Chapter 27 to 28

2146 Words
Chapter 27-28 Marrying an Arrogant Billionaire -CNLove❤ Chapter 27 Pagtapos ng insidente sa opisina ni Marco naging praning ako. Sinigurado ko na wala syang makikitang panali kagaya nung nakita nya nung nakaraan na naging dahilan ng pagwawala nya. Labis ang pag-alala ko sa kanya simula ng araw na yun. Di ko naman magawang tanungin sya dahil natatakot ako na baka sa pagkwento nya may bigla syang maalala at magwala ulit. Naging maayos naman ang trabaho ko ganun din ang lumalalim na pagtitinginan namin ni Marco. Ngunit may isang hindi magandang balita akong natanggap mula sa pamilya ko, na-stroke daw si tatay at kasalukuyang naka-confine sa ospital. Nasobrahan na marahil sa pagtatrabaho sa bukid kahit tirik ang araw. Balak ko sanang manghiram muna ng pera kay Marco para may maimbayad sila nanay sa bills sa ospital at may pambili rin ng gamot para kay tatay. Papasok na ako sa opisina ng makita ko si Sky. "Ano naman kayang ginagawa nito dito." Maya-maya pa ay nakita nya ako at nagmadaling lumapit. "Hi Trixie, good morning." Bati nya sa akin . Parang may kakaiba sa kanya. Maganda ata ang gising nito. "Hello Sky. Good morning din. Saan nga pala ang punta mo? Kay Marco ba? Tara sabay na tayo papasok na din ako sa opisina nya." Aya ko sa kanya. "Hindi si Marco ang ipinunta ko dito Trixie, ikaw." "Ha? May kailangan ka ba sa akin ?" "Wala naman. Na-miss lang kita." Nalilito ako sa inaasal ngayon ni Sky. Alam kong mabiro sya pero hindi ko gusto ang tabas ng biro nya ngayon. Unti-unti syang lumalapit sa akin at ako naman ay paatras ng paatras. "Ano ba Sky! Ano ba yang ginagawa mo. Hindi na maganda yang biro mo." "Hindi naman ako nagbibiro." Sabay ngiti ng nakakaloko. Hinawakan nya ang magkabilang braso ko at siniil ng halik ang labi ko. Nagpupumiglas ako pero hindi ko makaya dahil malakas sya. Lalong dumiin ang mga labi nya sa akin na tila hayok na hayok sa halik. Nakaramdam ako ng panghihina at di na nanlaban pa. Naramdaman ko na lang na tumutulo na ang luha sa mga mata ko. Hindi ko akalain na magagawa sa akin ni Sky ito. Akala ko mabait sya. Nandidiri ako sa sarili ko. Pakiramdam ko andumi ko na. Biglang natigil ang ginagawa sakin ni Sky nang may humila sa kanya at inundayan sya ng matinding suntok. Bumulagta si Sky sa sahig at duguan ang labi nya. "f**k you Del Castillo! How dare you do this in my own company !" Gigil na sabi ni Marco. Nanlilisik ang kanyang mga mata at sa pakiwari ko ay parang leon na handang patayin ang kaaway. "And you." Sabay duro sa akin. "You're s**t. Akala ko naman kung sinong disenteng babae ka yun naman pala kaladkarin ka din. Bakit? Magkano ba ang offer sayo ng lalaking yan kapalit ng pakikipaghalikan mo sa kanya?" Nadurog ang puso ko sa sinabi ni Marco. Hindi ko akalain na masasabihan nya ako ng ganun. Tumalikod sya at pumasok na sa opisina. Hindi ko na pinansin si Sky at sinundan si Marco. Pagdating naman sa opisina nakaharap lang sya sa glass window na parang malalim ang iniisip. Alam kong disappointed sya sa nakita nya kanina. "M-marco magpapaliwanag ako." Nanginginig na sabi ko sa kanya. "At ano ang ipapaliwanag mo? Kitang kita ng dalawang mata ko Trixie yung ginagawa nyong paghahalikan ni Sky. Am I not paying you enough? Mas maganda ba ang offer nya? Mas magaling ba sya sa akin? C'mon tell me?!!" Galit na sabi nya sakin. "Mali ang pagkakaintindi mo Marco. Pakinggan mo muna sana ako." "You're a gold digger w***e pretending to live like a Cinderella." Para akong sinaksak ng paulit ulit sa mga binitawan nyang salita sa akin. Di ko na mapigilan ang pagdaloy ng aking mga luha at kita yun ni Marco. Pero ni hindi man lang sya natinag. Sa isang iglap hindi ko na sya kilala para syang halimaw na sasakmalin ang sino mang mangahas na lumapit. It's all my fault. I woke up the devil in him. Kahit alam kong galit sya sa akin naglakas-loob pa rin akong magsabi sa kanya ng tungkol sa nangyari kay Tatay. "M-marco si t-tatay kasi nakaconfine ngayon." Diretso lang ang tingin nya sa akin pagtapos ko sabihin yun pero walang kahit anong emosyon ang mababasa mula rito. Walang namutawing mga salita sa kanya at nakatitig lang sa akin. Kahit magmakaawa pa o lumuhod ako gagawin ko para maisalba lang ang buhay ni tatay. "So what do you want me to do?" Cold na sagot nya. "Kung pwede sana makahiram ng pera mo." Ngumisi sya ng nakakaloko. Ngisi na nagbigay sa akin ng kakaibang kaba. "At ano naman ang ibabayad mo kung sakali?" "Pag iipunan ko at huhulog-hulugan nalang sayo." "Nah! No need for that. You need instant money? I will give you right away." Napaawang ang bibig ko sa sinabi nya at tila di pa rin makapaniwala na tutulungan nya ako. Maya-maya lumapit sya at marahas akong hinalikan. Madiin. Mapangahas. Masakit. May nalasahan akong lasang kalawang sa aking bibig. Nagdugo na siguro dahil sa ginagawa nya. "You want this?" Bulong nya at nagpatuloy sa ginagawa nya. Sinira nya ang mga damit ko at itinapon nalang kung saan. Lumantad sa kanya ang aking kabuuhan. Nanliliit ako sa sarili ko. Mas masahol na ako ngayon sa isang bayarang babae. Hinayaan ko lang sya sa ginagawa nya at di na sumubok magpumiglas. Ito marahil ang gusto nyang kabayaran para sa hinihiram kong pera para kay tatay. Itinulak nya ako sa sofa at dumagan sa akin. "I want you right here, right now." Matalim na sabi nya sa akin. Muli ay inangkin nya ako. Pag-angkin na puno ng galit at pwersa. Ramdam ko yun sa bawat paggalaw nya sa ibabaw ko. Di ko magawang magreklamo dahil kailangan ko ang pera nya at dahil mahal ko sya. Nang matapos sya ay nagbihis na at lumabas na ng opisina. Ni hindi na nya ako nagawang tapunan ng tingin. Pinulot ko yung mga damit ko at isinuot kahit punit na. Gusto kong umalis ngayon dito, gustong-gusto ko. Kahit na masakit ang aking pagkakabae dahil sa sapilitang pag-angkin nya sa akin ay pinilit kong bumangon at mag-ayos. Ayaw kong maaabutan nya ako sa ganitong kalagayan. Paglabas ko ng opisina, habang naglalakad ang mata ay nakatuon sa akin punong puno ng pandidiri at panghuhusga. Hindi ko na ininda yun sapagkat wala ng mas sasakit pa sa mga binitawan sa akin ni Marco. Ang mahalaga na lang ngayon ay makauwi ako at ang buhay ng tatay ko. Chapter 28 Magmula sa sasakyan hanggang sa makarating kina Wendy ay di mapatid ang pagtulo ng luha ko. Napasakit ng nangyari ngayong araw na to. Bahala na kung ano ang magiging reaksyon ni Marco sa biglang pag uwi kahit di pa oras ng uwian. Pagdating ko ay bukas at pinto at abala si Wendy sa panonood ng Kdrama. Walang anu-ano'y yumakap na lang ako ng mahigpit sa kanya at ibinuhos ang lahat ng luha ko na kanina pa hindi tumitigil sa pagdaloy. Hinayaan lang ako ni bakla umiyak ng umiyak. "Ssshhhh. Tahan na bakla." Sabay himas sa likod ko. "Ang bigat bigat na kasi ng loob ko bakla." Sagot ko habang umiiyak pa din. "Ano ba kasing nangyari bakla? Akala ko ba umuwi ka sa inyo sa probinsya at nagpalipas muna ng sitwasyon doon eh bakit umiiyak ka na naman ngayon?" Oo nga pala hindi ko nasabi kay bakla yung mga nangyari dun sa Pangasinan. Kinuwento ko lahat sa kanya magmula sa pagpunta nya sa bahay namin at ang yung nangyari kanina sa opisina. "Baklaaaaa ang haba ng hair moooo ! Mas mahaba pa sa railway ng LRT." Sigaw ni bakla "Hinayupak naman yang Sky na yan ! Gusto mo bang upakan ko na yun? Magpapakalalaki muna ako para sayo." Sabi ulit ni bakla Nanubig na naman ang mata ko ng maalala ko yung sinabi ni Marco kanina sa akin. "Parang wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanya dahil sa nangyari bakla, pakiramdam ko napakadumi kong babae." "Loka ka ! Hindi mo naman ginusto yun, s*******n ang ginawa sayo ni Sky. Pero hindi naman sa kinakampihan ko si Papa Marco, intindihin mo na lang besh kasi masakit din sa kanya yung naabutan kang kahalikan nung Sky na yun. Sa nakikita ko kasi sa inyo at base na rin sa mga kwento mo, hindi na kayo nagpapanggap. Naging totoo na lahat ng hindi ninyo namamalayan. Di naman siguro maaapektuhan ng ganun si Papa Marco kung pagpapanggap lang yun para sa kanya, at lalong hindi ka naman iiyak ng ganyan kung wala ka ding feelings para sa kanya. Sa ngayon mahirap ipilit sa kanya yung explanation mo kasi galit yun, malamang sarado ang isip nya ngayon. Huhupa din ang galit nun at mapag-uusapan nyo rin yan ng maayos." Mahabang sabi ni bakla. Kahit gusto ko ng takasan ang lahat ng nangyayari ngayon at umuwi nalang sa probinsya para madamayan ko sila sa pinagdadaanan ng pamilya namin hindi ako pwedeng walang dalang kahit na ano lalo pa at malaki ang bayarin ni tatay sa ospital. Di ako makatulog kahit pagod na ako sa kakaiyak. Panay ang abang ko ng tawag o kahit text man lang galing kay Marco. ********* Pumasok ako sa trabaho kahit na mabigat ang loob ko at mugto ang mga mata ko. Kailangan kong magtrabaho para sa panggamot ni tatay, isasantabi ko muna yung issue namin ni Marco kahit mahirap. Pagpasok ko palang ng building halos lahat ng mata ay nakatuon sa akin, may ilang nagtataas ng kilay, may umiismid at karamihan ay nagbubulungan. Alam na siguro nila yung nangyari sa pagitan namin nila Marco at Sky. Habang naglalakad ako papunta ng opisina lalong lumalakas ang bulungan na halata namang sinasadya nilang iparinig sa akin. "My gosh yan na ba yung flirt na tumuhog sa magpinsan?" Sabi nung isa. "Sino ba yang babaeng yan? Ang kapal naman ng mukha nyang landiin yung magpinsan. Such a gold digger." Sabat naman nung isa. "Baka kasi gusto ng instant yaman." Sabay tawa ng nakakainsulto Ilan lamang yun sa mga pangungutya na sumalubong agad sa akin sa trabaho. Papalapit na ako sa opisina ni Marco ng namataan ako ang kumpulan ng mga tao sa labas ng opisina ni Marco na tila nagpipilit pumasok. Hinaharang sila ng mga gwardiya pero ayaw nilang paawat. May mga dala silang camera. Napalingon sa dako ko ang isa sa mga nasa kumpulan at agad tumakbo palapit sa akin. Nagtakbuhan naman ang iba pa at dinumog ako. Nag-gigitgitan sila at pilit akong pinapasagot sa mga tanong nila. Mga reporter ata sila. "Ikaw po ba yung bagong secretary ni Mr. De Luna?" "Ano pong kinalaman mo kay Sir De Luna at Sir Del Castillo?" "Ano pong masasabi mo sa suntukan na ginawa ng magpinsan dahil sayo?" "Papano mo aayusin ang sigalot na dinala ng awayan ng magpinsan sa kani-kanilang kompanya? May mga investors daw na umaatras na dahil ayaw madawit sa mga issue." "Kahit isang sagot lang po." Sunod-sunod ang tanung sakin pero ang nasa isip ko ay si Marco---- malaki ang epekto ng nangyari sa kompanya nya. Pinilit kong makatakas sa mga reporter na nagkakagulo at pumasok sa opisina. Nandun si Marco, hinihilot ang kanyang sentido dahil sa sobrang kunsumisyon. Magulo din ang necktie nya at tanggal ang ilang butones ng suot nya. Nakaramdam ako ng konsensya at awa sa kanya. Ang laki na ng perwisyo na dinala ko sa buhay nya. Di ko kayang makitang nagkakaganyan sya dahil sa akin, di ko kayang madami pa ang gulong papasukin nya kapag nanatili ako sa tabi nya. "Good morning." Simpleng bati ko sa kanya. Wala lang syang imik. Hindi rin nya ako tinitignan. "Bakit nga pala madaming tao sa labas?" Tanong ko. "That is the f*****g result of you and Sky flirting in my company. Everyone knows that you are my girlfriend and everyone thinks that you cheated on me, which is probably true." Medyo inis na sabi nya. "S-sorry." Mahinang sabi ko. "Pinagpipiyestahan ako ng media at pati kompanya ko nadadamay na. Anong magagawa ng sorry mo?" Madiing sabi nya. Napabuntong-hininga ako sa sinabi nya. Tama sya, ano pa bang magagawa ng sorry ko sa gulong dinala ko sa buhay nya. Buo na ang desisyon ko, magreresign na ako. Pwede pa naman akong rumaket dun sa salon ni Wendy. "Sir." Napatingin sya sa akin. "Magreresign na lang po ako. Pasensya na po sa lahat ng g**o na dinala ko." "No. You'll quit? Funny. Tatakasan mo yung g**o and you think it will fix everything? I won't let you run away from this. Aayusin natin to ng magkasama. You are going to marry me." Sumikip ang dibdib ko sa sinabi nya. Magpapakasal kami? Dapat masaya ako dahil ikakasal ako sa lalaking mahal ko ngunit nabalot ng lungkot ang puso ko. Ikakasal ako sa kanya pero pambayad utang ko sa lahat ng g**o na dinulot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD