Chapter 29 to 31

1911 Words
Chapter 29- 31 Marrying an Arrogant Billionaire -CNLove❤ Chapter 29 Magpapakasal daw kami para ayusin ang iskandalo na namagitan sa aming tatlo. Kahit ganun ang ginawa sa akin ni Sky at hindi ko alam ang dahilan nya nakaramdam ako ng awa sa kanya. Naglabas daw ng statement ang side nila Marco para linisin ang image ng kompanya kung saan naungkat ang pagiging womanizer ni Sky at mga g**o na kinasangkutan nya dahil sa pagiging babaero. Nalulungkot ako na umabot sa puntong naisantabi na ang pagiging magkadugo nila para sa iniingatang pangalan ng kompanya. At ang isa sa pinakamasaklap ay papakasalan ako ni Marco para hindi isipin ng mga tao na nilandi ko silang magpinsan para lang sa pera. Ipagpapalit ko ang pangarap kong happily ever after para sa kaunting kahihiyan na natitira pa sa akin. Dinumog ng press ang kompanya nila Sky at nalagay sa matinding kahihiyan ang kanilang pamilya. Kumusta na kaya ngayon si Sky? ******************* Nandito kami ngayon sa opisina ni Marco at sinabi sa akin ang gusto nyang mangyari. "You are going to marry me, and after this mess I will file divorce. As simple as that Trixie Claire Mercado." Napatulala naman ako sa offer ng gwapong mokong na ito. Di ko naman siniksik ang sarili ko sa kanya, napasubo na nga ako sa pagpapanggap pna girlfriend nya tapos ito naman ngayon ? "Hoy Mister mayamang arogante! Ano bang akala mo sa kasal parang kotse na pag kailangan mo madali mo lang makukuha tapos pag ayaw mo na echapwera na agad? Akala ko ba pagseselosin lang natin yung ex mo tapos pag epektib titigil na tayo? Bakit may kasalan pang magaganap?" Pasigaw na sabi ko sa kanya. He grinned. "And you have the guts to talk to me like that? Have you forgotten YOU brought this COMPANY into this mess?" Diretsong sabi nya. Oo nga pala, ako nga pala ang puno't-dulo ng problemang ito. Nakalimot din ako na hindi yung Marco na hinahabol-habol ako at laging nag aalala sa akin ang kaharap ko ngayon. Tila bumalik kami sa simula. Yung aroganteng bilyonaryo na nag-aalok ng oportunidad dahil nangangailangan ako. Walang emosyon ang mababakas sa mukha nya. Hindi ko sya mabasa. Hindi ko alam kung ano ng tumatakbo sa isip nya. "P-parang sobra naman na ata yung magpapakasal tayo M-marco?" Mahinahong pagtutol ko sa kanya. "Just do what I say, I will double the amount. You need money right?" Pagalit na sagot nya. Masakit man sa akin na mag aasawa ako sa ganitong paraan pero kailangan ko ang pera nya, at kailangan nya naman ako para magpanggap para sa kanya, para mabalik sa kanya ang babaeng kinakabaliwan nya, at ngayon kailangan nya ako para linisin ang imahe at ng kompanya nya. Chapter 30 May tinawagan si Marco at nadinig kong sinabi nya magpapa-schedule sya ng Civil Wedding. Mamayang hapon din ay ikakasal na kami. Napakabilis ng proseso. Iba talaga kapag mayaman. Saka ko na lang ipapaliwanag kina nanay ito, nakakahiya namang sumabay pa ako sa problema ng pamilya namin. "Come with me, we're going somewhere." Malamig na sabi nya. Di na ako nangahas itanong kung saan at sumunod nalang sa kanya baka madagdagan lang ang galit nya sa akin. Lulan kami ng kanyang magarang sasakyan at nagtungo sa isang Mall na sa balita ko ay pagmamay-ari din nya. Agad syang dumiretso sa women's apparel at dumampot ng white dress na marahil ay isusuot ko mamaya sa kasal namin. Sya na rin ang pumili ng white shoes na kapares ng dress. Maya-maya pa ay dumako naman sya sa mga alahas. Kumuha sya ng isang silver necklace na may pendant na maliit na puso. Lumapit sya sa akin at isinuot yun na walang kahit na anong salita na namumutawi sa kanya. Di ko magawang umangal sa mga pinili nya dahil aminado akong classy ang choices nya sa mga gamit. Mas magaling pa nga syang pumili kesa sa akin kahit ako ang babae. Kumuha rin sya ng isang pares ng wedding ring para sa amin. ***************** Alas dos na ng hapon. Dumating na kami sa munisipyo para isagawa ang kasal na gusto nya. Simple lang ang ayos ko. Suot ko yung mga pinamili sa akin ni Marco kanina. Ako na lang ang nag-ayos sa sarili ko dahil di pa naman alam ni Wendy ang tungkol sa kasal, nangako pa naman ako sa kanya na sya ang mag aayos sa akin sa araw ng kasal ko. Si Marco naman given na sa kanya ang magsuot ng mga formal outfits, kahit ano naman atang isuot nya bagay na bagay sa kanya. Pagdating namin ay naroon na ang abogadong magkakasal sa amin. "Good afternoon Mr. De Luna, long time no see." Bati sa kanya nung abogado. "Good afternoon Atty. Rivera, it's nice to see you again." Bati ni Marco. "Is she the lucky woman?" Baling sa akin nung Attorney Tumango lang si Marco bilang pagsang-ayon. Nasaktan ako kahit papano. Ganun na ba talaga kalalim ang galit nya sakin? Kaya nya ba ako papakasalan ay para makaganti sya sa akin? Yung malamig na pakikitungo nya sa akin ay sobrang t*****e na. Naramdaman ko na nagsisimulang magtubig ang aking mga mata. Kasal ko ngayon. Kasal na sana masaya at matutunghayan ng mga importamteng tao sa buhay ko pero heto ginagawa ko para sa pera. Nagsimula na ang seremonyas. Blanko lang ang itsura ni Marco wala kahit anong emosyon ang mababakas sa mukha nya. Nag-eexpect ako ng kahit papano makita ko na masaya sya na ikakasal sya sa akin ngunit bigo ang pag-asang yun. Napaka-casual lang nya kahit kasal ang ginagawa namin ngayon. "I pronounce you as husband and wife. You may now kiss the bride." Lumapit si Marco at dinampi lang lang ang labi nya sa labi ko na parang napipilitan o mas tamang sabihin ay nandidiri. "Congratulations Mr. and Mrs. De Luna." Sabi nung attorney na nagkasal sa amin. Pilit lang ang ngiti ko dahil di naman sa ganitong paraan ko gustong ikasal. Masyado pa naman akong paniwalain sa mga fairytale lovestories, na dapat ikakasal ka sa taong mahal mo talaga at gusto mong makasama hanggang sa pagtanda. Pagtapos ng kasal at kung anu-anong mga papel na dapat pirmahan ay umalis na kami. Chapter 31 Nasa sasakyan na kami pero walang imikan. Hindi rin pamilyar sa akin ang daan na aming tinatahak. Gusto ko mang magtanong pero wala naman akong lakas ng loob. Hanggang sa nakarating kami sa isang mansyon. Mala-palasyo ang ganda ng bahay. Ito siguro ang bahay nila. Pinagbuksan kami ng gate at ipinasok ang sasakyan. "Let's go." Aya nya ng hindi man lang ako tinitignan. Sinalubong kami ng isang ginang na sa pakiwari ko ay nasa 50 na ang edad. Agad naman syang bumati kay Marco. "Magandang hapon po Señorito Marco." "Magandang hapon din Manang. Pakisamahan sya sa kwarto." Pagtutukoy nya sa akin. "Halika hija, ihahatid na kita sa kwarto mo." Sumunod nalang ako sa dun sa Ginang papasok ng bahay. Di ko mapigilang mamangha sa lawak at ganda ng buong bahay, puro white and brown ang kulay na makikita pero napaka elegante. Di naman kataka-taka na señorito ang tawag kay Marco dahil karapat-dapat lamang. Para syang hari na may sariling palasyo. "Napakaganda mo naman pala hija. Ako nga pala si Myrna, Manang Myrna na lang ang itawag mo sa akin." "Opo." "Alam mo ba hija, ikaw palang ang kauna-unahang babae na dinala dito ni Señorito Marco." Sabi nya habang paakyat kami sa hagdan patungo sa aking magiging silid. "Ano po?" Gulat na tanong ko. Kung ex nya si Chanelle di man lang nya dinala dito? Dumadami na ang katanungan sa isip ko at pakiramdam ko maraming itinatago si Marco sa akin. "Oo hija, sariling bahay ito ni Señorito Marco. Ipinagawa nya ito para sa magiging pamilya nya." Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni Manang Myrna. Ganon na ba ka-prepared si Marco sa pagkakaron nya ng pamilya? Sabagay 30 years old na sya. "Kay Marco lang po itong bahay? Asan po ang mga magulang nya?" "Sa hacienda nila hija. Doon nakatira ang mga magulang nya. Kami ay ilang taon ng caretaker ng bahay na ito." "Wala po bang kapatid si Marco?" "Meron. Si Señorito Mikael. Pero matagal ng naninirahan yun sa Amerika. Sa pagkakaalam ko ay wala pang asawa yun. Naunahan pa ni Señorito Marco." Natatawang sabi ni Manang Myrna. Nahiya ako sa sinabi ni Manang. Naunahan pa pala nya ang kuya nyang ikasal. Ang sarap sa pakiramdam na nakatira ako sa bahay na inilaan nya sa magiging pamilya nya pero napapawi rin kapag naiisip kong maghihiwalay din kami kapag humupa na ang issue sa kompanya nya. Nakarating na kami sa magiging kwarto ko. "Hija, ito ang magiging kwarto mo magmula ngayon. Dyan naman sa kabila ang kwarto ni Señorito, at sa kabila naman ay yung library nya." Napakalaki ng kwarto para sa isang tao lang. Kahit siguro buong pamilya ko kasya na dito baka sobra pa. "H-hiwalay po kami ng kwarto ni M-marco?" Nahihiyang tanong ko kay Manang. "Oo ata hija, basta ang bilin lang nya sa amin ay dito ang kwarto mo." Kumirot ang puso ko sa sinabi ni Manang. Masyado ata akong nag expect na magkasama kami sa kwarto dahil kasal na kami. Mag asawa na kami. "Hija, may mga gamit ka na din dyan sa cabinet. Tingnan mo na lang. O sya, bababa na ako at magluluto na ng hapunan. Tatawagin nalang kita kapag nakaluto na o di kaya tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka." "Salamat po Manang." Inusisa ko muna ang mga gamit ko daw na nakalagay sa cabinet. Infairness naman, kompleto magmula sa damit, panty at b*a. Si Marco kaya ang bumili ng mga to? Nag init ang mukha ko sa ideya na sya rin ang pumili ng mga pang-ilalim ko. Humiga muna ako sa isang queen size na higaan. Napakalambot. Nakakarelax. Tila lahat ng pagod at alalahanin ko ay pansamantalang napawi. ***************** Nagising ako at pagtingin ko sa orasan ay 6:30 na pala ng gabi. Hindi man lang ako ginising ni Manang. Bumaba ako para hanapin sya dahil gutom na ako. "O hija, gising ka na pala. Gigisingin sana kita kaso naisip ko na baka sobra ang pagod mo. Gutom ka na ba? Ipaghahain na kita." "Sige po salamat po Manang. Si Marco po kumain na?" "Hindi pa hija, kanina pa yun nakakulong sa library nya." Ano naman kaya ang ginagawa nun? Galit talaga sya sa akin. Habang busy si Manang sa paghanda ng makakain ay nakakita ako ng hinog na mangga. Para akong natakam at kumuha ng kutsilyo para hiwain yun. "Manang, may ketchup po kayo?" "Meron. Ito oh." Abot sa kin ni Manang. "Ano palang isasawsaw mo hija?" "Itong manggang hinog po." Tumingin lang sa akin si Manang na parang may mali sa ginagawa ko. Masarap naman ang mangga sa ketchup ah? Para namang ngayon lang siya nakakita ng kumakain ka ng mangga. Habang nilalantakan ko ang hinog na mangga na isinawsaw sa ketchup ay di ko namalayang nandito na pala si Marco. Wala pa rin naman syang imik. Nakakatitig lang din sya sa ginagawa ko na parang may ginawa akong krimen. "Marco, andito ka pala. Gusto mo?" Alok ko sa kanya. "What are you eating?" Nakakunot ang noo nyang pagtatanong. "Mangga? Ngayon ka lang ba nakakita ng mangga?" "I know that it's a mango. Pero bakit ketchup ang sawsawan mo. It's disgusting." Parang diring-diri sya sa nakikita nya. "Masarap kaya. Try mo." Tapos na maghain si manang at pansin ko ang madalas na pagngiti nya habang nakatingin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD