4.

1322 Words
"Hmmm…" unti unti kong minulat ang mata ko. Nakaramdama ako ng matinding kirot ng ulo at panghihina ng katawan. Nang tuluyan ko ng minulat ang mata ko ay pilit kong inaalala ang nangyari pero wala akong maalala. I even can't remember who I am. Isang kahoy na kisame ang bumungad sa akin. Medyo masakit pa ang likod ko dahil sa papag na kawayan na hinihigaan ko. Sino ba ako? Nasaan ako? Bakit kahit anong gawin kong pilit ay wala akong makapa sa isip ko na kahit katiting na memorya. Dahan dahan kong pinilit na tumayo kahit na ang katawan ko ay nanghihina. Wala akong tsinelas kaya napasinghap pa ako ng tumama ang aking mga paa sa lupa. Hindi ko alam kung mandidiri ako pero ang putik putik ng natapakan ko. Nilibot ko ang mata ko sa paligid. Masyadong masukal at medyo maingay sa labas. Nasaan ako? Kaninong bahay 'to? Tinulak ko ang pinto na halos matatanggal na mula sa pagkakabit. Nang makalabas ako ay madaming kalat ang tumambad sa akin. Mayroon nangingitim na kurtina at lamesa na halos niretoke lang. Mayroon electricfan na sobrang dumi at mga plastic na plato at baso na nakakalat. "Hello?!" Salita ko baka sakali na may tao dito. Maliit ang bahay at mainit. Wala manlang kisame ang bubong at halos gawa sa kahoy at flywood ang kabahayan. Una kong hinanap ng walang sumagot ay tsinela o kahit ano na pwede ko manlang ipangsapin sa mga paa ko. May nakita akong tsinelas na mag kaiba pa at hindi magkapares. Lagkit na lagkit ang paa ko dahil may kaunting putik ang lupang sahig. Nang masuot ko ito ay nagsimula akong maghanap ng cr o kahit anong pwedeng ipanglinis sa paa ko. Nakita ko ang banyo at lababo pero wala naman gripo. Ang mayroon lang ay timba at tabo na wala naman laman tubig. Hindi ako mapakali. Bumalik ako sa sala. Nakita ko ang daan palabas ng bahay at dumiretso ako doon. Bumungad sa akin ang mga tao na nagkakagulo at may kanya kanyang ginagawa. Mayroon pang mga umiinom at naninigarilyo. Mayroon din nagtsitsismisan at mayroon nagsusugal. Pumikit ulit ako at pilit na inalala kung sino ba ako o nasaan ako. Ito ba ang bahay ko? Dito ba ako nakatira? Sino ang kasama ko sa bahay? Gulong gulo ako at parang pusa na naligaw sa kagubatan. Nagulat ako ng bigla nalang nagtakbuhan ang mga tao at may malakas na siren ang tumunog. Halos matumba pa ako ng matungo ako ng ilan. "Ayan na ang tren!" Sigaw ng ibang kakababaihan hila hila ang mga maliliit na bata. Napatingin ako sa napakaingay na tren na padating at maging ako'y napa atras. Ang impact ng tren na dumaan ay nagpakalabog ng usto sa dibdib ko. Nakakatakot! Nang makadaan ang tren ay balik sa normal ang mga tao na inabutan ko. Naiwan ako at ilang segundo nakatulala. What was that? "Uy, nasaan si Shaun?" Tanong sa akin ng isang lalaki na medyo may edad sa akin. Hindi ko siya kilala at hindi ko matandaan. Sino din si Shaun? Naiilang pa akong kausapin siya dahil medyo madusing siya at mukhang gangster. Nakakakunot lang ang noo ko sa kanya kaya natawa siya ng bahgya. "Sino si Shaun?" Takang taka kong tanong sa kanya. "Huh? Kapatid mo malamang. Ano ba nangyayari sa iyo Marya?" Sagot niya sa akin. Lalo akong naguluhan ako ba si Marya? "Marya ang pangalan ko? May kapatid ako?" Tanong ko pabalik sa kanya. Humagalpak ng tawa ang lalaki. Halos maluha na nga siya kakatawa. "Bumalik ka nga sa pagtulog. Nanaginip kapa yata!" Salita niya sabay iling. Ginulo pa nga niya ang buhok ko at tsaka ako tinalikuran. Sinundan ko siya ng tingin at hindi na siya tumingin pabalik. Ang tanging alam ko lang ay nanatili siyang tawa ng tawa. Huminga ako ng malalim dahil wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Tumalikod ako para bumalik sa bahay na nilabasan ko kanina. "Marya…" tawag ng isang lalaki. Hindi ako sigurado kung sino si Marya pero lumingon pa din ako. Natigilan ako ng makita ang dalawang lalaki na sabay na naglalakad papunta sa akin. Ang isa ay medyo may edad sa akin at malaki ang pangangatawan. Ang isa naman ay parang may parte sa akin na nakita ko na. Payat na matangkad na lalaki na alam kong kaedad ko lang. Matangos ang ilong at nakasalamin na kulay itim. They are both wearing simple clothes at mukha naman simpleng tao pero nahawi ang tao sa bawat daanan nila. Nakakaintimidate silang dalawa. Ang iba ay tinatanguan sila at iba ay yumuyuko sa kanila. Nang nakarating sila kung nasaan ako ay agad akong napaayos ng tayo. "Bakit nasa labas ka?" Tanong ng lalaki na medyo may edad sa amin. Napatingin naman ako sa lalaking nerd na nakataas ang kilay sa akin. "Who are you?" Tanong ko. Nagulat po ako ng mahina niyang tapikin ang noo ko. "Hoy Maryang Ginto! Pa ingles ingles kapa! Nag ka amnesia ka lang nagkaganyan kana." Salita niya habang natatawa. Hawak ko ang noo ko na tinapik niya at ngumuso. Amnesia? Ako? "Sino kayo?" Tanong ko pa din sa kanya. Inakbayan ako ng lalaki. Napatingin naman ako sa lalaking nerd na nakatingin sa lalaki na nakaakbay sa akin. Ang sama ng tingin niya. Walang halong humor na talaga naman kikilabutan ka. "Ah…eh…" mabilis niyang tinanggal ang braso sa balikat ko sabay haplos sa batok niya. "Kamusta ka Ginto?" Tanong ng lalaking nerd kaya naagaw niya ang atensyon ko. Ano ba talaga ang pangalan ko? "Ah, hindi ko alam. Wala akong maalala." Sagot ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at tumango. "Yeah, nagkaroon ka ng maliit na aksidente cause of your loss memory. Magiging okay ka din."salita niya. "Sino kaba? Sino kayo?" Tanong ko. Huminga ng malalim ang nerd na lalaki. "I'm Chase," salita niya. "Siya naman si Shaun, kuya mo." Pakilala niya sa isang lalaki. So siya pala ang hinahanap ng lalaki kanina. Siya si kuya Shaun. Kahit nalilito ako at naguguluhan ay tumango nalang ako. May parte sa akin na nagsasabi na parang may mali pero hinayaan ko nalang. Wala akong maalala at muka naman hindi ako niloloko ng dalawa. "By the way, bestfriend mo ako Ginto." Chase told me again. Bestfriend? Talaga ba? Kaya pala mayroon parte sa akin na parang konektado ng makita ko siya. Umingay ang mga tao sa labas. May tumunog pa ulit na parang warning o ano kaya nagulat ako ng hilahin ako ni Chase papasok sa bahay. Si kuya Shaun naman ay nag igting ang panga at pumwesto sa likod namin namin na tila ba pinoprotektahan kami. "What is happening??" Naguguluhan kong tanong. Ngumiwi ako sa dumi ng bahay at nadumihan na lalo ang paa ko. "Wala naman. May check point lang sa labas." Sagot ni kuya Shaun. Check point? Para saan? "Huwag mong guluhin ang isip mo Ginto. Everything is fine. Now go back inside at may aayusin lang kami ng kuya mo ha." Salita ni Shaun tulak ako sa loob ng kwartong nilabasan ko. Hindi naman ako makaalma dahil halos nasa loob na ako. "Huwag kang lalabas ng hindi namin sinasabi, okay?" Salita niya sa akin. Nakatingin si Chase sa mga mata ko. His eyes is fierce at halos manghina ako. Hindi ko din alam biglang kumalabog ang dibdib ko sa tingin niya. I can't utter any words kaya tumango nalang ako sa kanya. Seryosong nagpakawala ng buntong hininga si Chase. "Good girl." Salita niya sabay kabig ng pinto. Dinig na dinig ko ang ingay sa labas. Para bang mayroong gulo o ano dahil may mga gamit na tumutunog. Nagulat pa ako ng sabay sabay magpatugtog ng stereo ang mga tao sa labas. Ay, bakit? Sa sobrang lakas at dami ng nagpapatutog ay wala na akong ibang marinig. Hindi ako mapakali sa nangyayari kaya naman sinubukan kong sumilip sa pinto ng silid. Napanganga ako sa gulat ng makita si kuya Shaun at Chase na may hawak na baril at sabay kinasa at lumabas ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD