Limalalim na ang gabi, habang ang iniisip ko ay lumalalim na rin. Kanina pa akong nakatulala at hindi kayang hanapin ang antok. Kahit na magkatabi kami ni Sunny, pakiramdam ko pa rin ay mag-isa ako. Gusto ko na makita si Orwa, gusto ko na siyang mayakap. Sa mga oras na lumilipas, lalo ko lang na nais siyang mahagkan. “Hindi ka pa rin natutulog?” tanong ni Sunny. Hindi ako umimik, dahil nakatalkod ako sa akin, hindi ko alam kung paano niya nalaman na gising pa ako. Ang kakakiyak ko kanina, mukhang naubos na rin ang lahat ng luha sa akin. Mukhang hindi na kaya pang maglabas ng mga mata ko ng luha. Lalo pa at humahapdi na rin ang nararamdamn ko sa aking puso. “Alam ko naman na giting ka pa. Hindi rin ako makatulog dahil sa kakaitip ta mga nangyayari ta iyo,” saad nito. Nanatili akong

