Nang sumapit ang break time ko, agad na hinanap ng paningin ko si Marga. Nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya bago ako pumasok sa pantry, tumango na siya sa akin na isang simbolo na papunta na rin siya. Sa totoo lang hindi pa rin talaga maalis sa puso ko ang kaba. Ang hirap na sabihin sa sarili kong kumalma, lao na mukhang ang sasabihin niya sa akin ay seryoso na rin. Mukhang may nalalaman nga siya na hindi ko alam. Maaarng ito na nga ang plano ni Lyka na iniisp ko. Kaya gusto niyang maghiwalay kami ng break time at day off ni Orwa May iba nga talga siyang balak sa jowa ko. Hindi ako mapakali sa loob ng pantry. Kanina pa ako palakad-lakad habang hinihintay na pumasok si Marga sa loob. “Sunshine.” Nang marinig ko ito, halos mapatalon ako. Nasa harapan ko na ngayon si Marga.

