Dito na lang kami kumain apat sa loob ng cottage. Habang ang iba ay nasa labas, kumakain sa isang mahabang lamesa. Nadamay pa tuloy sila sa akin, mukhang ako ngayon ang bantay sa cottage.
"Bakit kasi hindi mo tinitingnan ang dinaraanan mo kanina?" Natatawang tanong ni Rick.
"Kakatingin kay Orwa," sagot pa ni Sunny, na akala mo siya ang tinatanong. Tumingin pa ako kay Orwa na abalang naglalagay ng tubig sa baso ko.
"Hindi ka tuloy makakatali," nakatulis na ngusong saad ni Sunny.
"Kaya nga, 'wag ka na rin kayang sumali? Baka mapagod ka lang," pag-aalalang saad anas ni Rick. Tumingin ako kay Sunny na may pang-aasar, kitams. Kilig na kilig naman siya.
"Hindi pwede, baka tabihin nila ayaw namin makihalubilo ta kanila," palusot pa nito. Pero ang totoo gusto lang talaga niyang maglaro kasama itong si Derick. Naka! Alam ko karakas mo.
"Dito na lang ako, para samahan ka," napairap pa ako para lang magpigil ng kilig. Marupok ba ako? Bakit ang bilis kong gawing totohanan itong pagiging jowa ko sa taong orchid na 'to?
"Naks, kapag usap, usap lang ha?" Biro pa ni Rick.
"Syempre, kapag ibang usapan dapat tago," pilyo nitong sagot. Kinurot ko siya sa tagiliran na mas lalong ikinatawa niya. Loko talaga ito!
"Anong utapan ba 'yan? Baka naman lalong di 'yan makalakad," napahalukipkip ako ng pati si Sunny ay sumali na para tuksuhin ako. Bakit ba ganito mga utak nila?
"Tumigil nga kayo, hindi ko alam 'yan," pagmamalinis at feeling inosente kong sagot.
"Edi ipapaalam ko sa 'yo," napasigaw ako ng bigla akong higitin ni Orwa at iupo sa lap niya. Napakapit pa ako sa leeg niya at napasambunot sa kaniyang buhok.
Taena! Tanghaling tapat, pero nanlalamig ako. Wala naman ko sa dagat ngayon pero bakit parang basa na ako? Opsss...bad ka Sunshine.
"Tara na nga, baka may makanood pa tayong live action," saka lang ako natauhan ng biglang nagsalita si Sunny. Sabay silang ngumisi ni Derick at agad na lumabas sa cottage. Aba! Lokong mga 'yon. Iniwan talaga kami dito?
"Ano na mahal? Ready ka na ba?" Agad akong napalunok ng bumulong si Orwa, talagang ginising nito ang kakaibang enerhiya ng katawan ko.
"D-dito talaga?" Sabay kurap-kurap ko ng sunod-sunod.
Totoo na talaga 'to? Sa cottage? Paanong pwesto? Paano kung biglang may pumasok? Mabilis lang kaya?
Kung anu-anong senaryo na ang tumatakbo sa utak ko ng biglang tumawa si Orwa at ibinalik ako ng upo.
Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya na halos mamatay sa katatawa. Namimilipit at namumula na talaga siya.
Taena! Nadali na naman ako nito sa mga mapanlinlang niyang salita. Hayop talaga! Tuwang-tuwa pa talaga siya kapag nakikita ang reaction ko kapag nag-iisip ng mga kakaibang bagay? Gustong-gusto niya talagang makita na nag-iisip ako? Jusme! Gusto mo talaga 'to Orwa?
"Ang cute mo talaga mahal," hapong-hapo itong tumingin sa akin. Uminom pa siya ng tubig dahil mukhang hiningal sa katatawa.
"Bakit kasi kung anu-anong tumatakbo sa utak mo?" Tiningnan ko siya ng masama.
"Natatawa ka pa?" Sabay irap ko.
Sa susunod talagang gawin niya ito, hindi na ako magpapadala pa. Basta kailangan kong tatagan at 'wag magpatalo sa malandi kong sarili, para hindi na niya ako pagtawanan pa ng ganito.
"Sorry na pala," suyo nito na itinataboy ko, humalukipkip ako at umusog ng upo. Bahala siya, basta naiinis ako sa kaniya.
Nakakainis! Puro salita at biro, ayaw totohanin–teka! Utak mo naman kasi Sunshine. Kaya ka napapahamak eh, puro kabastusan.
"Mahal, sorry na. Sige ganito na lang," seryoso akong tumingin sa kaniya.
"May trivia ako," pagyayabang nito at kinuha ang lumpia na nasa plato ko. Hindi ko na pala naubos pagkain ko, puro naman kasi sila kalokohan.
Ano na kayang ginagawa ng mga kasama namin ngayon? Nakasuot na kaya ng bikini sila Mayora? Akalain mo 'yon? Hindi rin pala sila makikita ni Orwa? Si ms. Jen kaya? Sayang naman kasi, kung hindi lang ako natapilok malamang nakasali ako sa laro at nakaligo ng dagat. Sayang mga selfie, puro sa bangka at sa cottage lang picture namin ni Orwa.
Si sir Tyron kaya? Hindi ko na siya nakausap, simula pa kanina. Bukas na lang ako hihingi ng sorry sa ginawa ni Orwa. Si Sunny at Rick malamang tuwang-tuwa ngayon.
Kakainggit talaga, mabuti pa sila nag-enjoy na, dito mukhang si Orwa lang natutuwa.
Gusto ko pa sanang ipagyabang kila Mayora ang jowa ko, kaso wala, eh. Naiwan kami dito nagbabantay ng gamit.
"Huy! May trivia nga ako sabi," napaiwas pa ako ng bigla ako nitong kilitiin sa tagiliran.
"Ano?" Irita kong tanong.
"Alam mo bang hindi mo pwedeng isigaw ang O kapag kagat mo ang lower lip mo?" Kumunot pa ang noo ko at kinagat ang ibabang bahagi ng labi ko.
"Kakainin ko na, ha?" Napatingin ako kay Orwa habang nakangising tinuturo ang lumpia.
"Sige na, kakainin ko na 'to. Try mo gawin sinasabi ko," gumalaw-galaw pa ang balikat niya, alam kong may kalokohan ito. Hindi ko lang alam kung ano, pero alam ko mga ganitong ngisi niya.
"Dali na," pilit nito.
"Oo na, kainin mo na 'yan," utos ko pa. Umayos ako ng upo at kinagat ang ibabang bahagi ng labi ko. Humigop muna ako ng malalim na paghinga bago ginawa ang sinabi niya.
"OOOOHHHHHH!" nanlaki ang mga mata ko at muling pinanalangin na bumuka ang lupa at lamunin ako.
Taena! Nagpauto na naman ako.
"Bakit ka umuungol, mahal?" Inosenteng tanong nito.
"Bwisit ka! Bwisit!" Sunod-sunod kong hampas sa kaniya.
Nakakahiya sa mga nakarinig sa labas. Buong pwersa ko 'yong ginawa. Anong iisipin nila? May ginagawa kaming kababalaghan dito sa loob? Ang lakas ng sigaw ko, pota!
"ORWA!" Sigaw ko dito, habang patuloy na hinahampas siya.
Susmaryosep! Sa buong buhay ko ngayon lang ako nadali ng ganito, baka isipin ng mga nasa labas may ginagawa na kami dito at sobrang ingay ko.
Sabi ko na nga ba, may kalokohan siya.
"Sorry na," natatawang awat nito sa kamay ko.
"Nakakainis ka talaga!" Singhal ko dito.
"Sorry na, ang cute mo kasi talaga lalo na kapag lumalaki ang mata mo," patuloy nitong awat.
Magsasalita pa sana ako ng biglang sumulpot sila Mayora at tatlong bibe sa harapan namin.
"Hi, Orwa, gusto mo bang sumama maligo?" Aya sa malanding tono nito. Napahinto ako sa paghampas kay Orwa kaya nahawakan ako nito sa dalawang kamay.
Napangisi ako pero agad ko ring inalis. Grabe naman 'tong mga ito magsuot ng bra. Sana hindi na lang sila nag-bra, ano? Tutal luwang-luwa naman na mga dibdib nila. Daig pa nila mag-bikini si Sunny. Eh, mas bata, mas maputi at mas makinis pa 'yon.
"Sorry, hindi ko pwedeng iwan si Sunshine," pagtanggi nito.
"Sayang naman, magtatampisaw lang naman tayo sa malamig na tubig," mapang-akit na saad ni Lileth.
"Oo nga, sisisid lang tayo," sabay kagat labi pa ni Chuchay.
"Masaya 'yon," sabi pa ni Chilay at inalog-alog ang kaniyang dibdib na kulang na lang pwede ng isampay sa balikat.
Napatingin ako kay Orwa na sa mga mukha lang nila nakatingin. Wow, totoo ba 'to? Bilis ng mata, ah. Imposibleng hindi siya naakit ng nga patalbog na dibdib?
"Sorry talaga, pwede naman akong sumisisid dito sa loob ng cottage. Hindi ba mahal?" Sabay ngisi nito.
Hindi ako pwedeng magpadala sa mga joke niya. Duh! Anong akala niya? Iisipin ko 'yong pagsisid? Asa ka naman Orwa. Sisisid dito sa Cottage ka d'yan. Gaano ka naman kalalim sumisid? Mabilisan lang din ba 'yong pagsisid niya? Saan kami banda? Dito na lang din ba sa upuan? Masasaktan kaya siya kapag sinasambunutan ko siya habang sumisisid?
Susmaryosep! Mahabaging Neptyun. Kung anu-ano na namang sumasagi sa utak ko.
"Arte, sangkalan naman dibdib," bulong ni Mayora habang palabas sila ng cottage. Ilang saglit pa ay bumalik na ko sa wisyo at muling tumingin ng masama kay Orwa.
"Bitaw mo nga ako," pag-iinarte kong hinila ang kamay ko pero hindi niya ito binitawan.
"Kunwari ka pa, gusto mo rin naman 'yong patalbog ng dibdib nila," sabay irap ko dito. Lahat naman ng lalaki gusto ng may tumatalbog, tapos ganoon pa kalusog kila Mayora, kaso makunat na. Pagtyagaan na lang.
"Paano mo naman nasabi? Sige nga patingin nga ng tumatalbog," hamon nito at binitawan ako.
"Che! Mukha bang may tatalbog sa akin?" Singhal ko dito. Nakaka-offend din 'to, eh no? Alam na nga niyang hindi to tumatalbog kahit pa tumakbo o tumalon ako.
"Ganoon ba? Base sa aking nakikita at nalalaman. Base sa human theory, kaya pa naman mag-expand ang ganiyan. Basta may mga pinagpala na kamay para tulungang palakihin 'yan. Simulan na ba natin?" Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa mga malalapad at mauugat nitong kamay.
"S-sigurado ka bang pinagpala 'yan?" Nanginginig kong tanong.
"Paano natin malalaman kung hindi natin susubukan," ngumisi ito na talagang nakakaloko.
Napauwang ang bibig ko habang nakatingin sa mga kamay nito. Ahh...alam ko mga ganito niya, binibiro lang ako nito. Akala mo ba magpapadala ako sa mga kalokohan mo? Sorry ka Orwa, hindi ako marupok. Akala mo ba madadala ako ng joke mo? May nalalaman ka pang pinagpalang kamay ha? May magic kaya kamay nito? Paano kapag napalaki niya ito? Bibili ako ng bagong bra? Ilang session 'yon kapag nagkataon? 3× a day ba 'yon? Paano? Ngayon start? Ilang oras? Gaano katagal? Ilang araw malalaman kapag lumalaki na?
"Utak mo," sabay subsob nito ng kaniyang palad sa mukha ko at wala na namang humpay sa pagtawa. Mariin akong napapikit at kinurot siyang muli.
Bwisit! Bakit ba palagi niya kong nadadali sa ganitong usapan? Kailangan ko ata talagang mag-seminar para hindi maging marupok ang utak. Puno na nga ata talaga ng kamanyakan utak ko, kaya palagi akong natatalo. Kasalanan ito ni Sunny, Kung hindi niya ako kinukwentuhan ng mga ganitong kalokohan hindi masusunog ang utak ko sa impyerno.