Chapter 23-26

2196 Words
Chapter 23- 26 Marrying an Arrogant Billionaire -CNLove❤ CHAPTER 23 Hindi ako mapakali dahil halos isang oras na ang nakakalipas pero nandun pa rin sa labas sina tatay at marco. Ano ba ang pinag-uusapan nila? Hindi na humuhupa ang bilis ng t***k ng puso ko. "Anak" tawag ni nanay sa akin "Bakit po ?" "Bakit naman naglihim ka sa amin? Naiintindihan naman namin na sa edad mong yan ay maaari ka ng umibig at magkaron ng boypren. Kung hindi pa naglakas ng loob pumunta yang si Marco dito di pa namin malalaman na magkakamanugang na kami." "Nay... kasi po...." Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil pumasok na si tatay at Marco. Naging doble ang kalabog ng dibdib ko. Gusto kong malaman kung ano ang pinag-usapan nila. Pagpasok nila ay nakaakbay pa si Tatay kay Marco na parang galing sila sa isang masayang pag-uusap, samantalang kani-kanina lang napakaseryoso ng mga itsura nila. Medyo nakahinga ako ng maluwag. Pero gusto ko pa ring malaman kung ano ang pinagsasabi ng Marco na yun kay tatay. "Naku Trixie anak. Mabait naman pala itong manugang namin." Sabi ni tatay Mabait? Nagpapatawa ba si tatay? Kung alam lang sana nya kung gano ka arogante yan sa sarili nyang kompanya baka hinabol pa nya yan ng itak pabalik ng maynila. Pilit lang yung ngiti na tanging sagot ko sa tinuran ni tatay. Ang mahalaga naman ay hindi sya galit. Pwede na akong mamayapa. "Hijo, dumito ka muna sa amin. Delikado naman kung babiyahe ka pa magmula dito sa Pangasinan pauwi sa inyo lalo na at gabi na." Sabi ni tatay kay Marco "Hindi na po tito. Kaya ko naman po." Sagot ni Marco. "Naku wag mo na akong tawaging tito, tatay na lang. Tutal naman ay magiging asawa ka nitong si Trixie namin." Ako ang nahihiya sa sinasabi ni tatay. Ang hirap naman kasing sabihin yung totoo, lalo pa at di ko alam kung anong pinag usapan nila ni Marco. Hapunan na at nagluto si nanay ng tinolang manok. "Kuya masarap magluto si nanay ng tinola panigurado mapaparami ka ng kain." Sabi ni Tyrone kay Marco. Ngumiti lang si Marco kay Tyrone. Kahit medyo naiinis ako sa biglaang pagpunta ni Marco dito sa amin nag-aalala pa rin ako dahil hindi naman sya sanay sa ganitong klase ng pamumuhay. "Kailan mo naman balak bumalik sa trabaho mo anak sa kompanya nila Marco?" Tanong ni tatay. Natigilan ako sandali at napatingin kay Marco. Nabanggit na pala nya kay tatay yung tungkol sa trabaho ko sa kompanya nya. "Ah--- di ko pa po alam 'tay." "At bakit naman hindi mo alam? Balak ka ngang sunduin nitong si Marco kaya sya pumarito." Napakasipsip naman nitong si Marco kaya kahit sarili kong magulang hindi na kumbinsido sa sinasabi ko. Yung totoo, di ko alam talaga kung gusto ko pang bumalik dun. Sasagot sana ako ng sumabat si Marco. "No worries po 'tay, I can wait. Hihintayin ko po syang magdecide kung kelan nya gusto sumama pabalik sa akin. Okay lang po ba na magstay ako dito habang hinihintay ang decision nya?" Nakangiting tanong nya. Aba at nakiki-tatay na. Anak sya? Ano ba namang trip nya sa buhay at mag-istay sya dito para hintayin ako. Lumayo nga ako para matahimik ang buhay ko pero andito sya at naging kakampi pa ang pamilya ko. "Walang problema hijo, kaso kaunti lang ang kwarto dito sa amin kaya sa kwarto ka nalang ni Trixie makikitulog ah? Pero.... Wag muna ninyong gagawin yun. Saka na kapag kasal na kayo." Naibuga ko ang iniinom kong tubig dahil sa sinabi ni tatay. Ramdam ko ang pag init ng magkabila kong pisngi. Lalo akong nakokonsensya nito eh. Pinagtinginan nila ako na parang nakapatay ako ng tao. "Bakit ka naman nabilaukan ate? Tama naman ang sabi ni tatay." Sabi ni Tricia habang natatawa. "Nabigla lang kasi ako. Kung anu-ano kasi ang pinagsasabi nitong si tatay." ******** Lahat kami ay pumasok na sa kanya-kanyang kwarto at kasama ko si Marco. Wala naman akong choice dahil wala ng extrang kwarto dito sa bahay. Napanganga ako ng maglatag sya ng banig sa sahig at dun humiga. "Hoy ! Bakit dyan ka nakahiga?" Gulat na tanong ko sa kanya. "Don't worry, I am fine here." "Anong don't worry?! Hindi ka sanay matulog sa sahig." Nagsisimula na akong mainis. "Okay lang ba sayo na mag-share tayo sa higaan? I know that you may feel uncomfortable so I will sleep here." Totoo yung sinabi nya. Naalala ko na naman kung pano ko naisuko ang bataan sa kanya dahil magkatabi kami sa higaan. Pero nangibabaw pa rin ang awa ko sa kanya dahil sa dami ng magagandang bagay na binigay nya sa akin. Nakakahiya naman kung aapihin ko sya dito sa amin. "Dito ka na." Sabi ko. "You sure?" Paninigurado nya. "Ayaw mo? Bahala ka dyan. Matutulog na ako." Pero di ko naman talaga alam kung pano ako makakatulog ng maayos habang andito sya sa tabi ko. Mabilis syang lumipat sa tabi ko. Pero sinigurado nyang may space na namamagitan sa amin. "Marco." Mahinang tawag ko sa kanya. "Hmmm?" "Bakit ginagawa mo ito? Kasama ba to sa mga plano para magkabalikan kayo ni Chanelle?" "Gusto ko tong ginagawa ko Trixie, lalo na kung para sayo." Hindi na ako sumagot sa sinabi nya. Naguguluhan man ako pero ayaw ko ng alalahanin masyado kung ano ba ang ibig nyang sabihin. CHAPTER 24 Gaya nga ng sabi ni Marco magi-stay sya dito sa amin para hintayin ang desisyon ko tungkol sa pagbalik ko sa kompanya nya. Paggising ko wala na sya sa tabi ko. Hindi ko rin sya nakita sa kusina kaya nagdesisyon akong lumabas. Naabutan ko sya dun sa labas at nagsisibak ng kahoy. Di ko talaga kinakaya ang trip nitong si Marco. Topless sya at pawis na pawis na naging dahilan sa kanyang abs para maligo sa pawis. Ang hot nya tignan. "Aissshh Trixie humaharot ka na naman." Bulong ko sa sarili ko. Akalain mong magsisibak lang ng kahoy, topless pa. Ito namang mga chismosa naming kapitbahay kunwari nagwawalis sa paligid nila pero ang mata tutok na tutok kay Marco or mas tamang sabihin ay sa katawan nya. Halos lumuwa na ang mata nila sa kakasiyasat sa magandang katawan ng lalaking to at kunting-kunti nalang maglalaway na sila. Nakakairita. "Hoy Marco! Bakit naman magsisibak ka lang ng kahoy nakahubad ka pa? Pinagtitinginan ka na ng mga kapitbahay." Sigaw ko kay Marco. Sapat na para marinig ng mga epal na nagpapantansya sa katawan nya. Agad naman nagbawi ng tingin ang mga kanina pang naka-glue na ang paningin sa katawan ni Marco. Ngumiti naman ng nakakaloko itong si Marco. "Don't worry babe, hanggang tingin lang sila because I am all yours." "Wala akong pakialam dyan sa abs mo noh? Saka aanhin ko yan." Ramdam ko ang pag init ng mukha ko. Akma na akong babalik sa loob ng bahay nang magsalita pa sya. "Hindi mo man lang ba ako aayain na mag almusal? Is that how you treat your boyfriend?" "B-boyfriend?? Baka naman nakakalimutan mo kung ano ang set-up natin?" Pagtataas ko ng kilay sa kanya. "You're too serious, ang aga aga." Kailan pa kami nagkapalit ng ugali? Ako na ang highblood sya naman ang chill na. *** Pagtapos naming mag-agahan ay nagsimula naman syang mag igib ng tubig para sa lababo at sa CR. To be honest, di ko maiwasang kiligin sa mga ginagawa ni Marco. Tumutulong sya sa mga gawain na parang katulad noong sinaunang panahon na naninilbihan para mapasagot ang babaeng nililigawan. Di ko maiwasang umasa na sana totoo na lang lahat ito. Pati sa paglaba ko tinutulungan nya ako. Ako ang naglalaba sya naman ang taga-sampay. Hangang-hanga ang mga kapitbahay namin sa kanya kasi kahit anak mayaman sya which is obvious naman, nagagawa yung mga gawain na alam kong hindi nya naman nakasanayan. Minsan nakikita ko si Nanay at Tatay na napapangiti sa mga ginagawa ni Marco. Hahanap din ako ng tiyempo at ako ang magpapaliwanag sa kanila ng lahat. CHAPTER 25 Mabilis na lumipas ang tatlong araw na pag-stay ni Marco dito sa amin kaya napagdesisyunan ko ng sumama ulit sa kanya pabalik ng Maynila. Nakokonsensya ako dahil sa effort na binibigay nya. Nakokosensya ako dahil ginagawa nya yung mga bagay na hindi nya nakasanayan para lang mapapayag akong sumama ulit sa kanya. Nagpaalam na ako sa pamilya ko. "Nay, Tay, alis na po kami." Paalam ko. "O sige anak, mag iingat kayo sa biyahe." Sabi ni Nanay "Marco, ingatan mo yang anak ko. May tiwala ako sayo. Wag mo sanang sisirain." Seryosong turan ni tatay. "Opo. Di ko po sasayangin ang tiwala nyo." May paninindigan na sabi ni Marco kay tatay. "Mami-miss ka namin ateeeeee." Sabi nung dalawa kong kapatid. "Pati din ikaw kuya Marco, mamimiss ka din namin." Pahabol pa nila. Nagyakapan lang kami ng aking pamilya at umalis na lulan ng sasakyan ni Marco. ********* Habang nasa biyahe kami ang awkward ng pakiramdam ko. Di ko alam kung anong topic ang i-oopen ko para hindi kami mapanisan ng laway. "M-marco? Bakit nga pala sinundan mo pa ako sa probinsya namin?" Di ko kasi mapigilan na alamin kung bakit naisip nyang gawin yun. "Because I want to. Di ako sanay ng hindi kita nakikita. Two weeks ka ng walang paramdam, hindi ko rin makontak ang phone na bigay ko sayo. Pakiramdam ko mababaliw ako." Seryosong sabi nya. Pagkatapos nyang sabihin yun, sumilay ang kaunting pag-asa sa puso ko na baka.. na baka lang naman may nararamdaman na din sya para sa akin. "I am inlove with you Trixie. Madly, deeply and crazily inlove." Pahabol nya. "Mahal mo ako? Kailan pa? Pano si Chanelle? Pano yung plano natin?" Sunod-sunod na tanung ko. Imbis na sagutin ang mga tanung ko, ay tinanong nya din ako pabalik. "Do you love me too? Tell me Trixie, do you love me?" Tumahimik ako sandali at nag-isip ng isasagot. "Oo." Walang pag aalinlangang sagot ko sa kanya. Tila gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi ko. Marahil hindi yung pagpapanggap ang gumugulo sa isip ko kundi yung namuong pagmamahal ko sa kanya na pilit kong itinatanggi. CHAPTER 26 Nakabalik na ako ulit sa trabaho sa kompanya ni Marco. Nagbago na rin ang ugali nya. Di na sya mainitin ang ulo. Marunong na rin syang ngumiti at magresponse sa mga bumabati sa kanya. Natuto na din syang makinig sa opinyon ng iba ng hindi nagagalit. Masaya ako sa nakikita kong pagbabago sa kanya. At ang mas nagpapasaya sa akin ay yung idea na ako ang dahilan ng mga pagbabago nya. Mas naging sweet at maalaga na rin sya sa akin. Ako na ang bagong secretary nya, nilipat na nya si Beatriz sa ibang department. Medyo hirap pa rin ako sa adjustments kasi ako na lahat ang gumagawa ngayon. Pero hindi naman ako pinapabayaan ni Marco. Gina-guide nya pa ako. "Don't work too hard, babe." Bulong nya sa tenga ko habang busy akong magtype ng mga reports. "Ano ka ba? Kailangan mo ito di ba?" "Should I bring Beatriz back here in my office para may katuwang ka? Alam mo namang ayaw ko na nahihirapan ka." Sweet na sabi nya sa akin. "Parang kang loko. Nilipat mo sya sa ibang department tapos papabalikin mo?" "Yun ay dahil gusto kitang masolo. " He is using again his sexy voice. "Marco ha ! Wag mo akong dinadaan dyan sa bedroom voice mo alalahanin mo nasa trabaho tayo." Mariin na sabi ko sa kanya. "Should we stay at home at magkulong nalang sa kwarto?" Nakangising sabi nya. "Maharot ka naman Marco." "Why babe? Am I turning you on? Anyway..... Tayong dalawa lang naman ang andito sa opisina ko." "Marco !" Inis na banggit ko sa pangalan nya "Just kidding babe." Sabi nya habang tumatawa ***tok..tok******* "May kumakatok sa pinto. Pagbubuksan ko sandali." Tatayo na sana ako pero inunahan na ako ni Marco papunta sa pinto at pinagbuksan yung kumakatok. "Delivery po. " sabi nung lalaki. "Pakipasok nalang dito." Utos ni Marco. "Pakipirmahan nalang po sir." After pumirma ni Marco, umalis na din yung delivery boy. Na-curious ako sa laman ng dalawang box na dineliver ngayon. "Ano yan?" Tanong ko. "That's for you. Open it babe." Nagmadali akong kumuha ng gunting at ginupit yung pantali na nakabalot sa package para makita yung laman. Napaawang ang bibig ko dahil puro libro ang laman. Excited akong hinawakan ang mga libro ng biglang nadinig kong nagsisisigaw si Marco at parang takot na takot. "Marco.. anong nangyari?" Pag alalang tanong ko. "ILAYO MO SA AKIN YAN. ILAYO MOOOOOOO." Sigaw pa rin nya. Tinignan ko kung ano ang tinutukoy nya at nakatingin sya sa pantali ng package na parang nakakatakot na bagay. Agad agad kong inalis at itinapon sa basurahan yung tali. Kita-kitang ko pa rin sa mukha nya ang labis na pagkatakot. Nakasabunot sya sa buhok nya at tila sobrang stressed. Ayaw ko rin munang nagtanong basta kinakalma ko lang sya. Nung medyo nahimasmasan na sya inutusan nya akong kunin yung gamot na nasa drawer daw nya. Agad kong kinuha yun, binigyan sya ng isa at inabutan ng tubig. Ito na ba yung sinasabi ni Chanelle na traumatic experience ni Marco? Parang may kung anong kumurot sa puso ko. Naaawa ako sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD