Chapter 39-41

1722 Words
Chapter 39-41 Marrying an Arrogant Billionaire -CNLove❤ Chapter 39 TRIXIE POV Nagising ako na nasa ospital na ako. Ang tanda ko nasa park ako at nagdadrama pero sino ang nagdala sa akin dito? Nasa tabi ko ngayon si Marco, nakabantay sa akin at alalang-alala. Nagtubig muli ang aking mata nung makita ko sya dahil naalala ko na naman yung nakita ko sa opisina nya. "Why babe? May masakit ba?" Alalang tanong nya. Hindi ako umimik at nag-iwas ng tingin sa kanya. Gusto kong sabihin na masakit ang puso ko pero hindi ko alam kong papano. "The doctor said you ang our babies are safe. Thank God!" Dugtong ulit nya. Napahawak ako sa aking tiyan at nag-alala para sa mga anak ko. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko at nakalimot akong pwede silang mapahamak sa dahil sa akin. "Sorry mga anak ko, promise mag-iingat ako para maging safe kayo." Nasabi ko sa isip ko. Nakatingin lang sa akin si Marco at bakas pa rin ang pag-aalala. Maya maya pa ay nagsimula na syang umiyak. Kahit medyo mabigat pa ang pakiramdam ko at masama ang loob ko sa nakita ko ay biglang naglaho lahat nang makita kong tumutulo ang mga luha nya. "I didn't mean to hurt you babe. Promise. What you saw in my office is just a misunderstanding." Hindi pa rin ako umiimik ngunit may parte sa akin na gustong malaman kung ano ang side nya. "Chanelle came to my office and she was really drunk. She told me about her broken engagement and her fiance cheating on her. What she did is just being under the influence of alcohol. I didn't mean to hurt you or cheat on you babe." Bagama't masakit sa akin ang nasaksihan ko kanina, nakaramdam pa rin ako ng awa kay Chanelle. Hindi rin madali ang pinagdadaanan nya ngayon. Pinahid ko ang luha sa mga mata ni Marco. "Sssshh. Tama na, wag ka ng umiyak. Naiintindihan ko." Pag-aalo sa kanya. Pumasok ang doctor para icheck kung gising na ako at sinabing kailangan kong magpahinga at mag ingat para sa safety ng babies ko. Pinayagan na ako umuwi ng doctor at sa bahay na lang ipagpatuloy ang pagpapahinga ko. ******************** Pagkadating namin sa bahay ay dumiretso muna ako sa kwarto para ipagpatuloy ang pagpapahinga. Bumaba si Marco at paglipas ng halos isang oras ay bumalik na may dalang mga pagkain. "Babe, kain ka na." Aya nya sa akin. "Ikaw kumain na?" "Don't worry about me, I'm fine. I just want to be sure you're okay. Eat this and take your vitamins." "Sabay na tayo Marco. Nakakailang naman na pinapanood mo lang ako kumain." "Okay. If that's what you want." Nagsalo kami sa pagkain na dala nya paakyat dito sa kwarto ko------kwarto na namin dahil dito na sya natutulog. "Babe." Tawag nya sa akin habang kumakain kami. "Hmmm?" "Promise I won't do anything to hurt you and harm our babies. Trust me babe." "Promise ko din babe, kahit ano pa mangyari mananatali akong naniniwala sayo." "I love you more than I love myself." "I love you even more, Marco." Chapter 40 SKY POV Nagpunta si Chanelle dito sa condo ko. Lasing na lasing. I wonder kung ilang araw na syang ganito. Sabi ni Marco dahil daw sa broken engagement but I am not buying that reason. Alam ko namang si Marco na kinakabaliwan nya for 18 years ang totoong dahilan, and that engagement? Negosyo lang din yun.. Her father wants her to marry someone they can collaborate with to make their business approach a broader scope. "What brings you here Chanelle?" "I just want to celebrate Skyyyyyy.. Finally I am totally out of the arranged engagement made by my father. I am so happyyyyy." "Sobra namang happiness yang ilang araw ka ng naglalasing. Is that really about you being happy or about Marco again?" Nagsimula na syang umiyak hanggang sa tuluyan ng magpalahaw. I can't afford seeing her like this. Ever since aware naman syang si Trixie talaga ang gusto ni Marco kahit nung mga bata pa lang kami, it's been 18 years and she'a still not able to move on. Ilang broken engagement na ba ang dumaan sa kanya? Pero hindi pa rin nakakalimot. "Stop it Chanelle, you are making yourself miserable." "Miserable? Dati na akong miserable Sky... I am being desperate to win Marco's heart for damn 18 years. Why can't he choose me? Bakit yung Trixie na yun na wala namang maalala ang gusto nya? Andito naman ako ah? Nung mga panahong hirap sya at may pinagdadaanan asan yung Trixie na yun? Ako yung nasa tabi nya. Ako yung nagmamahal sa kanya kahit busy syang nagmamahal ng iba." She is really hurt. Ano ba namang magagawa ko? Mahal talaga ni Trixie and Marco ang isa't-isa. "Bakit ka kasi pumayag magkunwaring ex-girlfriend ni Marco at magpanggap si Trixie para magkaayos daw kayo? " "It's because I am hoping that one day he may realize that he loves me.. na ako talaga ang mahal nya." "Alam mo naman kung ano ang totoo di ba?" "Yeah I know. Pero hindi ako papayag na matatalo lang ako sa ganitong paraan. Di ako papayag na maagaw ng tuluyan ni Trixie si Marco sa akin. No ! That can't be. Marco is mine." Kinakabahan ako sa inaasta nya ngayon. Baka may gawin na naman syang hindi maganda. "Then what is your plan Chanelle? Could you please stop already? Maawa ka naman sa sarili mo." I am starting to get frustrated. "No Sky. I am going to take back what is really mine. Di pa kami tapos nung Trixie na yun." Di ko na pinatulan pa yung mga sinasabi nya dahil baka epekto lang ng broken heart at alak. Nakatulog na sya sa sala at hinayaan ko nalang. Magkukusa rin syang umuwi pag natauhan na sya. Akala nya sya lang ang nahihirapan. She doesn't have an idea that I am her die-hard lover for 18 years and watching her going insane for Marco is like a hell to me. Chapter 41 TRIXIE POV Naging okay naman kami ulit ni Marco. Going 4 months na rin ang tiyan ko. Nai-excite ako dahil halata na ng konti ang baby bumps ko. Ganun pa rin si Marco sobrang higpit dahil medyo maselan ang pagbubuntis ko. Maaga na rin syang umuuwi galing sa trabaho para makasabay akong kumain. Alam na rin ni Wendy at ng pamilya ko ang tungkol sa pagbubuntis ko. Nung una nagalit sila at medyo shocked na kalaunan ay natanggap na din nila. Mas excited pa sila sa paglabas ng triplets kesa sa akin. Maagang pumasok si Marco para daw maaga syang makauwi mamaya. Miss ko na agad sya. Kung pwede nga lang, dito nalang sya lagi sa tabi ko. As usual, kami nalang ulit ni Manang ang taong bahay. Para hindi naman ako mainip ay nag-ayos ako ng mga display sa sala. "Hija, may bisita ka." Sigaw ni Manang. Sino naman kaya ang bibisita sa akin? Wala naman akong inaasahang darating ngayon. "Manang papasukin nyo na lang po dito sa sala." Sigaw ko din dahil busy akong mag-ayos ng kung anu-ano. "Looking very happy huh?" Napalingon ako kung sino ang nagsalita at laking gulat ko ng si Chanelle ang nagsalita. "Anong kailangan mo Chanelle, wala dito si Marco nasa opisina nya ngayon." Sinisikap kong magkaroon pa rin ng manners kahit na medyo galit pa din ako sa ginawa nya. "Nope. Hindi naman si Marco ang ipinunta ko dito kundi ikaw." Mataray na sabi nya. Ibang-iba sya sa Chanelle na nakilala ko nun sa Gala. Maganda at demure. Tila malalim ang kinikimkim nyang galit sa akin base sa reaksyon ng kanyang mukha. "Bakit? May kailangan ka ba sa akin? Upo ka muna, ikukuha kita ng makakain." Mahinahong tanong ko. "I didn't came here for that. I just want you to know na matagal ko ng mahal si Marco. Simula palang nung mga bata pa kami matagal na akong may pagtingin sa kanya. And you know what's worst? He is deeply and utterly in love with someone who don't remember who he was." "Hindi kita naiintindihan Chanelle. Ano bang ibig mong sabihin?" "Wag ka na ngang magmaang-maangan Trixie, wala ka ba talagang maalala o nagtatanga-tangahan ka lang para habulin ka ni Marco? Well, obviously your plan succeed dahil parang ulol na aso si Marco na habol ng habol sayo." "Wala akong alam sa sinasabi mo Chanelle. Hindi ko naman sinasadya na masaktan ka dahil sa akin." "You're funny Trixie. Di ata effective yung ginawa kong paghingi ng favor kay Sky para sirain kayo ni Marco." "Kagagawan mo yun?" "Yes, because I want you out of Marco's life. Hindi ka naman belong sa mga kagaya namin. Anak ka lang naman ng isang katulong na sumipsip sa mga De Luna." Masakit yung mga binibitawan nyang mga salita ngunit mas hirap kong alalahanin yung mga bagay na sinasabi nya "Bakit ba parang ang laki ng galit mo sa akin Chanelle? Wala akong alam sa mga sinasabi mo. Let's stop this talk, wala itong patutunguhan. Mabuti pa umuwi ka na." Ayaw ko makipagtalo sa kanya dahil mukhang lunod na lunod sya sa galit. Tumalikod na ako at akmang aakyat na sa kwarto ng biglang hinablot nya ako at sinampal ng napakalakas, sapat na para bumagsak ako sa sahig. "I hate you Trixie. I really hate you. Hindi mo maalala? Pwes ako mismo ang magpapaalala sayo." May kinuha syang lubid sa bag nya at sinimulan akong itali. Di ako makapanlaban dahil nagsisimula ng sumakit ang aking tiyan. Di pa sya nakuntento at binusalan ang aking bibig. "You can't remember this Trixie?" At isa pang malakas na sampal ang inabot ko sa kanya. Sinaktan nya ako ng sinaktan pero wala akong magawa. Isa pang sampal ang dumapo sa aking mukha ng biglang may maalala akong mga pangyayari na parang matagal ng nabaon sa limot. Batang babae na may kasamang batang lalaki sa isang abandonadong lugar nakatali ang mga kamay at paa. Di ko mawari ang itsura ng batang lalaki na pilit nagpapakatatag at pinapatahan sa pag iyak ang batang babae. Isang lalaki naman na tila nasisiraan ng baliw ang humahagalpak ng tawa at tuwang-tuwa sa nakikita nya. Napakalabo ng mga alala na kahit itsura ay di ko makilala. Hindi pa rin nakukuntento si Chanelle sa p*******t sa akin at patuloy parin sa paghampas sa akin. Nararamdaman kong parang pinipiga na aking tiyan sa sakit. "Mga anak ko, magpakatatag kayo." Naibulong ko sa isip ko pagkat hindi ko mahawakan ang tiyan ko dahil nakagapos ako. Natanaw ko si Manang na sobra ang taranta sa nakikita at pinipigilan si Chanelle sa ginagawa nya. Malakas na naitulak ni Chanelle si Manang. Gusto kong lumaban ngunit para akong tinakasan ng lakas at ramdam ko na din ang pagtakas ng aking ulirat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD