Walang pagbabago, abala sa trabaho. Ngayon mas marami na ang mga sapatos na dumarating sa akin, siguro may quota silang tinatapos ngayong araw. "Baks, alam mo na ba 'yong usap-usapan?" Muling intriga ni Alisha. "Tungkol saan?" tanong ko ritong sa mga sapatos ang mata. Kaya ko namang makipagdaldalan sa kaniya na, nasa mga sapatos ang mata ko. Kapag talaga chismosa ka at madaldal, madali lang. "Sa 'yo at sa boss mo," bumagal ako sa pag-inspect matapos itong marinig. "Si sir Tyron?" Salubong na kilay akong tumingin sa kaniya. "Oo, usap-usapan na mag-jowa kayo. Tapos narinig ko sa mga kasamahan mo, malandi ka raw. Kasi may jowa ka na, lumalandi ka pa sa iba," saad niyang mabilis na nagpainit sa ulo ko. Malandi talaga? Wala nga akong idea sa gusto ni sir Tyron, tapos ako pa ang sasabih

