yung mga kapatid mo andyan sa kwarto. Puntahan mo muna at ako ay mag aasikaso ng pagkain natin."
Pinuntahan ko sa kwarto ang dalawa kong kapatid si Tricia at Tyrone. Busy silang magcellphone.
"Busy ah?" Bungad ko sa kanila.
"Ateeeeeeeee.." sigaw nung dalawa.
"Ang tagal mo namang hindi umuwi ate, masyado ka na atang nagpapayaman dun kina Ate Wendy." Sabi ni Tyrone
"Loko ka talaga. Mukha na ba akong mayaman?" Biro ko.
"Miss ka na namin ate. Salamat nga pala sa binili mong cellphone para sa amin." Nakangiting sabi ni Tricia.
Makita ko lang na masaya ang pamilya ko napapawi lahat ng pagod ko. Masaya ako na napapasaya ko sila.
"Bakit ka nga pala umuwi ate? Wala ka na bang trabaho? Okay lang naman ate kahit magpahinga ka muna sa pagtrabaho kumikita din naman ng maayos sina nanay at tatay. Para makapagpahinga ka din." Sabi ni Tyrone.
"Nakakatouch naman ang kuya namin. Mukhang mas panganay ka pang magsalita kesa sa amin ni Tricia ah. Binatang binata ka na nga."
"Naku ate may ipapabili lang yan kaya binobola ka nyan." Sabat ni Tricia
"Wala noh. Saka naibili na ako nitong cellphone ni ate tama na muna yun."
Narinig naming tawag na kami ni Nanay, mukhang nakahanda na ang pagkain.
Masaya kaming nagsasalo-salo sa luto ni nanay. Sobrang namiss ko ito.
"Kumusta naman ang trabaho mo anak? Ano nga pala ulit ang trabaho mo?" Tanung ni tatay
Kinabahan ako bigla sa tanong ni tatay. Sobra akong nakokonsensya sa paglilihim ko sa kanila pero hindi ko pa talaga kayang sabihin sa kanila.
"Ah eh sa salon po ni Wendy 'tay, umeekstra po ako dun at dun na din nakikituloy sa kanila."
"Napakabait naman nyang batang yan, minsan imbitahin mo din para naman mabigyan namin sya ng mga gulay at prutas sa bakuran natin. Ang dami ng pabor ang ginawa nun para sayo." Sabi naman ni Nanay.
Totoo ang sinabi ni nanay, napakalaki ng utang na loob ko kay Wendy. Lalo pa ngayon na pinagtatakpan nya ako sa pamilya ko.
"Opo sasabihin ko po."
"Bakit ka nga pala biglang umuwi anak? Magtatagal ka ba dito? May problema ka ba anak?" Sunod-sunod na tanong ni tatay.
"Grabe ka naman 'tay, umuwi lang ako may problema agad? Di ba pwedeng miss ko na kayo?" Ngumiti ako ng maganda para di na mag alala si tatay.
"Halos wala na kasi kaming alam tungkol sa panganay namin, ni hindi na namin alam kung ano na talaga ang nangyayari sayo dun. Lagi mo kasing sinasabi na ayos ka lang. Di mo kailangang pilitin ang sarili mo na magtrabaho kahit pagod ka na. Pasensya ka anak kasi di namin maibigay ng nanay mo sayo ang pangarap mong pag-aaral sa kolehiyo pero hayaan mo pag maganda ang ani at malaki ang kita paglalaanan namin ang pangmatrikula mo. Tulong-tulong tayo anak kasi pamilya tayo. Wag kang mahihiyang magsabi sa amin kapag may kailangan ka. Di mo kailangang pasanin ang lahat ng responsibilidad sa pamilya natin." Mahabang sabi ni tatay.
Pinipigilan ako ang luha na gustong kumawala sa mga mata ko. Bigla kong naisip lahat ng nangyari sa akin kasama si Marco. Masyado na akong naging mapaghangad sa madaliang paraan para makapag aral ako kaya nalagay ako sa sitwasyon. Thankful ako na kahit salat ako sa pera, mayaman naman ako sa pagmamahal ng pamilya at yun ang mas importante sa lahat.
CHAPTER 22
Halos 2 weeks na rin akong nandito kina nanay.
Nagsabi rin naman ako kay Wendy na gusto ko munang makasama ang pamilya ko at okay lang sa kanya. Pagtapos ng lahat ng nangyari sakin sa De Luna Empire ito ang masasabi kong pahinga ko.
Hindi pa rin ako nangahas na buksan yung cellphone na binigay ni Marco. Hindi pa ako handang makausap o makaharap sya. Gusto ko munang pagnilay-nilayan itong sitwasyon na pinasok ko.
Ayaw ko munang isipin kung ano magiging reaksyon nya dahil sa ginawang kong hindi pagpasok sa trabaho for almost 2 weeks.
Habang tinutulungan ko si nanay magbalot ng mga lumpia na ititinda nya mamaya ay kumakatok sa pinto.
"Anak may tao kumakatok sa pinto. Puntahan mo muna." Sabi ni nanay.
"Sige po."
Pagdating sa pinto ay natigilan ako sa taong kanina pa kumakatok. Si Marco.
Paano nya nalaman na andito ako? Paano nya nalaman na dito ako nakatira?
"Hi Trixie. How are you? Bakit wala man lang pasabi?" Bakas sa mukha nya ang pag aalala na tila ilang gabi ng hindi nakakatulog ng maayos. Nangingitim na rin kasi ang ilalim ng mata nya.
Hindi ako agad nakapagsalita. Halos dalawang linggo na akong umiiwas sa kanya pero heto sya ngayon sa harapan ko at sinadya pa ako dito sa amin.
"Oh anak sino yan? Bisita mo ba ? Tara iho pasok ka muna sa loob." Aya ni nanay kay Marco. Nakalapit na pala si nanay ni hindi ko man lang namalayan.
"Salamat po." Nagmano sya kay nanay bago pumasok
"Upo ka muna dito, gusto mo ba ng lumpia? Meron ng bagong luto." Alok ni nanay sa kanya.
"Sige po." Magalang na sagot ni Marco.
Ipinaghain ni nanay si Marco ng lumpia at juice.
Hindi pa rin ako mapakali sa pagpunta nya dito lalo pa at walang alam sila nanay tungkol sa kanya.
"Iho kaibigan ka ba ng anak ko?" Tanong ni nanay
Kumakalabog na ang puso ko. Hindi ko inaasahang mangyayari ito.
"B-oss ko po nanay." Maagap na sagot ko.
"Boyfriend nya po." Casual na sagot ni Marco
Napaawang ang bibig ni nanay at biglang natigilan. Kahit ako parang gusto ko ng lamunin ng lupa dahil sa ginagawa ni Marco. Naguguluhan ako lalo. Nagpapanggap lang kami pero pumunta pa sya dito sa bahay para magpakilalang boyfriend ko.
May biglang tumikhim sa magmula sa kusina.
Si tatay. Lalong kumalabog ang puso ko na parang gusto ng lumabas sa rib cage ko.
"Ano ka nga ulit ng anak ko iho?" Mahinahon na tanong ni tatay pero alam kong narinig nya yun ng maayos.
"Boyfriend po ng anak ninyo Sir." Walang katinag-tinag na sabi ni Marco.
Huminga ng malalim si tatay. Alam kong dismayado sya sa nalaman nya. Wala pa akong dinadala na kahit sinong lalaki para ipakilala sa kanila kahit manliligaw man lang tapos may biglang susulpot na parang kabute at magpapakilalang boyfriend ko.
"Maaari ba kitang makausap iho ng sarilinan? Lalaki sa lalaki." Pag aya ni tatay kay Marco.
Lumabas sila at dun nag usap.
Halos isang oras na silang nag uusap at wala akong alam kung ano na ba ang pinag uusapan nila. Di ako natatakot sa sasabihin ni tatay, mas natatakot ako sa sasabihin ni Marco.