Tahimik at puno ako ng tanong hanggang sa makarating kami ng mall, naiilang ako sa mga tingin ni sir Tyron pero hindi ko magawang magtanong. Susme! Buong byahe namin si Orwa, tumatakbo sa utak ko, natatakot ako na paano kung malaman niya na lumabas kami ni sir Tyron? Pero bakit nga ba ako natatakot? Taena! Ang sakit sa ulo. "Ano bang gusto mong kainin?" Tanong nito habang nakatingin sa menu. Hindi ko alam kung bakit niya ako dinala dito sa Pizza Volante. Gusto lang nitong kumain dinamay pa ako, ang mahal pa naman dito, tapos wala pa kaming sweldo. "Hindi ka ba magsasalita?" Lalo pang lumaki ang mata ko sa tanong niya. "Wala po akong pera, antayin ko na lang po kayong matapos," nahihiya kong tugon. Maya-maya pa ay nakita ang pag-alog ng balikat niya at biglang tumawa. Tumingin pa ako

