Kinabukasan, maaga pa lang ay sinundo na kami ni Tres gamit ang itim niyang sasakyan. Tahimik lang ako sa likod habang si Linux ay panay ang kwento, parang siya pa ang mas excited sa amin dahil panigurado maraming makikitang lalaki doon sa event. “Kung ako ‘yon, Thisa, naku! Sobrang saya ko. Imagine, makikita mo ulit si Rozen in a grand event pa! At ikaw ang magiging date ni Tres!” natatawang wika ni Linux. Hindi ko siya pinansin. Sa totoo lang, ang bigat pa rin sa dibdib ko ang mga nangyari, pero tama si Tres, kailangan kong lumaban kundi mawawala sa akin si Rozen. Pagdating namin sa isang malaking shopping mall, agad akong inalalayan ni Tres pababa. “Let’s get you ready. Hindi puwedeng basta damit lang ang suotin mo. You have to look stunning. You’ll be the one to stand out in the b

