Inip na inip ako nang maghahapon na. Hindi naman ako makaalis para bumalik sa gubat dahil inaalala ko na baka dumating ang mga magulang.
I don't know if I'm dreaming earlier about Chase pero hindi siya mawala sa isip ko. He knows me at isa iyon sa mga dahilan kung bakit nakuha niya ang atensyon ko.
Like the usual, nasa kwarto lang ako at naglalaptop. I finished my short online class today so I've decided to binge a movie. Hindi ko na nga mabilang kung ilan movie ang napanood ko sa Netflix at kung ilan ulit ko na napanood ng paulit ulit ang ilan.
Halos makatulog na ako sa panonood ng biglang may kumatok sa pinto ko. "Gold, anak… nandito na ang mommy at daddy mo." Sigaw ni nanay Viring.
She's old at nasa amin na siya bata lang daw si kuya Gilas up to now. You can call her mayordoma like you heard or read from other books or fantasy movies.
Hindi ko nga alam kung totoo ba ang mundo ko or I'm living in fantasy world. Ganitong ganito kase ang buhay ng mga nababasa ko sa libro.
Tamad na tamad akong kumilos papuntang pinto. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang ngiti ni nanay Viring. She always smiles, kaya siguro hindi halata sa edad niya na matanda na siya.
"Yes po, nanay. Mag-aayos lang po ako ng sarili." Sagot ko. Nananitili siyang nakangiti sa akin. "Oh, siya… bilisan mo. Alam mo naman mainipin ang daddy mo." Sagot niya. Tumango lang ako sa kanya ang ngumiti ng tipid.
Daddy has a low patience unlike mommy. He's more on control freak. As in! Kailangan lahat ng gusto niya ay masusunod. He wont take no for an answer. Kaya siguro nagkasundo sila ni mommy. Si mommy kase ung tipong submissive. Oo lang siya ng oo kay daddy and support daddy in everything he wants.
Kahit nga minsan pakiramdam ko ay hindi na tama o sobra na si daddy ay palagi lang ayos kay mommy.
I wore a simple dress. Ayaw kase nila na madusing o nakapambahay ka lang kapag kasama mo sila. Although I'm literally at home, hindi yun pwede sa kanila.
Mabilis ang kilos kong bumaba sa sala. Wala naman tao rito marahil ay nasa library sila which is their favorite part of the masion.
Tumungo ako sa library at tama nga ako. Bumungad sa akin si mommy na mabilis na tumayo para yakapin ako. Si daddy naman ay nakatingin sa akin ng seryoso kaya naman lumapit ako sa kanya para humalik sa pisngi.
"Welcome home po," sagot ko. I don't know if this normal or I sounded too formal? Sa itsura nila at sa dalang ko sila makasama ay hindi ko na din alam kung paano sila pakikisamahan. Parang ibang tao sila o bisita sa pakiramdam.
"You are too formal, Mary Gold." Si daddy ang sumagot. Ang malalim niyang boses ay dahilan para mapalunok ako. He is always serious and intimidating.
I felt awkward. Ngumiti si mommy at hinagod ang buhok ko ng maramdaman niya siguro ang tensyon na nararamdaman ko.
"How are you? How's school? Ano plan mo tomorrow?" Sunod sunod na tanong ni mommy kaya hindi ko alam ang unang sasagutin ko.
I'm okay. Just okay. My school is fine. Just fine. Plan? I want to mock my mommy pero tinikom ko ang bibig ko. What plan was she asking? Hindi naman ako nakakalabas ng bahay. Walang exciting part sa buhay ko.
"Wala po. I'm okay. School is fine. I don't have plans po." Sagot ko. Hindi ko alam kung bakit ang pagkasabik ko na makasama sila ay napalitan ng panlalamig. Para akong robot na naka-program sa mga isasagot ko sa kanya.
"Oh, good to here you're okay..." sagot ni daddy habang nakatitig sa akin. I smiled bitterly. I don't have a choice. Kailangan kong maging okay kahit hindi naman talaga. Gusto kong lumabas sa mundo na 'to. Gustong gusto ko maranasan ang buhay na hindi sa loob ng masion na ito. Is it too much?
"Look! That's our present for your 15th." Mommy said happily. Napatingin ako sa mga paper bags kung saan nakatingin si mommy. She looked so excited pero ako? Hindi ko alam ang mararamdaman ko.
There's a lot of paper bags from exclusive and expensive botiques. From dresses, gadgets and even jewelries. Palagi nalang ganito. Minsan naiisip ko na wala naman akong pag gagamitan niyan dahil hindi naman ako nakakalabas dito.
I timidly smiled at them. "Thank you po." Sagot ko. Marahan akong lumapit at nagpanggap na excited sa mga dala nila.
They bought me new gadgets starting from laptop to every single piece. Even the latest phones and airpods. Sa dami kong gadgets ay hindi ko na nga nagagamit pa ang iba.
"Hindi ka masaya..." biglang sabi ni daddy kaya natigil ako sa pagbubukas ng mga paper bag. Napatingin ako kay mommy na bigla nalang nawala ang ngiti sa labi. She looked sad now. Bumuntong hininga ako. Ayoko naman na malungkot ang mommy ko. I know they giving this to me to make me happy but this is not enough to make me happy... I want to be free...
"There's no reason not to be happy daddy. I'm happy. Thank you po sa presents." Sagot ko. Kahit na alam kong nagdududa si daddy ay iniwas ko na ang tingin ko sa kanya. I don't want him to see that I lied.
We catched up a little bit after namin mag-dinner. Hindi din masyado nagtagal because they need to rest at madami din tumatawag kay daddy.
Bumalik ako sa room ko para sana manood at ituloy ang movie pero bigla akong nagulat. May kumakalabog sa bintana ng kwarto ko kaya hindi ko alam kung lalapitan ko ito o ano. Sa huli, lumapit ako sa bintana ng nagpatuloy ang kaluskos nito.
I smiled when I saw a bird. Hindi ko alam kung anong species ng ibon ito pero natuwa ako.
I looked at the wall clock hanging on my bed at halos alas dose na pala ng gabi. Bumalik ang tingin ko sa ibon na hindi naman lumilipad at tila ba naturuan na tumayo lang sa harap ko. The color of the bird is stunning and not the usual. Hindi siya mukhang ordinaryong ibon kaya natutuwa ako.
"Mary... Mary..." The bird suddenly said kaya nalaglag ang panga ko. Paulit ulit pa niyang binibigkas ang pangalan ko. Hindi ko alam but I feel happy because of the bird calling my name repeatedly.
Then, I saw there's something on the birds foot na maliit na papel. Sinubukan kong kuhanin ang papel at himala na hindi manlang talaga gumalaw ang ibon. Kalmado lang ito habang kinukuha ko sa paa niya ang papel na nakaipit.
"Mary... Mary..." salita ulit ng ibon pagkakuha ko ng papel tsaka siya malayang lumipad sa malawak na himpapawid.
I slowly opened the paper and I don't know why I instantly felt happy and special.
"Happy Birthday Mary…"
-Chase