1.
Darkness is the life I'm living in. Hindi normal ang pamilya ko katulad ng normal na bata sa edad ko.
Hindi ako normal na bata na na-eenjoy ang buhay. People were scared to be friends with me dahil talamak ang balita na masasamang tao ang pamilya ko.
Hindi ako nagkaroon ng kaibigan. My room is my comfort zone and my laptop and cellphone are my friends. I'm living alone in darkness. Nakukuha ko ang gusto ko at hindi ako naapi ng kahit sino. Pero, hindi rin ako masaya...
I want to do so many things. Like to be friends with normal people my age without scaring them. I want to go to the mall alone and enjoy without watching my back. Sa dami ng kaaway ng pamilya ko, takot sila na madamay ako sa gulo.
Palagi akong mag- isa sa mansyon. Malayo kami sa syudad. Malayo kami sa mundo na gusto kong maranasan. We live somewhere far from the society.
Mayroon akong dalawang kapatid. Si kuya Geofrey at kuya Gilas. Ako ang bunso at nag iisang babae sa magkakapatid. Sometimes being the youngest and the only girl sucks for me.
I envy my brothers because they are free to do the things they want to do. Bata palang sila, sinanay na sila ng mga magulang ko to adapt the world we are in.
Masyado silang overprotective sa akin. Like I was a fragile vase that can be broken kapag hinayaan.
"You have class today?" tanong sa akin ni kuya Gilas ng pumasok siya sa kwarto ko. Kinusot ko ang mga mata at marahan nag inat.
"Oo, pero mamaya pa naman." Sagot ko. Tumayo ako at pinusod ang buhok ko. Sa kapatid ko, si kuya Gilas ang palaging nag che-check sa akin. Mas malambing at maalahanin siya kaysa kay kuya Geofrey na palaging galit.
"Okay then. Kumain ka muna. May lakad pala ako ngaun. You'll be alone here, but the security are tight so you are safe." Salita ni kuya Gilas sa akin. Tumango ako at ngumuso sa kanya.
"Ayos ka lang ba dito?" Tanong niya ulit. Alam niya kasi ang reklamo ko sa buhay ko. Sa pamilya ko kasi, si kuya Gilas lang ang napagsasabihan ko. He's trying his best to make me feel that everything is normal kahit hindi naman talaga normal.
Kahit ganitong mundo na ang kinagisnan ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako masanay sanay.
"I need to be okay. Wala naman akong choice 'di ba?" Sagot ko. Umigting ang panga niya at napabuntong hininga.
"I'm sorry Gold, I wish I can take you out of this. Pero alam mo na ito na talaga ang pamilya natin. Better embrace it." Salita niya at saka niya ginulo ang buhok ko.
"Uuwi din pala sila Mommy at Daddy." Pahabol niya.
"Talaga? Kailan?" Tanong ko na medyo na-eexcite. Bilang na bilang ko kasi sa daliri ang mga araw na nakasama ko ang mga magulang. Lumaki ako sa mga yaya at sa dalawang kuya ko.
"Bukas 'di ba ang birthday mo?" Sagot niyang nakakunot ang noo. Ay! Oo nga pala! Napasapo ako ng noo. Labing limang taon na ako bukas. Pero sa kabilang banda, takot ang naramdaman ko. Takot ako sa mundo kung nasaan man ako ngaun.
Tumatanda lang ako pero walang nagbabago sa buhay ko. I'm still inside this mansion at ayoko mabuhay sa paraan na ganoon.
Gusto kong maging malaya. Gusto kong maranasan ang normal na buhay katulad ng ibang bata na nasa edad ko.
But then, I think my kuya was right. Hindi naman siguro sila magiging oveprotective sa akin kung hindi ganito ang situation namin. I perfectly understand that our family have a lots of enemies. Minsan ko na ngang tinanong si kuya Gilas kung ilan ang kaaway ng pamilya namin. The only thing he did is to look up the sky and watch all the stars up there and look back to me. Bumuntong hininga ako dahil nakuha ko na ang nais niyang ipahiwatig sa akin.
Halos tumayo ang balihibo ko ng dumaan ako sa hallway ng mansion. Wala kang maririnig na kahit anong ingay. The only people here is me and some housemaid. Isama mo na din ang mga security na nakapalibot sa labas.
Wala na si kuya Gilas. Wala din si kuya Geofrey na hindi ko din alam kung nasaan. Bumaba ako sa mahabang antigong hagdanan habang nakatanaw sa napakalaki at napakagandang chandelier na nakasabit sa gitna ng masyon.
Nang makababa na ako ay lumingon ako pakaliwa at kanan. Hindi ako makapagdesisyon kung saan parte ako pupunta. Bumuntong hininga ako and remember my safe place here. Sabi nga nila, sa bawat lugar ay mayroon blind spot at doon iyon.
Hindi ko din iyon masyadong napuntahan dahil nandito din si kuya Gilas kaya halos ilan araw ko iyon hindi nadalaw.
Tahimik akong naglakad sa hallway pababa sa hagdan kung saan may underground.
"Uh!" Salita ko dahil sa gulat. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gagamba na bigla nalang nalaglag kung saan at halos bumagsak sa mukha ko. Nang makabawi na ako ay marahan kong pinihit ang pinto. Isang madilim at maikling tunnel ang dadaanan mo kaya ginawa kong flashlight at cellphone ko.
The tunnel is so dark at palaging tumatayo ang balahibo ko basta dumadaan ako dito kahit palagi ko naman itong ginagawa.
Nang matanaw ko ang pinto sa dulo ay bumuntong hininga ako. Marahan kong pinihit ang doorknob at tumamabad sa akin at liwanag ng araw kaya mariin kong pinikit ang mga mata ko.
Nang makabawi o masanay ang mga mata ko sa liwanag ay unti unti ko nang minulat ang mga mata. Ngumiti ako ng tumambad sa akin ang gubat. Marahan kong sinara ang pinto at nasimulang maglakad.
Madaming malalaking puno dito at medyo maingay ang lugar marahil na din siguro sa huni ng ibon at tunog ng iba't ibang insekto.
Umupo ako sa paborito kong puno at iniangat ang mukha sa ganda ng langit. I've always dream to have friends or to go in normal world pero pakiramdam ko ay wala na akong pag asa. Bumuntong hininga ulit ako.
"Ang lalim naman niyan," boses mula sa likuran. Halos mapalundag ako sa gulat. Hindi ko nga alam kung titili ako o tatakbo o ano. Nakaramdam din ako ng takot pero hindi ko pinahalata.
"Tss, what took you so long?" Sabi ulit ng boses. Nagulat pa ako ng tumabi siya sa akin. I was too stunned to speak. I only look at him and breathed heavily again. He looked so harmless. Isang lalaking bata na halos ka-edad ko. Bagsak ang buhok at may matangos na ilong. His skin is fair at medyo payat ang pangangatawan. The only thing that made me feel better is he looks nerd. Nakasuot siya ng salamin na itim at makapal ang lense.
Natauhan ako ng umiling sila at tumikhim. Even though he looks nerd, there's this aura coming from him screaming of power and authority. Wala naman special sa kanya pero may dating siya na maiintimidate ka.
Hindi ako makapagsalita. Napansin niya siguro iyon kaya marahan siyang ngumisi ay lumakad palapit sa puno malapit kung saan ako naupo.
He, then, sat beside me. Hindi pa din ako nagsasalita. Nakatitig lang ako sa kanya at ganoon rin siya sa akin.
"Bakit ang tagal mo nawala?" He suddenly said. Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya. How did he know me? Bakit niya alam na nandito ako palagi at wala ako nitong mga nakaraan. Well... isa pang dahilan ay hindi ako marunong makihalubilo sa ibang tao. This is the first time na magkaroon ako ng ibang kasama aside sa mga tao sa bahay at pamilya ko.
"You can't talk?" Tanong niya ulit. Tinagilid pa niya ang ulo niya habang titig na titig sa akin. I don't know how to react. I can't even open my mouth.
"Okay... okay... I get it," mukhang nadismaya siya at tumingin sa akin with his eyes full of pity. "You are not capable to talk. Sayang ka." He said again.
Hindi ako nainsulto sa sinabi niya. I'm more on curious on how he knows this place and me.
I cleared my throat and tried to open my mouth. "How did you know me?" Tanong ko sa kanya. Literal na bumaba ang salamin niya sa may ilong niya sa gulat. I want to smile pero pinigilan ko.
"Wow..." the only thing he said. Mukhang gulantang pa siya sa gulat ng magsalita ako.
"You can talk!" Manghang mangha siya. Umirap ako sa kanya. Nagsimula akong pagpagan ang damit at iayos ang sarili.
"Miss Gold!!!" Sigaw ng mga security na halatang nagkakagulo. Bigla akong nataranta dahil hinahanap nila ako.
Tumayo ako at nagmamadaling tumakbo na hindi pinansin ang batang lalaki.
"Wait…" he shouted but I still ignore him. "I'm Chase!" Sigaw niya ulit hanggang tuluyan na akong makapasok sa tunnel pabaliksa loob ng mansyon.