Panibagong bakbakan, hindi naman gaanong habol sa quota kaya mabagal lang ang dating ng mga sapatos sa akin. "Baks, alam mo galit na galit si sir Sonic noong hapon na umuwi ka. Nakakatawa mukha ni Mayora," muntikan ko pang maitapon ang sapatos na hawak ko sa mukha ni Alisha. "Bakit ka ba nanggugulat?" Bulong ko pa dito. "Ang seryoso mo naman kasi, kanina pa ako dito hindi ko ako kinakausap," sagot naman nito, pakunwaring abala sa ginagawa. "Ayon na nga bakla, ganito 'yan. Si sir Sonic, nag-check sa area 2. Tapos nakita niya 'yong isa sa mga QC na hindi gumagawa ng report, pero may pirma ni Mayora," intriga nito. Umayos pa ako ng upo para mas makinig ng mga chika niya. "Sino?" Dahil chismosa ako, gusto ko ring malaman. Para kung sakaling ako ang pagdiskitahan ni Mayora, may ibabalik ak

