Lutang ako, mas lutang pa sa bangka na nasa dagat. Hindi ako makapag-isip ng maayos, sa mga sinasabi at ginagawa ni Orwa, hindi ko na alam. Hindi ko kayang ipaliwanag ang pakiramdam ko.
Matapos naming makarating sa isla, agad kaming nagtungo sa cottage na inarkila na nila.
"D'yan niyo na lang ilagay ang mga bag niyo, tapos kumain na muna tayo bago maglaro at maligo," utos ni sir Tyron habang itinuturo kung saan pwedeng ilagay ang mga bag. Bumitaw ako kay Orwa, para makapasok siya sa cottage at mailagay ang bag namin.
"Tol, pasuyo na rin," sabay abot ni Rick, ng bag na dala nila. Taray, nasa iisang bag lang gamit nila? Taena! Hindi pa sila mag-jowa ah? So ano to? Landian without label?
"Harot mo!" Sabay kurot ko sa tagiliran ni Sunny.
"Ako lang ba maharot?" Bawi pa nito. Pinandilatan ko siya bago ibinaling ang tingin kay Orwa, na sa pag-aayos ng mga gamit. Nagkakagulo na sila sa paglalagay ng nga gamit.
"Mag-bikini ka ba mamaya? Sangkalan?" Napairap ako sa hanging at lumingon kay bibe-gwasan mo dahil sa baho ng hininga. Si Chuchay, parang pangalan ng aso nila aleng Mirna.
"Ano ba 'yan, ang baho," sabay paypay ko. Napaiwas rin sila sa ginawa ko.
Andito na naman ang apat na kontrabida ng buhay ko. Oo nga pala, si ms. Jen hindi ko nakita ngayon. Baka pa-special pa siya mamaya, late na naman 'yon.
"Keta tumatayo kayo d'yan, tana tinutulungan niyo tila ter," bulyaw dito ni Sunny. Agad naman silang nagtawanan at natanaw ang kanilang mga bulok na ngipin.
"Tino? Ti tir? Tinatabi ko naman tayo, ayutin mo pagtatalita mo, 'wag kang buyoy" lait pa ni Mayora. Tiningnan ko naman sila ng masama.
"Hayaan mo na sila, mga inggit 'yan. Kasi wala silang mga kasamang jowa," babytalk ko sa kanila. Taena nitong mga 'to. Matagal na ko naiinis sa kanila. Dapat enjoy lang ngayong araw pero pati dito iinisin nila kami.
"Tingnan natin kung jowa mo pa 'yan si Orwa, kapag nakita niya ang mga katawan naming hindi sangkalan," sabay alog ni Chilay sa kaniyang dibdib.
Yay! Kakadiri naman 'tong mga matatanda na 'to. Kung hindi ako nagkakamali magkakasing edad lang sila, mga nasa 39-45 years old. Tapos pagnanasaan nila ang mahal ko?
"Mandiri naman kayo," sabay alog ni Sunny ng kaniyang balikat, umakto naman ako na parang nasusuka.
"Tara na nga, baka masuka pa tayo dito," aya ko kay Sunny. Ewan ko ba sa mga matatandang 'yon. Pati ba naman mga parang anak na nila pagnanasahan pa, naglalagas na nga ang mga ngipin, ay.
Para makaiwas kila Mayora at sa tatlong bibe, sa kabilang cottage kami nagpunta ni Sunny. Walang tao sa isa na 'to, abala pa rin sila Orwa sa kanilang ginagawa. May inaayos kasi sila, mga pagkain ata.
"Nagugutom na kamo ako," sabay himas ko sa tiyan ko. Sumandal ako at tumingin kay Sunny.
"Betty," mahina nitong tawag.
"Bakit?"
"Paano ko ba maaayot pagtatalita ko? 'Yong may letter et, para hindi na nila ako inaatar," nakasimangot nitong tanong. Umayos ako ng upo at humarap sa kaniya.
"Hindi ko rin alam, pero ayos lang 'yan. Wala namang perpekto na tao," payo ko pa dito. Wala naman kasi talagang perpekto na tao, nasa kung paano lang natin tinatanggap ang sarili natin.
"Alam mo ba kung bakit hindi pa kami ni Rick?" Tumingin pa ito sa paligid para siguraduhin na walang taong makakarinig sa amin.
"Kati natatakot ako, paano kung dumating ta point na nahihirapan na tiyang intindihin ako? Tapot nakakita tiya ng iba, na matino kautap at naiintindihan niya?" Napakamot naman ako sa likod ng aking tainga matapos itong marinig mula sa kaniya.
"Kagagawan na naman ito nila Mayora, no? 'Di ba sabi ko naman sa 'yo dati pa. Wala 'yan sa klase ng pananalita o sa kung kaya ka ba niyang intindihin. Kasi ang pagmamahal, kaya ka niyang intindihin sa pagkakataon na maging sarili mo hindi mo naiintindihan. Kaya 'wag kang magduda kay Derick, kasi kung una pa lang hindi ka na niya naiintindihan at gusto kang iwan. Hindi tatagal ng dalawang taon panliligaw niya sa 'yo," pagpapayo ko dito at inayos ang manipis niyang bangs, ngumuso naman ito at tumingin sa malayo.
"Kaya 'wag mo na isipin sila Mayora, tingnan mo sila nga lagas na at bulok pa mga ngipin," napakagat labi pa ako para lang magpigil ng tawa pero, hindi ko talaga nagawa. Sabay na kaming humalakhak dito ni Sunny.
Syempre walang pwedeng lumait sa amin kung hindi kami lang, talagang aawayin ko kapag may umaway sa kaniya. Pitikin ko pa mga ngipin nila Mayora at tatlong bibe, kaso punong-puno pala 'yon ng germs. Yay!
"Anong ginagawa niyo dito?" Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot si sir Tyron.
"W-wala po, inaantay lang namin matapos ang ginagawa doon," palusot ko pa.
"Tapos na, kakain na nga, eh. Tara na?" Pag-aaya nito. Napatingin pa ako kay Sunny, tingin lang ito pero alam na ang nasa isip ng isa't isa. Jusme! May topak nga ata talaga si sir, kasi ang lumanay niya magsalita at inaaya pa kami.
"Tara na," muling aya nito. Na natili ang pagiging tahimik namin ni Sunny habang sumusunod sa kaniya. Nakatameme at nagpapakiramdaman, ang awkward naman nito.
"Matagal na kayo ng jowa mo?" Nagkatinginan pa kami ni Sunny sa tanong ni sir Tyron.
"Sino po? Kami ni Orwa?" Turo ko pa sa sarili ko.
"May iba ka pa bang jowa?" Mahina akong makisabay sa tawa niya. Awkward talaga, ito pang si Sunny hindi nagsasalita. Puro masid lang sa amin.
"Hindi naman po gaano," sagot ko habang nakatingin sa harapan.
Naglalakad kami papunta sa cottage namin, habang si Orwa nakatitig ng seryoso sa kinatatayuan namin. Salubong ang kilay nito at base sa nakikita ko, mabibigat ang paghinga nito.
Parang natatakot ako sa kung paano niya kami tingnan, lalo na kay sir Tyron. Nagseselos ba siya?
Malapit na kami sa cottage ng biglang malusot ang isang paa ko sa hukay. Muntikan na akong matumba, kaya agad akong napakapit kay sir Tyron. Napasigaw naman si Sunny at agad itong nakapukaw ang attention ng lahat.
"Ayos ka lang ba?" Pag-aalalang tanong ni sir Tyron.
"Kaya mo ban–" agad itong naputol sa pagsasalita ng bigla siyang itulak ni Orwa, nanlaki pa ang mga mata ko matapos ako nitong buhatin.
Mabilis ang kabog ng dibdib at parang nanunuyo ang lalamunan ko, habang nakatitig sa mukha ni Orwa. Seryoso ito at umiintig ang panga. GHAD! Ganito pala itsyura ng umiintig ang panga sa personal? Legit na nakakaakit talaga.
"Betty," mahinang tawag ni Sunny habang sumusunod sa amin ni Orwa. Hindi ko magawang tingnan ang paligid, maging si sir Tyron. Basta focus ako sa mukha ni Orwa. Halos kumawala na ang puso ko sa sobrang bilis ng t***k matapos bumaba ang tingin nito sa mukha ko. Ano kayang itsyura ko ngayon na nakikita niya? Gulat? Pagtataka? Lutang? Ewan, basta alam ko nakanga-nga ako.
"Umupo ka na muna d'yan," seryoso pa ring wika nito. Napatingin ako kay Sunny na kagat ang kaniyang daliri. Nakaupo ito sa isang sulok habang nakahawak sa kaniyang balikat si Rick.
"Masakit ba ang paa mo?" Pag-aalalang tanong ni Orwa, napausog pa ako ng upo matapos nitong lumuhod sa harapan ko at hawakan ang paa ko.
Taena! Para akong kinikiliti na ewan, basta kinikilabutan ako.
"Aahhh!" Daig ko ng bigla niya itong hilutin. Nakakaloka naman, bakit ngayon pa nagkaganito ang paa ko? Edi bawal ako nitong maligo? Wrong timing naman.
"Bakit kasi kung kani-kanino ka sumasama? Edi nasaktan ka pa tuloy," sermon nito at tumingala para tumingin sa mga mata ko.
"Hindi ba ang sinabi ko gusto ko sa akin ka lang? Sa akin ka lang dapat sumama, sa akin ka lang nakatingin, sa akin ka lang nakikipagtawanan, sa akin ka lang." Mahinahon ngunit malalim nitong saad. Kanina pa nagwawala ang puso ko, pati ang utak ko hindi na talaga nakikisama. Taena! Normal ba ito? Ganito ba talaga sinasabi ng jowa kapag nagseselos? Ano naman ang dapat kong isagot? Pota! 'Di ko talaga alam, wala pa namang nagsabi sa akin ng ganito.