Tanghaling tapat. Mainit. Ma-alinsangan. Pawisan pero eto kami ni Rozen abala sa pagse-serve sa mga customer na nakapila sa harap.
Hindi ko alam ba't naisipan niya akong tulungan sa kabila ng pagtataboy ko sa kanya. Naiinis lang ako dahil panay asar siya sa akin.
Pero ngayon, nakakapanibago ang pagiging seryoso niya. Nasanay kasi akong pilyo. May baon palaging banat o 'di kaya asar.
"Uy si ate nakatitig kay Kuya Pogi." Asar ng nasa harap kaya napatingin sa akin si Rozen. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at nagpatuloy sa pagkiskis ng isda. "Iwas siya, oh."
Yumuko ako nang silipin ni Rozen ang mukha ko, kalakip ang nakakalokong ngisi. Mang-aasar na naman siya pag nakita niyang namumula ang mukha ko.
"Tingin nga ng titig mo, binibini," pang-aasar niya. "Baka matunaw ako niyan, ah. Pwede ka namang magsabi nang makapagpose ako ng maayos."
Bahagya akong umangat ng tingin at pinanliitan siya ng mata. "Kung magtrabaho ka na lang kaya? Ang dami pang mambibiling naghihintay, oh. Ikaw may gusto nito kaya panindigan mo."
"Pero mas gusto kita," sabi niya bigla dahilan para matigilan ako at nahiya nang magkantyawan ang mga nakarinig. "Kaya rin kitang panindigan, Thisa."
Wala sa sariling naihampas ko sa likod niya ang bangus na katatapos ko lang linisan. "Magtigil ka nga. Baka sabihin nilang ang harot-harot mo." Saway ko pero nginisihan lang ako.
"Sige lang. Kung ikaw ba naman ang haharutin ko, kahit pa minuto-minuto 'yan pero syempre, baka maumay ka. Dapat nakareserve para sa ibang oras."
Nagtawanan at muling nagkantyawan ang mga tao, pati mga kalapit na pwesto, nakisabay na rin lalo na si Aling Luceil.
"Kung hindi lang talaga namin alam na pinopormahan nitong si Rozen ang prinsesa namin dito sa palengke, magpapakamalang mag-asawa kayo. Ang sweet niyo, eh." Sabat ni Aling Claudia at mahinang tumawa.
Napangiwi na lang ako. "Hindi niya po ako pinopormahan. Wala lang siyang magawa kaya nangungulit. Feelin close nga po, eh. Hindi ko naman 'yan kilala."
"Nagpakilala na kaya ako. Should I introduce myself again?" Humarap siya sa akin habang nakataas ang kaliwang kilay. "Gusto mo italambuhay ko pa sa'yo sarili ko. Hindi nga lang pwede rito."
Pinagtaasan ko rin siya ng kilay. "I'm not interested." Seryosong sagot ko at nakitang natigilan siya pero ngumisi kalaunan.
"Really? 'Cause for me, it's getting interesting." At naghiyawan ang lahat nang kindatan niya ako. "Trabaho lang ako? Para sa future natin. Baka kasi sabihin mo puro ako banat." Sabay tawa niya ng mahina.
"Support kami sa'yo, Rozen! Huwag mong tigilan hangga't hindi bumigay!" At talagang nakikisali pa ang mga matatanda.
"Hindi talaga ako titigil," narinig kong sabi niya habang kinukuhanan ng hasang ang isda, kinikiskisan, binabanlawan at inilalagay sa supot, sabay bigay sa mga customer. "Maalala mo man o hindi."
Kumunot ang noo ko sa huli niyang sinabi. "Binubulong mo dyan?"
Nakangiti siyang humarap sa akin. "Wala. Sabi ko ang ganda mo. Baka pwedeng papunas ng pawis ko."
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Ha! Swerte mo naman. Ano ka asawa ko?"
Ngumisi siya. "Yes, asawa ko."
"Yieee!"
Inirapan ko siya pero tinawanan lang ako. "Ang kapal talaga." Napapailing na sabi ko at nagpatuloy sa ginagawa.
Pasado alas kwatro ng hapon, doon pa lang kami nakapagpahinga. Akala ko last na 'yong kay Aling Precy pero mas nadagdagan. Ubos na lahat ng isda ko kaka-entertain ni Rozen sa mga mambibili. Hind ko alam kung paano o ano ang dahilan pero first time ko 'yon naranasan sa pagtitinda rito.
Ngayon, tulala akong nakatingin lamesang wala nang isda. Ang aga para maubos. May mga bumabalik pa at hindi na naabutan kaya itinuturo ni Rozen ang kabilang pwesto sabay sales talk.
Pakiramdam ko sanay na sanay siya sa pakikipag-usap, nakukuha agad niya ang loob ng mga tao. Saludo ako sa kanya pero naiinis pa rin sa panay asar niya sa akin. Hindi mawala ang pahabol niyang banat.
Napabuntong hininga na lamang ako at napatingin sa dumating na may dalang supot na tingin ko may lamang pastil na nakabalot sa dahon ng saging at saka tubig.
Nakipagtitigan ako sa kanya ng ilang segundo at napakagat labi nang biglang kumalam ang sikmura ko.
Ngumiti siya at tumabi sa akin saka nilapag ang supot sa lamesa na kaharap namin. "I know you're hungry, binibini. Let's eat. Sorry ito lang. Ito lang kasi ang available."
Hindi ako umimik agad. Nakasunod lang ako ng tingin sa kanya at nang mapatingin sa akin saka pa lang ako umiwas.
"Why staring at me? Ganun ba ako ka-gwapo sa paningin mo? You can kiss me naman. Kiss din bayad."
Humalakhak siya ng panlisikan ko siya ng mata.
"Alam mo—" hindi ko natapos ang sasabihin at bahagyang nanlaki ang mga mata nang subuan niya ako.
"May gloves kaya wag kang mag-alala," sabat niya at sumubo rin ng para sa kanya. "Malinis akong lalaki."
Nilunok ko muna ang kinakain bago nagsalita. "Sinabi ko bang marumi ka? Mukha ka ngang mayaman. Bakit ka ba nandito?"
"I have a mission here," aniya saka tumingin sa akin. "Guess what?"
"Malay ko sa'yo." Nag-iwas ako ng tingin at nagsuot ng glove pero hindi ko pa man 'yon nasusuot nang subuan niya ulit ako.
"Ako na. Huwag ka nang masguot ng gloves. Ibe-baby na lang kita. Alam kong pagod ka."
"Pero mas napagod ka," wala sa sariling sabi ko dahilan upang mapangiti siya.
"Worried? Gusto mo mawala pagod ko?"
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang ilapit ang mukha sa akin. Sa pagkabigla, naubo ako at muntik nang maibuga sa kanya ang nginunguya.
Mabilis niyang hinagod ang likod ko at inabot sa akin ang mineral water saka ko dali-daling ininom.
"Kiss lang naman ang nais ko para mawala ang pagod," rinig kong sinabi niya. "Damot."
Inismiran ko siya at marahang tinapik ang dibdib. "Alam mo Rozen—"
Kailan ba niya ako patatapusin magsalita?! Panay siya subo sa akin, bwisit!
"Kumain ka. Magpalakas ka. May gagawin pa tayo mamaya."
This time naibuga ko na ang nginunguya ko. Buti naka-ilag siya. "Rozen!" singhal ko sa kanya. "Magdahan-dahan ka naman sa pananalita mo. Baka may makarinig sayo tapos sabihing ano..."
"Ano?" Panghahamon niya. "Ano, Thisa?"
Marahang kong tinampal ang mukha niya. "Magtigil ka nga." Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko lalo na no'ng halikan niya ang palad ko kaya mabilis kong binawi. "Ang landi-landi mong lalaki ka."
But na lang naghugas ako kanina kundi maamoy niya ang kamay ko. Kainis! Bakit ba parang tinatablan na ako ng mga sinasabi at kinikilos niya. Kakakilala ko lang sa kanya.
Pero nang i-angat niya ulit ang kamay para subuan ako. Napansin ko ang sugat niya roon.
"M-May sugat ka?"
Siya naman ngayon ang natigilan nang hawakan ko ang pulsuhan niya.
"A-Ah, h-hindi naman ganun ka—"
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"
Nag-iwas siya ng tingin at napakamot ng batok, namumula ang tenga. "W-Wala lang naman 'yan."
"Gamutin natin?" tanong ko.
Nagkatitigan kami.
"Ng halik?"