My birthday went well at ilan araw na din ang lumipas. Binati lang ako ni kuya Gilas at kuya Geofrey through videocall. Umalis na din kaninang umaga sila mommy at daddy. Hindi ko din alam kung kailan ko sila makikita ulit.
"Gold, mag almusal kana!" Sigaw ulit ni nanay Viring mula sa labas ng kwarto. Unti unti akong nag inat ng balikat at tamad na tamad na ginalaw ang katawan.
"Susunod po ako!" Sigaw ko pabalik. Ilan minuto pa akong tumunganga sa kisame bago ko napagdesisyunan na tumayo na. Naisipan ko din maligo para gumaan ang katawan.
Pagkatapos ko maligo ay nagbihis ako ng usual na sinusuot ko na malaking t-shirt at short na pambahay. Nang makabihis ako ay dumiretso na ako sa dining kung saan madaming nakahain pagkain kahit ako lang naman ang kakain.
"Nanay, kain kayo..." aya ko kay nanay Viring at sa dalawang kasamabahay na nakatayo sa gilid ng hapag kainin.
"Nako iha, tapos na kami." Sagot ni nanay sa akin. Hindi naman nagsasalita ang dalawang kasamabahay na nasa tabi niya. Hindi ko naman sila isusumbong pero nagtataka pa din ako kung bakit hindi kami pwede kausapin ng mga kasamabahay maliban kay nanay Viring.
Nakaramdam siguro si nanay Viring nang pagkailang kaya inutusan niya ang dalawang kasama na ituloy ang ginagawa para makakain ako ng mapayapa.
Bumuntong hininga ako at sinimulan kainin ang pagkain. Sa sobrang daming inihain sa akin ay wala akong mapili. Lungkot ang tanging nararamdaman ko sa araw araw na ganito ang scenario.
Tahimik kong nilalaro ang pancake sa plato ko ng bigla na naman may kumaluskos sa bintana malapit sa akin. Napanganga ako ng makita ang ibon at manghang mangha sa pagbalik nito. Mabilis akong tumayo at tuwang tuwa na binuksan ang bintana.
Nawala ang ngiti ko ng lumipad ito pagkatapos kong buksan ang bintana. Natanaw ko na papunta siya sa gawi ng kagubatan. Mabilis kong sinara ang binatana at kumuha ng ilan pagkain na hindi ko alam kung bakit. Nagbalot ako ng mga cookies at nagdala ng juice.
Kagaya ng nakagawian ko, dumaan ako sa madilim na tunnel na pigil ang hininga. Mabuti nalang at dala ko ang cellphone ko kahit saan ako magpunta.
Pinihit ko ang pinto at halos masilaw sa liwanag ng araw. Nang na-adjust ko na ang paningin ko ay hindi ko mapigilan magtatalon patakbo sa malaking puno kung saan nandun ang ibon na lumulundag lundag sa nakalatag na kumot na madaming bulaklak.
Mabilis kong binagsak ang mga dala ko sa nakalatag na kumot at natutuwang dinampot ang nagtatalon na ibon.
"Mary... Mary..." salita ulit na paulit ulit ng ibon kaya ako natuwa.
"Nasaan si Chase?" Bigla kong tanong sa ibon na hindi ko naman alam kung naintindihan ako. Umiling pa ako sa sariling kagagahan sa pagkausap sa isang ibon na wala naman kamuwang muwang.
Lumipad ang ibon mula sa palad ko at nag simulang umikot ikot sa lugar. Sinundan ko ng tingin ang ibon hanggang lumitaw si Chase galing kung saan.
"Hello, Mary." Bungad niya sa akin. Mayroon siyang bitbit na basket at nagsimulang lumakad papunta sa akin. I was speechless for a second hanggang makabawi ako. He looked so normal pero hindi ko alam kung bakit na-iintimidate talaga ako sa kanya.
Umupo siya sa nakalatag na kumot habang ako ay nakatunganga sa kanya.
Ngumisi siya." Sit down." Mariin niyang sabi kaya wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya.
"How did you know me?" Bungad ko sa kanya ng makabawi. Yun kasi ang tanong sa utak ko na hindi ko maintindihan.
Nagkibit balikat siya at inayos ang itim na salamin sa mga mata niya. "I just know you..." he said at hindi na dinugtungan pa.
Ilan minutong katahimikan at hindi ko na nakayanan at paninitig niya sa akin. "Uh, thank you..." salita ko. Hindi ko alam kung bakit ako nag papasalamat but I felt like I owe him that.
Tumingin siya sa akin na halatang gulat na gulat. "How's your birthday?" Tanong niya. Hindi ko maintindihan kung bakit alam niya pero hindi na ako nagtanong. I better kept it myself.
"It was fine. Hmm... just the usual." Sagot ko na medyo utal utal pa. I can't even look at him straight to his eyes.
Naglabas siya ng iba't ibang bote ng inumin na hindi ko alam kung ano ang mga iyon. It looks like he made it or somebody made it. Wala naman kasing brand.
"How's life being cage in huge mansion?" Tanong niya ulit. Umiwas ako sa kanya ng tingin dahil kinilabutan ako sa tanong niya. He knows me so well and that scares me a bit.
Huminga ako ng malalim. "I'm not happy..." sagot ko sa kanya. Tila ba nakuha ko ang buong atensyon niya.
"I want to experience living normal. I want to go out. I want to experience having friends and do what normal people do. Alam mo 'yon?" Ngumiti ako ng tipid. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin.
"Hindi ka masaya? You have lots of people. Nakukuha mo gusto mo." Sagot niya sa akin. Tumingin ako sa kanya at umiling. " We have lots of people but not my friend. Hindi ko nakukuha ang gusto ko. Binibigay lang nila sa akin ang gusto nila." Sagot ko. Nakita kong kumunot ang noo niya sabay subo ng dala kong cookies.
Paminsan minsan ay inaayos din niya ang salamin niya. "Gusto kong maging malaya. Gusto kong makalabas na hindi ako mangangamba na baka mapahamak ako. Gusto kong gawin ang mga ginagawa ng mga normal na tao." Patuloy kong sabi.
"But you're living with mafia world Gold. You can't have that." Matigas na ingles niyang sabi. Gulat na gulat ako bakit alam niya ang detalye ng buhay ko pero hindi na ako nag abala na tanungin siya. All I know now is that I'm happy na may nakakausap akong iba maliban sa cellphone at laptop ko.
"I know. 'Yon yata ang pangarap ko na hindi ko magagawa." I said. Yumuko ako dahil nararamdaman ko na nagiging emotional ako.
"What if may way para makalabas ka sa mundo mo? Will you grab it?" Tanong niya sakin. Napatingin ako sa kanya at ngumiti ng tipid.
"Imposible," sagot ko na umiiling iling pa.
Bumuntong hininga si Chase at ngumiti. " I can make it happen. Believe me. I was sent here to kill you. But I can't." Walang preno niyang sabi kaya napanganga ako sa gulat. Dapat ay makaramdama ako ng takot pero hindi ko iyon naramdaman.
"Then why I'm still alive?" I said mockingly.
"Aren't you scared?" Manghang tanong niya sa akin. Umiling ako ng sunod sunod sa kanya.
"Nope." Sagot ko.
"Ibang klase..." sagot niya na tila ba mangha pa din na hindi manlang ako natakot sa kanya. Tumingin ako sa kanya wondering if he's telling the truth dahil wala naman sa itsura niya na kaya niyang pumatay. At the end, hindi talaga. He's just a bookish nerd na kahit yata lamok ay hindi kayang patayin.
I started to laugh. Doon ko nakita ang pagbabago ng expression niya. Nag igting ang panga niya ng paulit ulit. Oppss... did I pull the trigger?
"I guess you don't believe me. But then, that's my task, Mary... To kill you. Now," salita niya sabay tingin sa akin ng seryoso kaya napalunok ako.
"I felt like it's unfair for you to die not experiencing the world. You are young and naive." Salita niya kaya napalunok ako.
"I will give you two choices. It's either you drink this..." inabot niya sa akin ang isang bote na may laman na kulay orange na likido. "Or, you'll die now." Naglabas siya ng baril at tinutok sa mukha ko.
Napalunok ako at napanganga sa baril na nakatutok sa mukha ko. What the hell? Nananaginip ba ako?
The bird started to make noise. Umingay din ang ibang ibon sa paligid at lumakas ang huni ng mga insekto sa kagubatan.
"Why are you doing this?" Tanong ko na medyo maluha luha na. " I want to live." Sagot ko.
Huminga siya ng malalim at tumango. Inayos niya ang salamin at binuksan ang bote na may laman na kulay orange na likido.
"Drink then," he said seriously. Nanginginig ako ng inabot niya sa akin ang bote. I looked straight into his eyes until I finished the liquid inside the bottle.
"Your life will change now." Huling salita na narinig ko sa kanya hanggang sa nawalan na ako ng malay.